Chapter Eight

6.5K 155 8
                                    

Reeze

Friday. Last day of school for the week. After school I need to be at the cheering squad try outs. Then our group need to start doing our project.

Papasok na kaya sya? Pano namin masisimulan yun project kung hindi. 3rd meeting namin sa subject namin and kailangan na nilang may maipresent sa teacher namin.

Kapa-park ko lang ng kotse ko, nagsimula nako maglakad. Napatingin ako sa soccer field. Dito ko unang nakita ng malapitan ang mata nya. Haist! Namimiss ko na ata sya teh! Di ko keri itech!

"Alam mo kung maglalakad ka na naman na wala sa sarili, malaki ang chance na may tumama na namang kung anong bagay sayo" narinig ko pang nag chuckled toh.

Gulat akong napalingon sa taong nagsalita. Akala ko nabali leeg ko ng bongga. Biglang bumilis ang heart beat ko pag kakita ko sa itsura nya. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha nya na parang walang anu nang masamang nangyari nung nakaraan.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Naka baston na jeans na pula sya na nakatupi sa dulo. Baka roshe run na pula at naka long sleeve v-neck sya sa na kulay white. This time wala syang hoodie at eyeglasses pero naka cup sya na red Nike.

Wow! As in wow! Feeling ko nagdudrool nako over her. Sheeeeeyyytttt! Ang hot nya!!! Narinig ko syang nag cough.

"Tapos ka na bang icheck yung katawan ko? May nagustuhan ka ba?" napanganga na lang ako sa mga narinig ko.

Naramdaman ko na lang na biglang may mga daliring dumampi sa chin ko. Naramdaman kong itinaas nya yun chin ko.

"Sabi ko naman sayo, kapag hindi mo sinara yang bibig mo you might catch a fly" naiiling na sabi nito.

Ok, teka lang! Wait! I need some air. Parang ako naman ata ang hihimatayin. Totoo ba ang mga nangyayari ngayun? Nananaginip ba ko? Binabangungot?! Juice colored, wag mo na akong gisingin! Charot!!! (Sorry wala ako sa mood mangasar ng mga character sa sinusulat ko. Meooooow! -writer)

"Kung alam ko lang magkakaganyan ka, sana nung first day pa lang winish ko ng nagkasakit ka!" wala sa sarili kong sabi. Biglang nanlaki ang mata ko, natutop ang bibig at napayuko. Shit! Shit! Ano bang sinabi mo Reeze?! Patay ka na!! Naramdaman ko kung gaano nag init ang mukha ko.

Ng bigla akong may marinig na tawa. Teka tawa? Pinagtatawanan ako? Bigla akong nagtaas ng tingin. OMG! As in caps lock ang pagka OMG!

Si Annastacia ..... Oo si Annastacia nga, sya nga yung tumatawa. Feeling ko nagkagulo na yun tibok ng puso ko. Feeling ko nagrumble na yung mga alaga ko sya tummy ko. Meron ba talagang gantong tao kaganda tumawa? Oh dahil kinikipkip nya yung tawa nya. Ganito siguro sya pag sila lang ng mom at mumsy nya.

Nakangiti ko syang pinagmamasdan na para bang once in a lifetime lang mangyari toh sa buong buhay ko. Yumuyugyog pa yun balikat nya sa pagtawa. Ang babaw naman pala ng babaeng toh. Ganto lang pala patawanin. Chicken na chicken! Nangingiti kong kausap sa sarili.

Bigla syang napahinto at parang natauhan sa ginawa nya. Nakita ko pang napapailing sya na parang kinakastigo ang sarili.

Nagsimula na syang maglakad na parang walang nangyari. Seryoso na ulit ang mukha nya. Hay, balik na naman sa pagka abnormal yung babaeng yun!

"Hoyyyyy! Sabay na tayo" tumatakbo akong hinabol sya. Nilingon nya lang ako at nagpatuloy sa naglalakad. Bruha talagang toh! Ansarap lundagin at pumasan sa likod. Hmmm, cute naman nun! Nangingise kong isip. Ano nga kaya gawin ko yung nasa isip ko? Charot!

Habang naglalakad kami sa hallway na may distansya nakikita kong yung tingin ng mga tao nasa amin. Yung iba parang nakukyutan. Yung iba parang nandidiri. Yun iba parang naiinggit. Inignored ko na lang sila. Bahala kayo sa buhay nyo! Mamatay kayo sa inggit! Mwahahahaha

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now