Chapter Nineteen

5.3K 141 5
                                    

Nasa parking lot ako ng school at matamang nakatitig sa 5 taong nasa harap ko.

Napapailing na lang ako ng bigla akong yakapin ng dalawa kong makukulit na ina samantalang yung tatlo kong kaibigan ang lalapad ng ngise.

"Wow, i am really so proud of you baby!" Sabi ni mom, napachuckled na lang ako.

"I agree, you did a great job baby!" Pag sangayon ni mum at sabay na silang bumitaw sakin.

"Di ba sabi ko sa inyo na bawal kayo manood? Tsk, stubborn parents! At nagsama pa talaga kayo." Naiiling ko na lang na sabi na ikinangise na lang nug dalawa.

Lumapit si Joey at niyakap ako, ganun din si Ellen. Sabay nila akong kinongrats na ginantihan ko lang ng tango at ngiti.

Syempre since nagcongrats sila, inaasahan ko ng susunod na si Reeze. Nung tinignan ko sya nakayuko lang sya.

Nakita kong siniko sya ni Ellen sa tagiliran kaya nag-angat sya ng tingin dito. Inginuso naman ni Ellen yung direksyon ko.

"Bakla, inaantay na ni Annastacia yung congrats mo sa kanya" sabi ni Joey, tila bigla naman ako nakaramdam ng hiya kaya ibinaling ko na lang sa iba yung tingin ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito

Hindi ko na tuloy nakita na lumapit toh sa kinatatayuan ko. Bigla ko na lang naramdaman ang pagyakap nito na ikinabilis ng pintig ng puso ko.

"Congrats Anna." malumanay na sabi nito na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Napabuntong hininga na lang ako, parang bigla kasing may nagroyal rumble sa tyan ko nung marinig ko ang malambing nyang tinig.

Bumitaw na sya sa pagkakayakap at bigla ko na lang naramdaman na namiss ko ang init ng katawan nya. Napatitig na lang ako sa mga mata nya at di na napigilang sumungaw ang ngit sa aking labi.

"Salamat!" Mahina kong sagot na parang ako lang ang nakakarinig. Nakita ko ang pagbakas ng ngit sa kanyang labi kaya dumako dun ng matagal ang aking paningin.

Tila nahihipnotismo ako at di ko maialis ang aking titig. Marahil ay ganun din sya ng reaksyon.

Ilang sandali ang lumipas ng biglang may tumikhim na nagpabalik sa aking ulirat. At naalala kong hindi lang pala kami ang tao dito.

Bigla na namang nag-init ang mukha ko at ganun din ang nakita ko sa kanya.

Iniwas ko na ulit ang paningin ko sa kanya bago pa man ulit ako matulala.

Pagtingin ko kila mommy ang lalapad ng mga ngise nila. Ano ba toh, ano ba kasi ginagawa ng babaeng toh sakin. Haist!

"Anyways, kids lets celebrate my baby's victory. Kaen tayo sa resto." Sabi ni mom

"Mom, its just a try out! Walang dapat icelebrate." Kontra ko agad.

"Ay grabe sya oh! Ang KJ lang Anna? Napasok ka kaya sa woman's basketball ng school natin, wag kang ano" malantod na sabi ni Joey.

"Oo nga, tsaka grasya na toh libreng foods, wag mo na kami hadlangan na makakaen ng libre." Pabirong sabi ni Ellen na pinandilatan ni Reeze at umani naman ng tawa sa dalawa kong ina.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na hinintay yung reaksyon ni Reeze.

"Okey fine! Tara na, gutom na ko at wala nakong lakas para makipagtalo sa inyo." Kunyareng mainit ang ulo ko. Nakita kong nag-apir si Ellen at Joey, at nakangise ng maluwag si mom and mum.

"Okey, Joey and Ellen samin na kayo sumakay, hun sayo mo na isakay si Reeze." Sabi ni mom

"Ay hindi na po tita, dala ko po yung kotse ko koconvo na lang po ako sa inyo" sabi ni Reeze.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now