Chapter Twenty-seven

5.3K 145 2
                                    

Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Nakahimlay ang katawan ko sa malambot na higaan at nakukumutan. Napakunot ang noo ko at pilit inalala ang nangyari.

Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Anna, magrereak pal ang ako ng biglang umangat ang katawan ko sa ere kasama sya kasabay noon ang isang malakas na pagsabog na at biglang nagdilim ang aking paningin at nawalan ng malay.

Sa alaalang yun ay bigla akong napaupo.

"Anna..." Nahihintakutan kong tawag sa huling taong natatandaan kong kasama ko. Nagpagala-gala ang aking tingin sa kapaligiran upang maghanap ng sign na nandito lang si Anna. Pabangon na sana ako ng biglang bumukas ang kwarto at iniluwa nito si Anna na kababakasan mo ng pagaalala ang itsura.

"Hey, you're awake." May concern ngunit puno ang lambing sa tono nito.

"Y-yeah.." Nautal kong sabi. "What happened?" Usisa ko sa kanya. Bigla itong nag iwas ng tingin na ikipinagtaka ko.

"Mmm.. Kamusta na pakiramdam mo?" Pag-iiba nito ng usapan na ikinataas ng kilay ko ngunit hinayaan ko na lang muna dahil feeling ko eh prang pagod na pagod ang katawan ko sa di ko malaman na kadahilanan.

"Okey lang, parang pagod lang ang katawan ko." Sagot ko dito. "Anong oras na at nasan ba tayo?"

"Alas sais na ng gabi, nandito tayo ngayun sa condo ko." Nag-iiwas pa rin toh ng tingin.

"Whaaaat? Six p.m. na? At condo mo?" Ganun ba ko katagal na nawalan ng malay? Pagkakatanda ko ay tanghali lang nung maganap yung pagsabog kanina ah.

"Yes sa condo ko. Nagugutom ka na ba?"

"Ano ba talagang nangyari Anna? Ano yung pagsabog na naganap kanina? At bakit parang wala man lang napinsala sa akin lalo sa iyo? Sigurado akong malapit sa atin nangyari yung accident kanina." Sumeryoso na ang tono ko dahil sa ikinikilos nito na tila may gustong iwasan.

"Ah.. Eh.. Ano kasi.." Tila hindi nito malaman kung ano ang gagawing pagpapaliwanag.

"What?" Pinandilatan ko pa sya ng mata.

"Maybolangapoynalumandingsaatin!" Sa sobrang bilis ng pagkakasabi nito ay ni wala man lang akong naintindihan kahit isang kataga.

"Anoooo? Pwede pakidahan-dahan naman!" Irita kong sabi. Huminga muna toh ng malalim bago ibuka nag bibig upang magsalita ng bigla na lang nag ring ang cellphone nito. Agad nitong chineck ang caller ID at agad sinagot ang tawag. Sumenyas pa toh ng sorry bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naku-curious man ako kung sino yung tumawag at gusto ko sana syang sundan ay hinayaan ko na lang muna. Matyaga ko syang hinantay at nilibang na lang aking sarili at muling iginala ang mga mata sa kapaligiran.

Bakas pa rin talaga ang karangyaan ng babaeng toh sa itsura ng kwarto nito. Makikita mo na halos iisa ang lay out ng room nito sa mansion nila at room nya dito sa condo nya. May malaking flat TV, may gadget for gaming at kumpleto rin sa mga appliances para sa panunood. May table na may nakapatong na computer. May dalawang door bukod sa pinto na natitiyak kong para sa closet nya at shower room ang isa at yung kinahihigaan kong kama ay sinlaki din ng kama nya sa room nya sa mansion nila. Napapalatak na lang ako sa tanawing nakita ko.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora