Sixteen]

1.4K 30 2
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Sixteen//

 

Flame's POV

"Kaya mo pa yan Flame!"

"Go Kuya!" Sabay na sabi ni Happy at ni Ice. Linggo ngayon kaya naman matagal-tagal ang aming training ngayon.

Ang pinapagawa sa akin ni Curse na training ay tinawag niyang "hitting many birds with one stone" ang wierd ng name ng training nya nuh. Ganito kasi yun, he will lift 7 paper balls and I need to shoot that  paper balls with only 1 fireball. Ang hirap na ng pinapagawa niya sa akin. Ni hindi ko rin alam kung paano ko gagawin yun pero I gotta try AGAIN.

 

"Ready?" Tanong ni Curse.

 

"Ready when you are." Sorry, hindi ko ipapakita sa kanyang hindi ko alam kung paano ko gawin eto. Bahala na.

Tinipun ko na ang apoy sa aking dalawang kamay. Pinagdikit ko eto upang mas lumaki pa. Ang aking plan, paghihiwalayin ko yung ball of fire pag itinira ko na eto. Huminga muna ako ng malalim at itinira na ang aking apoy sa mga pinapalipad niya. Sinubukan kong kontrolin ang apoy ko upang paghiwalayin ang mga ito sa pito pero nahati lang eto sa lima at tatlo lang ang tumama sa mga paperballs, samantalang ang dalawan ay napunta sa ibang direksyon.

 

"Aish!" Nainis na ako. Pang-ilang try ko na ba tong gawin?! Tatlong araw na akong nastuck sa training na eto. Bakit kasi hindi ko magawa-gawa ng maayos eh!

 

"Ok lang yan kuya." Sabi sa akin ni Ice na naglalakad palapit sa akin.

 

"Bwisit naman oh!" Tapos biglang umapoy ang buo kong katawan. Hindi na ako nagulat dito dahil sa almost 1 week na naming training ay lagi akong nagiging ganito kapag naiinis pero ang problema ay hindi ko eto makontrol kaya naman ......

 

"Happy! Ang fire extinguisher!" Sigaw ni Curse at dali-dali namang kinuha ni Happy ang fire extinguisher at inispray na eto sa akin.

Matapos matupok ang apoy sa aking katawan ay lumapit sa akin si Curse at bumuntong hininga, "you should not let your emotions swallow you Flame. Let's try again."

Tama! Hindi dapat ako magpadala sa aking emotion. Concentrate Flame.

2nd try. 4 ang natamaan na paper balls.

Try Again!

3rd try. Naihiwalay ko na sa pito ang aking apoy pero apat lang ulit ang natamaan at ang tatlo ay papunta kanila Happy at Ice.

 

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon