Chapter Eleven

5.5K 132 1
                                    


Reeze

Napatingin kami sa yabag na narinig namin at dumako ang tingin namin sa taong nasa harap ng pinto.

Si Annastacia, pawisang pawisan ito, naka jersey ng pang basketball, lumutang ang kaputian nito sa suot nyang itim na jersey.

Napadako ang tingin ko sa mga braso nya na mababakas ang muscle. Wow! At dahil fitted sa kanya yung jersey, mapapansin mo din ang hulma ng katawan nya. I bet sa flat nyang tummy baka may abs pa sya. Ang laki ng chest nya ay katamtaman lang, bumagay lang sa tangkad nya. Feeling ko kasi parang masagwa naman kung masyadong pinagpala pa sya dun. Bigla akong nakaramdam ng pagiinit ng mukha sa iniisip ko. Ano ka ba naman Reeze, parang kapervertan na yang nasa utak mo.

At mas lalong lumutang ang mahaba nyang legs sa suot nyang short although hindi mo nakikita dahil sa suot nyang high socks. So, ang babaeng toh eh marunong din pala mag sport. Hmmm, ang cute siguro kung sumali sya sa woman basketball team namin at ichi-cheer namin sya. Nangingiti kong isip. Tsk, malala na talaga tama ko.

Bigla kong nakitang biglang nagliwanag ang mukha nito at gumuhit ang isang napaka tamis na ngiti sa kanyang mamula-mulang labi. OMG! Pati ba naman labi naiilarawan ko.

(Wag ho kayong maniwala kay Reeze, ako ho ang naglalarawan kay Annastacia, ang inyong lingkod -writer hihi)

Marahil hindi kami napansin ni Annastacia na nandito na kami sa kanila dahil nasa kabilang side kame ng sofa na mejo nahaharangan ng tokador ngunit kitang-kita ko sya sa direksyon na kinauupuan ko.

Biglang tumakbo toh palapit sa magulang nya. At ikinagulat namin ang mga sumunod na pangyayari.

Bigla nyang nilundag yung dalawa, niyakap at pinaghahalikan sa pisngi. Natutulala na lang ako sa mga nagaganap.

"I miss you both love birds.." nakangise nitong sabi.

"I know, I know sweety, but you don't have to do that. We miss you too but gosh you're sweating to much! Ewwww love.." natatawang sabi ni mom Catalina nya. Nakita kong nag pout si Annastacia, awww ang cute nya.

"So pinandidirihan nyo na ngayun ang baby nyo..?" uma-acting toh na nasasaktan. Tumayo at lalong nagpout. Ikinatawa ng dalawa yung ginawa nya.

"Babe we don't. Kailan ba nangyari yun? Si mom Sabrina nya.

"Just now mumsy. You gals don't miss me. You doesn't want to hug me.." pagdadrama nito. Hahaha my gosh, so this is the real Annastacia? A mommy and mumsy's girl?

"Oh stop it babe, you know we always miss you even when you're around with us." Tumayo ang mom Catalina nya at hinug ng mahigpit si Annastacia, hinalikan sa pisngi.

"But seriously, sweetie you are sweating. Maybe you wanted to take a quick shower first and change your cloths. Coz for sure you doesn't want your friends to wait for you that longer?" nangingising sabi ni mom Catalina nya at itinuro ang direksyon namin.

Biglang nag sabay-sabay kaming ngumise sa kanya na will surely make her blush. Because remembering what her mom say, hindi nya pinapakita sa ibang tao ang totoong sya.

At ayun na nga, nung lumingon toh nakita naming nanlaki ang mga mata nito at namula ng bongga. Sabay na tumawa yun mom and mumsy nya.

"So, si Annastacia po pala ay mommy and mumsy's girl?" pangaasar ni Ellen na lalong ikinapula ng mukha nito.

"Awww ang cute nya gals right? She is so sweet naman pala unlike what she used to be when she is at school.." pag dadagdag ni Joey.

Hahaha, grabe parang tomato na ang mukha nya. At hindi ko naman inaasahan ang lalabas sa bibig ko na ikinagulat ko din..

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now