Chapter Three

9K 231 12
                                    


Annastacia

Habang nasa locker ko at inaayos ang mga gamit ko, biglang nag ring ang cellphone ko. Its my mom Catalina

"Hello Mom?"

"Love I am already here at the parking lot, where are you?"

"Heading out mom. Be there in a minute." Nagmamadali kong inayos ang gamit ko at naglakad ng mabilis.

Pagdating ko sa parking lot hindi na ko nahirapan maghanap sa mom ko since nasa labas na sya ng sasakyan nya nakasandal sa door. Kinawayan ko sya at nginitian at dali-dali syang pinuntahan.

Ang hindi ko napansin may mga batang nakasunod pala sa akin.

---

Reeze

Katatapos lang ng huling klase ko at natext sakin si Ellen na magkita-kita kami sa parking lot. They are planning to go to the mall and buy something.

Pagdating namin sa kinapaparadahan ng kotse ko bigla akong kinalabit ni Joey at may itinuro sya. Sabay namin sinundan ng tingin ni Ellen.

Nakita namin si Annastacia na may kinawayang babae na nakasandal sa sasakyan. Nakita ko kung paanong biglang ngumiti yung babae at gumanti ng kaway sa kanya.

Mukhang nasa early 30's lang yung babae maganda, slim, sexy sa suot nyang pang office attire. Wag mong sabihing girlfriend nya toh? Napatutop ako sa bibig ko sa pag iisip ng kung anu-ano. Hindi naman siguro kasi kung girlfriend nya toh hindi ba masyadong malayo agwat ng edad nila? Pero hindi naman nya kamukha yung babae so hindi din siguro nya kapatid?

Nakita ko nung nakalapit na si Annastacia sa babaeng kinawayan nya, bigla nya tong pinupog ng halik sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Gumanti din ng yakap yung babae at tumawa sabay halik sa noo nya. Tapos pinagbuksan na ni Annastacia ng pintuan yung babae at lumipat sa kabilang side, sa passenger side.

Sabay-sabay kaming napasinghap sa nakita naming scene.

"Oh my gosh! Wag nyo sabihing girlfriend nya yun?" Maarteng sabi ni Joey habang tutop ang noo.

"Ouch! Parang bigla akong nabroken hearted dun" pagiinarte din ni Ellen. Napasimangot na lang ako sa dalawa.

"Ang aarte nyo! Tara na nga!" Umikot sya sa driver seat para buksan yung kotse nya. Sumakay na sya at hinantay yung dalawa. Si joey yung naupo sa tabi ko at nasa likod naman si Ellen.

"Looks like someone is pissed sa nasaksihan nyang nakakalanggam na scene" pangaasar ni Joey

"Is someone jealous here" panggagatong ni Ellen. Huh, ako magseselos? Bakit naman? Duh!

"Wala kaming binanggit na pangalan girl" natatawang sabi ni Joey. Whoah, wait? Nakakabasa ba sila ng isip? Kumunoy yun noo ko na tinitigan sila.

"The hindi kami nakakabasa ng isip, napalakas lang yung pagsasalita mo habang kinakausap mo yung sarili mo" tumatawang saad ni Ellen.

Bigla akong nakaramdam ng pamumula ng mukha at biglang pagiinit ng pakiramdam.

"Whatever!" Pagiiba ko na lang ng usapan. Pinaandar ko na yun sasakyan ko at nagfocus na lang ako sa pagda-drive papuntang mall.

----

Annastacia

Tahimik lang akong nakatingin sa daan habang nagdadrive si mom pauwi. Nagtataka ako ngayun sa sarili ko kung bakit naiisip ko yung babaeng yun. Nako, kinukulam ba ako nitong Reeze na toh at hindi sya mawala-wala sa isip ko? Napapa-palatak na lang ako. Masama na ata tong nangyayari sakin? O baka naman normal lang toh pag nagsimula kang nakapagusap sa isang tao.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now