Chapter Thirty-seven

3.1K 77 5
                                    




"Anna..."




Yung gising na yung diwa ko pero hindi ko pa maimulat ang mga mata ko sa takot dahil sa pag kaalala sa nangyari sa akin.

Si Abie at ang pag dukot nya sa akin. Saan nya ako dinala?

Para masagot na ang katanungang bumabagabag sa aking isipan ay dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata.

Unang tumamba sa akin ang kakaibang itsura ng walling ng kwartong kinalalagyan ko. Naramdaman ko naman ang pangangalay ng mga kamay at binti ko kaya unti-unti kong iginalaw yun ngunit agad akong nagtaka ng hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko, tila parang may kung anong bagay ang pumipigil sa aking mga kamay at paa kaya nilingon ko yun at ganun na lang ang pag kagulat ko ng matuklasang nakagapos pala ang mga ito.

Malamang Reeze, binihag ka nga ng walang pusong Abie na yun dib a? Anong ineexpect mo na malaya ka lang sa pagkakahiga? Napapagroan na lang ako sa sakit na unti-unti kong nararamdaman dahil sa pagkakagapos.

Sibukan kong igalaw-galaw ang wrist ko para testingin ang tibay ng pag kakagapos sa akin at nagbabaka-sakali na ding lumuwag ang pagkakatali nun. Ngunit nadadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko sa pulso ng akin mga kamay dahil sa pinag gagawa ko. Pero hindi pa din ako nawawalan ng pag asa at ipinag patuloy lang ang aking ginagaw. Dahil sa pagiging abala ko sa pagpipilit na kalagin ang tali sa aking mga kamay ay hindi ko namalayan ang pag bukas at pag sara ng pinto, pati na rin ang nakakalokong pag kakangisi ng nilalang na may pakana ng pagkakagapos ko sa higaang ito.

"Kung gusto mong makatakas sa pagkakagapos mo, ang tanging paraan lang na pwede mong gawin ay ang putilin ang mga kamay mo o ako ang magkalag ng mga yan." Napatingin ako sa pinang galingan ng boses na yun at tumambad sa akin ang nakakaloko, nakakabanas, nakakasuklam na pag mumukha ni Abie. Bigla ko tuloy naramdaman ang pag kulo ng aking dugo.

"Anong kailangan mo sa akin, bakit mo ako dinukot?" Napakunot noo lang ako ng tinawanan nya ako ng nakakaasar. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Ikaw! Ikaw ang nakakatawa dahil wala akong kailangan sa'yo." Andun pa din yung nakakalokong ngise nya.

"Ganun naman pala eh, eh di pakawalan mo ako kung wala ka pa lang kailangan sa akin." Galit kong sagot sa kanya. Umiling-iling naman sya.

"Pero kailangan ka ni Anna at si Anna ang kailangan ko kaya wag mo akong patawanin sa sinasabi mong pakawalan ka. " Naka smirk na turan nya. Nakakabwisit yung pag ngise-ngise nya ang sarap lang burahin ng sapak! Kung hindi lang ako nakatali ngayun! Ngumise naman toh lalo na tila nababasa yung tumatakbo sa isipan ko.

"Yun lang, kailangan mo pa talagang gumamit ng ibang tao para lang puntahan ka ni Anna dahil wala kang kakayanang mahanap sya. Ang weak mo !" Nakangise kong pang aasar sa kanya.

Okey Reeze, sira ulo ka ba? Ang lakas lang ng loob mong asarin tong nilalang na' to na any moment pwedeng tapusin ang buhay mo. Ang galing mo talaga!

Mukhang hindi naman ako nagkamali ng sapantahan dahil kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paanon parang biglang nagbaga ang kanyang mga mata at yung titig nya in fairness parang gusto ko ng maihi sa panty ko, sobrang nakakatakot. Napapalunok na lang ako.

At mali, mali ang ginawa kong pagkurap dahil ng sa isang iglap lang sa pag dilat ko ay nasa tabi ko na agad sya, ang kanang kamay nya ay nasa leeg ko ngayun, unti-unting sinasarhan ang daluyan ng hangin para ako ay makahinga.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now