Chapter Twenty-five

5.4K 158 4
                                    

I dedicate this song este this chapter to the girl i loved before!

Kanta kasi yan! Wag kayong anoooo (--,)

-------

Alam mo yung pakiramdam na nagising ka sa umaga dahil sa huni ng mga ibon at sa sinag ng araw na tumatama sa mata mo. Tapos bigla mong naalala yung naganap kagabi at bigla ka ding nangiti. Tapos nilingon mo dahan-dahan kung may babae ka talagang katabi sa pagtulog mo at eto nakita mong mahimbing pa din syang natutulog, nakayakap, nakadantay at nakaunan sa balikat mo. Bahagyang nakaawang ang bibig at tulo ang laway (chos lang na tulo laway!). Bigla mo tuloy maiisip na ang cloud9 hindi lang pala nakakaen, nararamdaman din. (Insert ngising gago)

Pero bigla ka ring napakurap dahil sa biglang paghapdi ng mga mata mo.

Napapalatak na lang ako. Nakalimutan ko pa lang tanggalin yung contactlense ko.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Reeze sakin at pinalitan ng unan ang katawan kong kanina ay dinadantayan nya pa. Tsk, heavy sleeper. Ni hindi man lang nagising. (Malamang pinagod mo kagabi eh tsk tsk tsk -writer is back)

Nagdiretso agad ako sa wash room. Tinanggal ko ang suot kong contatlense at naghilamos. Matapos eh pinagmasdan ko ng sarili kong repleksyon sa salamin.

Hmmmm. Parang may nag-bago sa itura ko. Sinipat-sipat ko ng maigi ang mukha ko sa sa salamin at napatitig ako sa aking mga mata. Ang dating normal na kulay light brown kong mg mata ay parang nagkashade ng green. Napakunot tuloy ako ng noo.

Biglang may kakaiba akong naramdaman. Mabilis akong lumabas sa washroom ko at sinimulang pulutin yung mga damit ko at isinuot. Pinulot ko din yung tuwalyang gamit ni Reeze kagabi. Tanging saplot na suot nya kagabi. Napangise na lang ako ng dumako ang paningin ko sa mahimbing na Reeze. Muling bumalik yung kakaibang pakiramdam na nadama ko kanina.

Agad akong lumabas ng pinto ng kwarto pababa. Sinusundan ko yung kakaibang pwersa na nagbibigay kilabot sakin hanggang dalhin ako ng aking mga paa sa labas ng bahay sa garden sa side ng kwarto ko. Bigla akong napalingon sa mataas na puno na nasa gilid ng bahay namin.

Napasinghap ako bigla sa nakita ko. Isang kakaibang bulto ang nakatayo sa sanga ng puno na yun. Nanlilisik na pulang mata ang ngayun ay nakatitig sa akin. Bigla ang pagbilis ng pintig ng puso ko at kabang nadama. Nakita ko ang ngiseng sumilay dito. Nakakapanindig balahibo.

Nagulat ako ng biglang lumundag ito pero bago sumayad ang paa sa ground ay lumabas ang pares ng pakpak sa likod nito. Mabilis nitong ikinampay ang mga iyon at ngayun ay lumilipad ito papunta sa direksyong kinatatayuan ko. Nakita kong iniakma nito ang kanyang kanang kamao para indayan ako ng suntok sa kanyang gagawing pag atake. Pero mabilis na gumana ang utak ko at mabilis kong naicross ang mga bisig ko para salagin ang impact ng suntok nya. Hindi ko inaasahan na malakas ang impact nun na bahagyang nakapag pausad sa akin. Agad gumana ang utak ko at binasa ang susunod nyang gagawin.

Bigla akong lumundag paatras ng mabasa ko ang gagawin nya. Isang sipa ang pinakawalan nya na agad kong nailagan. Mabilis din akong bumawi at sumugod sa kanya, lumundag ako sa ere para bagsakan sya ng isang malakas na sipa na sinalag nya na nagpabaon ng bahagya sa paa nyang nakatapak sa lupa. Agad syang lumundag paatras para magkaroon kami ng pagitan. Sinugod ko sya para bigyan ng isang suntok na sinalag nya. Ganun din ang ginawa nya na agad ko ding nailagan. Mabilis ang pagbawi dahil nahawakan ko ang braso nya at agad kong hinitak ang katawan nya palapit sakin upang salubungin ng tyan nya ang tuhod ko. Malakas ang impact nun na bahagyang nagpatalsik sa kanya. Kung sa normal na tao ay susuka na ng dugo yun.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon