Chapter Thirty

3.6K 117 9
                                    

Warning!

Nakakaumay dahil walang gxg action hihi

---------

Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa di ko inaasahang taong tumawag sa akin.

"Reeze!?"

"Yes? May kailangan ka ba?" Nasa itsura ko ang pagtataka.

"Uhm.. Anong ginagawa mo dito? Bat nag iisa ka? Pagabi na ah." Sagot nito.

"Hinihintay ko lang yung dalawa kong kaibigan." Walang gana kong sagot sa taong kausap ko ngayun. Nakita ko kung paano ito ngumisi at parang bigla naman akong kinabahan.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at nakita kong wala man lang katao-tao na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Gusto mo bang samahan muna kita dito? Wala naman na akong klase." Malapad pa din ang ngise nito habang naglalakad papalapit sakin.

"H-hindi na.. Okey lang ako ditong mag-isa." Hindi ko napigilang nautal ng sabihin ko yun.

"Oh come on Reeze, alam mo bang delikadong mapag isa sa gantong lugar lalo at walang ibang tao sa paligid tapos babae ka pa." Sa sinabi nyang yun ay bigla na lang akong napalunok. Nakaupo na sya sa tabi ko na ni hindi man lang humingi ng pahintulot kung pwede syang maupo.

"Look Nathaniel, I am fine. Thank you pero mas gusto kong mapag isa at remember sakop pa rin toh ng school kaya for sure na safe pa rin ako." Bored kong sagot para mapag takpan yung kabang nararamdaman ko.

"Are you sure?" Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang aking braso at bahagyang nilapit nya ang mukha nya sa akin. Bigla rin ang kilabot na naramdaman ko isama na din marahil ang takot na mababakas sa mukha ko.

Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak nya at mabilis akong tumayo.

"Y-yeah! Now, can you please leave me alone?!" Inis na sabi ko. Muli naman itong ngumis na hindi nakatulong sa takot na nararamdaman ko nvayun. Naramdaman ko tuloy ang pag sisisi na lisanin yung gym at maglakad-lakd.

"Are you scared of me Reeze?" Tumayo din ito at napatingala na lang ako dahil sa tangkad nito.

"No! Bakit naman ako matatakot sayo aber?!" Inis kong sagot at tinaasan ko pa sya ng kilay.

"Eh bakit parang parang natatakot ka?" Lumapit ito sa kinatatayuan ko at laking gulat ko ng hinapit nitong bigla ang bewang ko papalapit sa kanya. "Alam mo bang matagal na kitang gusto pero napakahirap mong lapitan at magpapansin sayo alam mo ba yon?" Bulong nito sa tenga ko. Yung takot, kaba at kilabot na nararamdaman ko kanina ay nadoble na ngayun. Nakaramdam din ako bigla ng pandidiri dahil sa braso nitong nakahapit sa bewang ko kaya pinilit kong kumawala.

Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa dibdib nya at itinulak sya para makawala ako sa pagkakayapos nya. Ngunit lalo lang humigpit ang pagkakayapos nito sa bewang ko. Nagsimula na akong magpanic at nagpumiglas sa kanya.

"Ano ba Nathaniel, bitiwan mo ko!" Itinutulak ko pa din sya. Ngumise lang lalo ito.

"Alam mo bang matagal ko ng iniimagine kung anong pakiramdam ang mahalikan ka? Kung ano ang lasa ng mga labi mo?!" Nakita ko ang pagnanasa sa mga mata nito sa paraan ng pagkaka-titig nito sa bibig ko.

Nahindik ako sa narinig ko sa kanya at sinimulan kong sumigaw para humingi ng tulong.

"Help! Help!" Lalo nitong hinapit ang katawan ko sa pagkakadikit sa katawan nya at nakita kong unti-unting bumababa ang mukha nito palapit sa mukha ko at alam ko na ang susunod na mangyayari.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now