Thirty]

1.1K 27 4
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos
Lhenzified©2014


Chapter Thirty//


Ice's POV


5:30am.

Tumingin ako kay kuya at tulog parin siya.


Haay. Usual duties.


Tumingala ako sa kanyang kinahihigaan at inabot siya para yugyugin,"Kuya, gising na po."


Hindi lang siya umimik at nagtalukbong lang ng kumot. Usual response.


"Haay! Kuya naman eh. Baka malate tayo sa school!" Same old speech, same old.


"5 minutes." Sabi niya sa pagitan ng kumot na nakabalot sa kanya.


Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. "Fine. Maligo muna ako."






Matapos kung maligo ay nakita ko si kuya na nakaupo sa kanyang kama at gising na.


"Wow kuya, nagising ka na kahit di na kita ginising. Isang himala!" Tumingin siya sa akin na bahagyang nakasarado parin ang mga mata at nakita kong may namuong eyebags sa ilalim neto."Bakit ang lalim ng eyebags mo?"


"2 o'clock na ako nakatulog eh." Sabi niya sa pagod na boses.


"Hindi ka nakatulog ng maayos?" Tumango siya sa aking tanong at bumaba na sa kanyang kama. "So anong ginawa mo buong magdamag?"


"Wala naman. Pinapalakas yung super-hearing ability ko. Napunta yung pandinig ko sa bahay nila Aling Baneng." Sabi niya habang kinuha ang tuwalya at pumasok na ng banyo.


"Wow umabot ka hanggang doon?" Sabi ko kahit nakapasok na siya ng banyo. Alam ko namang maririnig parin niya ako eh. Perks of having a super-hearing ability.


Yeah, its just a few streets away from us.
Sabi niya sa aking isipan.


"Anong few streets? Sampong streets kaya ang layo sa atin ng bahay niya." Sabi ko habang iniisip kung gaano kalayo ang bahay ni Aling Baneng.


Hmm. Medyo? Hinahanap niya yung paborito nyang alagang pusa. Byuda na kasi sya eh. Kaya yung pusang yun nalang ang nagiging kasama niya,


Wow. Naging chismoso ka na pala ngayon dahil sa super-hearing ability mo ha.
Nagsimula narin akong gamitin ang aking mental telepathy. Baka kasi marinig ako nila mama at sabihing nababaliw na ako dahil parang wala naman akong kinakausap.


Hey hindi ako chismoso!
Kahit ba naman sa isip ay sisigawan niya ako. Huhu.














"Nga pala Ice, ok ka na ba?"


"Ay pangit ka." nagulat ako dahil nagsalita si kuya sa aking likod.


"Hindi ako pangit." Sabi ni kuya with his dry tone.


Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon