Chapter Twenty-six

5.4K 148 4
                                    


Ang mga salita na dapat ninyong mababasa ay nasa lengguahe ng mga nilalang na hindi nagmula sa ating mundo pero isasalin ng inyong writer sa wikang sya ay mas komportable sa abot ng kanyang makakaya para sa kapakanan ng kanyang mambabasa. Hindi nya nanaising maging tunog na parang tanga ang inyong boses kung kayo ay kabilang sa mga nilalang na nagbabasa ng malakas. Kapit lang mga tol! :3

P.s.

Patnubay ng mga magulang ay kailangan!

----------

Isang malakas na sampal sa mukha na nagpaputok ng aking nguso at suntok sa sikmura ang nakamit ko na na nagpaluhod sa akin. Bigla ko na lang naramdaman ang kamay na humatak sa aking buhok upang itingala ako at masilayan ang nagbabagang mga pulang mata.

"K-kamahalan n-nasasaktan ako.." Daing ko sa kanya na lalong ikinalisik ng mga mata nya. Walang anu-ano'y bigla nitong inginudngod ang mukha ko na tumama sa malamig na sahig na nagpaigik sakin at nagparamdam ng pagdidilim ng paningin.

"Kathiuska! Kathiuska!" Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga nito sa aking tainga at nagbigay ng kilabot ang tono nito na wari'y nagbibigay babala. Mula nitong inaangat ang mukha ko. Naramdaman ko ang pag agaos ng mainit na likido na nagmumula sa pumutok na kilay ko na umagos sa aking kaliwang pisngi pababa sa aking leeg.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now