Chapter Thirty-six

2.6K 60 3
                                    

"Anna..."



Ang tinig ni Reeze na tila humihingi ng tulong ang nagbalik sa aking kamalayan. Agad akong napabangon sa aking kinahihigaan ng marealize kong hindi pamilyar ang paligid na aking nasisilayan.

"Nasan ako?" Kausap ko sa aking sarili habang iginagala ko ang aking paningin sa kapaligiran.

Nasa isang kwarto ako na may kulay asul na dingding na nagbibigay ng kapanatagan sa aking kalooban, may mini table sa gilid ng aking hinihigaan na may nakapatong na tila isang vase na mayroong kakaibang itsura ng bulaklak.

Napukaw ang pag-oobserba ko sa kwarto ng marini ko ang paglangitngit ng pinto, indikasyon na may pumasok. Paglingon ko sa side na pinanggalingan ng ingay ay nakita ko ang pag pasok ni thiesca.

"Gising ka na sa wakas." Nakangiting bungad nya sa akin pero kahit nakangiti sya ay nabakas ko sa kanyang mga mata ang kakaibang emosyon.

"Anong nangyari sa akin? Gaano ako katagal nawalan ng malay?"

"Dalawang araw ka ng walang malay Anna, hindi ko inaasahan na sa ganung kabilis na panahon ay mapagsasanib mo agad ang kakayanan mo sa tubig at apoy. Masasabi kong hndi kinaya ng katawan mo ang sobra-sobrang enerhiyang inilabas mo kaya kahit na pinainom kita ng katas ng prutas na iyon ay inabot pa din ng dalawang araw bago bumalik ang enerhiya mo. At malaki na din ang pasalamat ko dahil bago pa man malusaw ng tuluyan yung planetang pinag-iensayuhan natin at mawalan ako ng malay ay naitransport ko ang ating mga katawan dito."

Magtatanong sana ako kung nasaang lugar kami ng bigla akong mapahawak sa gilid ng kama dahil sa parang biglang parang lumindol. Nang lingunin ko si thiesca ay kalmado lang ang aura nito na nakatigin sa akin na para bang normal lang ang nararanasan naming pag yanig.

"Anong nangyayari?"

"Bakit hindi mo ako samahang lumabas para malaman mo ang kasagutan." Nakangiti nyang sagot sa akin. Inilahad pa nya ang kanyang kanang kamay na nagsasabing abutin ko iyon para ako'y kanyang maalalayan. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinatatayuan nya dahil hindi pa rin tumitigil ang pagyanig.

Nang sa kawas ay mahawakan ko na ang kanyang kamay ay agad nya akong inalalayan at iginaya sa hindi pamilyar na pasilyo. Nawawala na ang pagyanig kaya nakakalakad na ako ng maayos. Akala ko ay tapos na ang paglindol kaya bumitaw na ako sa pagkakakapit kay thiesa ngunit agad akong napahawak sa dingding ng muling bumalik ang paglindol kaya muli nya akong hinawakan at hindi na muling binitawan.

Ilang segundo pa kaming naglakad at bumungad sa akin ang tila sala sa aking paningin, patuloy pa din kaming naglakad hanggang sa harap ng kahoy na pintuan. Dahan-dahan nya itong binuksan at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag kaya agad kong itinakip sa aking mga mata ang aking palad para makapag adjust.

"Thiesca?" Agad ko syang tinawag ng maramdaman ko ang pagbitaw nya sa aking palad at maramdamang naglakad sya patungo sa hindi ko alam na direksyon.

Nang sa tantya kong kaya na ng aking mga mata ang nakakasilaw naliwanag ay dahan-dahan kong inalis ang palad ko sa pagkakatakip sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan ang aking matutunghayan. Mga nakakatuwang itsura ng mga bahay na naka ....

"Nakalutang sa tubig?" Namamangha kong sambit sa aking sarili. Agad kong pinagala ang aking paningin na lalo lang aking ikinamangha.

May mga taong nagtatabuhan sa ibabaw ng tubig na tila naglalaro o nag-sasanay.

"Anak?" Narinig kong tawag sa akin ni thiesca, agad ko syang hinanap. Natagpuan ng aking mga mata na nakatayo sya tila balkonahe. Sinenyasan nya akong lapitan na agad kong sinunod. Nakatayo kami sa lugar na matatanaw mo ang kalawakan ng kapaligiran, ang layo ng pagitan ng bawat bahay na nakalutang sa karagatan, ang mga taong tila aligaga sa kanilang ginagawa. Hindi ko napansin ang paglapit sa amin ng isang lalake hanggang sa nagsalita ito na agad kong ikinalingon.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now