Chapter Thirty-Nine

4K 95 50
                                    

Hindi sa lahat ng istorya na ating nababasa ay may magandang pagtatapos.







--





Isang pag sabog ang naganap.

Tumama ang ginawa kong bolang apoy at tubig sa dibdib ni Abi.

Nakahandusay sya at wala ng malay, walang katiyakan kung tuluyan ko ng nawakasan ang kanyang buhay.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Bukod sa kumikirot kong kamay dahil sa tinamong pinsala ng sarili kong kapangyarihan ay wala na akong ibang maramdamang sakit.

Ang palaso ni Ama? Dapat ay naramdaman ko ang pag tama sa akin nun?

May pagtataka kong kinapa ang katawan ko ngunit wala. Napalingap ako, ganun na lang ang biglang pag kabog ng dibdib ko sa aking nasaksihan.

"Hi-hindi.." Biglang parang nanlambot ang aking mga tuhod, napaluhod ako mula sa aking kinatatayuan. "Ba-bakit? Pa-papaanong...?" Kasabay ng pag agos ng mainit na likido sa aking mga pisngi ay ang pagtakbo ko sa babaeng nakahandusay na tila wala ng buhay dahil sa palasong nakatarak sa kanyang kaliwang dibdib.

Maingat kong sinapo ang kanyang ulo at inihilig sa aking dibdib habang tahimik ang aking pag iyak.

Napukaw ang aking atensyon sa babaeng nakahilig sa akin ng malademonyong tawa mula sa aking ama. Nang mapadako ang aking paningin sa kanya na tila siayng-siya sa kanyang nasasaksihang eksena ay ang naging sanhi upang mag dilim ang aking paningin.

"Anna..." Hindi na nagawang rumehistro sa aking pandinig at isipan ang isang tinig dahil sa poot na bumalot sa aking pagkatao.

Isang bagay na lang ang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.

Yan ay ang wakasan ang kasiyahang nakikita ko sa mga mata ng nilalang na tumapos sa buhay ng babaeng aking minamahal.





----





Reeze



Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at inalala ang unang araw na nasilayan ko ang nakangiting mukha ni Anna. Bago man lang ako mawala ay ang masaya mong mukha ang huling alaalang babaunin ko.

Ang sumunod na pangyayari ay ang pag karinig nya ng malakas na pag sabog at ang pag sigid ng kirot na galing sa bagay na tumama sa aking katawan.

Katahimikan ang namayani sa aing kapaligiran.

Hmmm, ganito ba talaga ang una mong mararanasan pag namatay ka na? Katahimikan muna tapos unti-unti mo ng mararamdaman ang paglutang ng kaluluwa mo? Teka, pano nga pala toh nasa ibang planeta ko so mararating ko pa din ba ang dapat kong patunguhan? Langit man yun o yung ibabang bahagi na... Ermmm creepy wag naman dun Lord, marami naman akong nagawang kabutihan di po ba?

Wait, bakit ang tagal namang lumutang ng kaluluwa ko? Ano toh pati ba naman pagharap kay San Pedro may delay din?

Isa pang wait! Pag ba patay ka na makakaramdam ka pa din ba ng sakit ng katawan? Tsaka bakit parang balakang at likod ko yung masakit? Yung masakit na dahil parang nadapa or nalaglag ako, bakit yun ang nararamdaman ko. At bakit ba nakapikit ako?

Dadahan-dahanin ko sana yung pag dilat ng mga mata ko para mag moment kahit papano at hindi ako mabigla ng katotohanang patay ako ngunit napabilis an gang pagmulat ko ng aking mga mata ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon na hindi kalayuan.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now