Chapter Thirty-two

4.6K 118 10
                                    


I-ikaw?! Napalunok sa di inaasahang bisitang kakatok sa aking pintuan.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng kaharap ko at sa hindi ko inaasahan ay bigla ang ginawa nya sa aking pag yakap.

"Annastacia.." Puno ng pananabik ang boses nito ng tawagin ang pangalan ko. At may hindi maipaliwanag na emosyon ang naramdaman ko dahil sa binibigay na init ng yakap nito sa akin, isama na rin ang malambing na boses nito.

Hindi ko alam kung pano ko sya sasagutin dahil hindi ko alam kung anong dapat itawag ko sa kanya.

Pero marahil ay nabasa nya ang nasa isip ko kaya sya na ulit ang nagsalita at sumagot sa tanong na nasa isipan ko. "Tawagin mo akong Chiamera, yan ang pangalan ko pero pwede ring Thiesca na lubos kong ikagagalak, ina, nanay o mother sa inyong mundo." Nakangiting pahayag ng aking ina. Oo ng aking tunay na ina.

"T-thiesca..." May nginig kong sambit. Pinagkatitigan ko syang maiigi at hindi ako maaaring magkamali, kahit ang mga taong makakakita sa amin ay isa lang ang sasabihin, na ang itsura ko ay parang inihulma at ipinaris sa mukha nya. Sabihin na nating parang sya ang pinatandang version ko.

Naramdaman ko na papalapit si Reeze sa amin, marahil ay nainip na sa tagal ng pagkakatayo ko.

"Oh my god!" Narinig kong sambit ni Reeze ng makalapit na sya sa amin.

Nang lingunin ko si Reeze upang makita ang reakayon nya ay muntik na akong matawa. Tutop nya ang kanyang bibig na parang pinipigilan nya ang kanyang sarili na magsalita at palipat-lipat na ang tingin nya sa akin at sa aking ina na wariy nagtatanong ang kanyang mga mata at humihingi ng kumpirmasyon sa iniisip nya. Nginitian ko na lang sya bilang sagot.

Dahil sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong ireak sa mga pangyayari. Parang nung nakaraan lang kausap ko pa sya na pupuntahan nya ko, ngayun nandito na sya sa harapan sumulpot ng walang babala o pasabi.

Kung tutuusin dapat paba akong mabigla kung ang ama ko nga ganun din ang ginawa, ang kaibahan lang ang ama ko may dalang panganib ng magpakita sya sa akin habang ang ina ko, wala pa akong idea.

Naramdaman ko ang pagtapik ng aking ina sa aking balikat na ikinabalik ng tingin ko sa kanya at hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa. Naramdaman ko ang pagkabig nya sa aking katawan palapit sa kanya at ang biglang pagyakap nya sa akin.

Isang mahigpit na yakap na ramdam ko na puno ng pagmamahal. Sa una ay naramdaman kong nanigas ang buo kong kalamnan dahil sa tensyon na aking naramdaman perp dahil sa init na dala ng yakap nya ay unti-unting kumalma ang katawan ko.

Dahan-dahan kong iniyakap ang aking mga braso sa kanyang katawan at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa parang pamilyar na init na dulot ng yakap nya. Na pakiramdam ko ay matagal ko ng kilala ang yakap na yun, na parang nagbibigay proteksyon sa akin at sinasabing hanggat nakakulong ka sa aking mga bisig ay walang sinu man ang makakapanakit sayo.

Hindi ko namalayan na ang pagpatak ng luha sa aking mga mata at ang paghigpit ng yakap ko sa kanya.

"Oh thsiàmasta, labing-walong t-taon kong pin-pinanabikang m-mayakap ka ng g-ganito.." Basag ang boses na sabi ng ina ko, alam kong umiiyak na din sya sa mga oras na ito dahil ramdam ko ang pag patak ng luha nito sa aking balikat.

Ilang saglit kami sa ganong ayos na tila pinupunan ang bawat sandaling nawala sa aming mag ina, nawala na nga sa isipan ko na nasa tabi lang namin si Reeze, naalala ko lang sya dahil sa sinabi ng ina ko. "Gustuhin ko mang manatili tayo sa ganitong ayos habang buhay, na yakap-yakap kita thsiàmasta ay baka iba na ang isipin ng iyong girlfriend sa atin." May lakip na panunukso ang boses ng ina ko ng binitawan nya ang mga salitang yun. Naramdaman kong nag inot ang mga pisngi ko. Pati pala sa mundong pinanggalingan ko ay marunong din manukso ang mga nilalang na nakatira doon.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon