Chapter Six

7K 183 8
                                    

Sa tingin nyo kaninong P.O.V yung susunod? Hmmm..

Nagdecide akong P.O.V ng Lola nya ang isunod ko para interesting..

Charot! Mwahahahaha

-------

Annastacia

Hindi ko na talaga kaya yung sakit, gusto ng bumigay ng katawan ko pero pinanlalabanan ko. May humawak sa balikat ko.

"Annastacia okey ka lang?" puno ng pagaalala ang boses nito. Hindi ako makatingala, iniinda ko pa din yung sakit na nararamdaman ko sa tyan ko.

Parang may kung anong bolang nagliliyab sa loob ng tyan ko na gustong lumabas sa buong katawan ko.

"A-I'm.. Aaaah.." hindi ko maituloy yun sasabihin ko, napapikit ako sa sakit. Nanginginig na ang buong katawan ko at gusto ko ng sumigaw ng malakas.

"Ann.. Ann, anong nangyayari sayo?" natataranta na nitong sabi at nakakaattract na kami ng mga tao.

Napaluhod na ko, naitukod ko lang ang mga kamay ko para hindi tuluyang bumagsak ang katawan ko. Naramdaman ko na naman yung init sa mga mata ko. No, no, no please not now. I am trying to calm my self.

Biglang may naramdaman akong pumatak sa kamay ko. Dugo, dugo.. Hinawakan ko ang mukha ko. Sa ilong ko nanggagaling ang dugo.

Biglang sumakit na naman ang tyan ko kaya natutop ko ito ng kanang kamay ko. Shit, hindi ko na kaya bibigay na ata ako.

Niyugyog ako ni Reeze. "Ann magsalita ka.. Anong nangyayari sayo?" Lalo ng mababakas ang pagaalala sa boses nito.

Pinilit kong tumingala at nashock sya na may nakitang dugo sa ilong ko.

"Oh my God, tatawag ako ng.." hindi na nito natapos yung sasabihin nya dahil hinawakan ko sya sa kamay. Umiling ako sa kanya..

"P-pero.."

"N-no p-please.." pinilit kong magsalita kahit nangingiwi na yung mukha ko sa sakit.

Pumikit ako, trying to relax my body. Calming my self. I am still holding her hand as if I am trying to get my strength there.

Unti-unti akong tumayo. Alam kong nakuha na namin lahat ng attention ng mga taong nasa hallway.

"Anna I think we need to go to the clinic.." pagaalala ng sabi ni Reeze. I just shake my head telling her no.

Nung akala kong okey-okey na pakiramdam ko, bumitaw na ko sa pagkakahawak sa kanya. Pero biglang sumikad na naman ang sakit na nararamdaman ko. Yung sakit mas nag triple. Yung mata pakiramdam ko magpa pop-out na..

Bigla akong nanghina at natumba, buti na lang hindi lumayo si Reeze kaya sa kanya ako bumagsak. Nasalo nya agad ako at nayakap.

Bakit ganon? Bakit kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayun nung niyakap nya ko nawala panandalian yun sakit.

Nakasubsob yung mukha ko sa leeg nya. Kahit di ko gustuhin nakakaramdam ako ng pagkapanatag sa init na dala ng katawan nya.

Gusto ko ng nagblock out pero pinilit kong maging gising.. Ano bang nangyayari sakin? Eto ba yung pagbabagong sinasabi ng tunay kong ina sa panaginip ko?

Naramdaman kong may umaagos pa ding dugo sa ilong ko pero wala akong magawa, hindi ako makakilos. Nawalan na ako ng lakas..

"Oh my gosh Anna sobrang init ng katawan mo.. Ano ba talaga ang nangyayari sayo?" mas lalo tong nataranta

"Reeze.." sambit ko sa pangalan nya.. Unti-unti ng kinakaen ng dilim ang paningin ko..

"Yes..? I am just here" nakapikit nako at lalong nadadagdagan ng bigat ng katawan ko yung nakadagan kay Reeze. Magpapasalamat na lang ako na athletic si Reeze kaya marahil kinakaya nya pako.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now