Chapter Thirty-Eight

2.9K 66 29
                                    


WARNING: Matic na uy ang misspelled words and wrong grammar, tamad akong mag basa ng sinulat ko nga dib a! :3



--




Sa wakas ay narating na namin ang lugar kung nasaan itinatago ng aking ama si Reeze. Maingat ang aming mga kilos upang hindi makalikha ng ingay na makakakuha ng atensyon ng mga bantay sa kapaligiran.

Maingat na sinusunod ng mga kawal ng aking ina ang mga muwestra at utos ni Bhruscoa. Kailangang matagumpay naming malapitan ang kastilyong sinasakupan ni ama. May isang daang kawal ata ng aking ama ang nagpapatrolya sa paligid na mukhang inaasahan ang aming pagsalakay. Pinag handaan talaga kami ng aking ama.

"Phronoa Anna maghintay ka lang sa aking hudyat." Tinanguan ko si Bhruscoa, agad naman itong nawala sa aking paningin kasama ang limang kawal habang ang iba ay naiwan sa likod ko na naghihintay din ng hudyat.

Mga impit na daing ang aking narinig, hindi ko napigilang mahigit ang aking hininga sa pag hihintay ng sensyales na naging successful ang unang atake namin sa mga kawal ng aking ama na nakabantay sa tarangkahan ng palasyo. Napangiti ako ng sumilay ay pamilyar na pigura ng isa sa mga kawal na kasama ni Bhruscoa sa maliit na pinto ng tarangkahan. Iyon na ang hudyat na hinihintay naming upang tumuloy sa palasyo ng aking ama.

Tahimik ang bawat hakbang ng aming mga paa. Walang anumang kaluskos ang maririnig mula sa aming pag takbo. Nang nasa loob na kami lahat ay agad iminuwestra ni Bhruscoa ang kanya-kanyang destinasyon ng aking mga kasama. Parang mga anino sa dilim na nawala sila sa aking mga paningin habang ako, si Bhruscoa at ang lima pang alagad na kasama naming ay matamang naghintay ng magiging resulta n gaming unang atake.

Ang sumunod na mga pangyayari ay ang sunod-sunod na pag sabog sa iba't-ibang parte ng palasyo.Ang paglagablab ng apoy at ang mga bolang tubig. Maririnig din sa aming kinatatayuan ang mga palahaw at hinagpis ng mga nasasalanta nang mga pagsabog na yun. Walang katiyakan kung mula ba sa aming grupo o mula sa kawal ng aking ama. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot sa isiping may mga nilalang na nadamay sa kasakiman ng kapangyarihan ng aking ama. Naramdaman ko ang kamay na dumantay sa aking kanang balikat, nang aking lingunin ay ang nakakaunawang ekspresyon ni Bhruscoa at ng mga kawal na aking kasama.

Nang dumalang na ang mga pagsabog ay agad kong ibinigay sa mga natitira kong kasama ang hudyat n gaming pag sugd. Agad silang pumosisyon at tumakbo sa papalapit sa palasyo ng aking ama, nasa likod ako ni Bhruscoa at may mahigit sampong kawal ang nasa likod ko na naka alerto sa posibleng pag salakay. Nang marating naming ang unahang bahagi ng palasyo ay isang nakakakilabot na eksena ang aking natunghayan. Mga nakahandusay na katawan galing sa dalawang grupo. Napatiim bagang ako sag alit na aking nararamdaman hindi para lang sa aking ama kundi galit din sa aking sarili.

Kung nagpasya siguro akong magpakita na lang sa aking ama, hinarap sya agad at hindi na sinubok ang kanyang pasensya ay wala ng madadamay pang ibang tao. Hindi na sana nasa ganitong sitwasyon si Reeze, wala na ring kailangang mag sakripisyong mga buhay.

"Mali ka ng iniisip Phronoa Anna, kung isinuko mo agad ang iyong sarili sa iyong ama ay tsak na mas malala pa dito ang pwedeng mang yari, siguradong hindi lamang buhay ng ating kinasasakupan ang malalagas kundi pati na rin ang buhay ng mga karatig planeta natin. Pati na din ang buhay na naninirahan sa planetang pinag dalhan ng iyong ina sa iyo ay may posibilidad na manganib. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng mga alagad natin dahil ginusto nilang sumama dito para protektahan ka, dahil tulad ko ay naniniwala sila sa kakayanan mong mapigilan ang pinaplano ng iyong ama." Ang marinig ang mga salitang yun ay nakabawas sa bigat na nararamdaman ko. Tinapik ko sya sa balikat senysales ng aking pasasalamat sa mga binitawan nyang salita. Nginitian nya ko at ganun din ang nakita ko sa mga natitira naming kasama.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now