Chapter Twenty-four

6.4K 189 28
                                    

BABALA: NAKAKAUMAY! :3 Wag kayong makulit, nagbigay ako ng babala ah! ((").("))




--------

Annastacia

"Manang pakihanda po nung guest room natin, dito po matutulog si Reeze." Bungad ko kay Manang ng pagbuksan nya kami ng pinto.

"Aba hija ano bang nangyari sayo at may pasa yang mukha mo?"

"Wala ho toh manang, mejo may konting trouble lang po sa school pero okay na po." Sagot ko na ikinatangon nya.

"Hija oo nga pala yung mga guestroom natin ay hindi available ngayun. Kahapon pa naka under renovation. Pinapalitan ng mama mo ng aircon yung isa, hindi pa natatapos nung gumagawa. Yung isa naman may nagleak na tubig kaya pinaayos din at pinabaklas yung kisame."

"Ho? Nako pano toh. Wala pong tutulugan tong si Reeze." Napatingin na lang ako sa kasama ko. Bakas sa tono ko ang pag-aalala.

"Eh hija bakit hindi na lang sa kwarto mo? Anlaki-laki ng higaan mo. Kakasya naman kayo dun." Nakangiting suggestion ni manang. Napalunok na lang ako sa ideang yun.

Si Reeze at ako sa room ko? Walang ibang kasama? Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Marahil e dahil sa ideyang may ibang taon akong makakasama sa kwarto ko. Tinignan ko na lang si Reeze para sa sagot nya.

"Kung gusto mo sa amin na lang tayo mag sleepover kung di ka kumportable Anna." Suggest nya. Napaisip naman ako.

"Hindi na, kung okey lang sayo na may kasama ka sa room dito na lang tayo. Gusto ko ng magpahinga eh." Sagot ko na lang sa kanya. Tumango lang sya.

Nag paalam na kami kay manang. Hindi na kami nag dinner dahil nung dumaan kami kila Reeze para kumuha ng gamit nya kanina eh saktong nakaluto na yung maid nila at pinakaen muna kami bago kami umalis.

"Alam mo naman na kung saan yung washroom, kung may kailangan ka sabihin mo na lang. Magsa-shower lang ako." Nung tumango sya pumunta nako sa closet ko para kumuha ng damit at nagdiretso na ko sa shower room. Nakita ko pa syang nakaupo sa couch. "Kung gusto mong manood, andyan lang yung remote." Pahabol ko bago pumasok ng pinto.

After 30 minutes ko sa pagsa-shower lumabas ako na nagtutuyo ng buhok gamit ang extra towel. Inabutan kong busy sa panonood si Reeze.

"Ano yang pinapanood mo?" Nakita kong biglang napapitlag si Reeze sa kinauupuan at napahawak sa kanang dibdib nya.

"Muntik na kong atakihin sa puso dahil sa g...." Hindi nito naituloy yung sasabihin nya nung nakita nya nako.

Nakatitig na lang toh sa mukha ko na ikinataka ko. Napatigil tuloy ako sa pagpupunas ng buhok ko at bigla akong na conscious sa pagkakatitig nya.

"May dumi ba ko sa mukha?" Agaw ko sa pansin nya. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko sa paghihintay ng sagot nya.

Nakita kong napatitig sya sa labi ko na parang ikinatuyot ng lalamunan ko. Hindi ko napigilang basain ng dila ko yung kaninang labi na kagat ko. Ano bang nangyayari? Bakit parang biglang uminit dito sa room ko? Nakita ko kung paano sya dahan-dahang napalunok.

"Reeze okey ka lang?" Mahinang tanong ko sa kanya para pukawin yung atensyon nya sa pagkakatitig sa labi ko.

Bigla namang parang natauhang bigla syang napatayo.

"I.. Ah.. Ano, erm magshower na din ako." Nagmamadaling paalam nito at nagdiretso na sa room na kanina lang ay pinanggalingan ko.

Habang ako ay naiwan na napakunot na lang ang noo.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon