Chapter Thirty-One

4.8K 137 23
                                    

Reeze

Gising na gising na ang diwa ko pero hindi ko maidilat ang mga mata ko. Sa kadahilanang natatakot ako, natatakot akong matuklusan na totoo ang mga nakita at hindi ito isang panaginip lamang.

Muling nagbalik sa aking alaala ang mga naganap. At kung papipiliin ako kung ano ang gusto kong isipin? Mas nanaisin kong piliin na sana ay panaginip lang ang lahat at pag dilat ko ay ang matutunghayan ko'y ang kwarto sa nurse station sa school namin.

Ngunit sa kasamaang palad ay malabong mang-yari ang gusto kong isipin.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na itsura ng kwarto. Naupo ako sa sulok ng kamang kanina lang ay kinahihigaan ko. Natuon ang pansin ko sa bumukas na pinto at sa taong pumasok.

"Gising ka na pala."

Gusto kong sumagot pero walang salitang lumabas sa aking bibig. Tinitigan ko lang sya na walang mababakas na reaksyon sa aking mukha.

Nakita ko syang dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.

"Reeze.." Tawag nito sa pangalan ko habang matamang nakatitig ito sa aking mga mata.

Hindi pa rin ako kumikibo dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa simpleng pag tawag nito sa pangalan ko.

Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga toh.

Naupo toh sa tabi ko na nakaharap sa akin. Naramdaman ko ng kunin nito ang kamay ko at ikinulong sa mga palad nya.

"Reeze.." Muling tawag nito sa akin. Hindi ko na napigilan na mapatitig sa mga mata nya, sa mga mata nyang nangungusap. Napakagat ito sa pang ibabang labi nya, marahil sa ginawa kong pag kakatitig sa kanya o marahil ay dahil sa nerbyos na nararamdaman nya?

"Sabihin mong panaginip lang toh." Mga katagang namutawi sa aking bibig.

Nakita ko ang isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa kapaligiran. Hindi pa rin binibitawan ni Anna ang mga kamay kong nakakulong sa mga kamay nya.

"Gusto ko mang sabihing oo ngunit alam mo kung ano ang katotohanan Reeze." Basag nito sa katahimikan.

Nabawi kong bigla ang aking mga kamay at bahagyang napaurong ako sa aking kinauupuan na para akong nahihintakutan. Ano bang inaasahan nyo? Ang mag tatalon ako sa saya dahil sa katotohanang sumampal sa akin? Na yung taong kaharap ko ay hindi ang taong inaakala ko? Na sigurado ba talaga ako kung tao sya? Na yung mga nasaksihan ko ay hindi nakakapang hilakbot?

Nakita ko ang lungkot at sakit na sumilay sa mga mata nya na para namang nag paantig at nagpakirot ng aking puso.

Tumayo ito at lumayo ng bahagya na nag bigay ng mas malaking distansya sa aming dalawa.

"Ngayun ay may idea ka na kung bakit ako nag pakalayo-layo sa'yo." Sabi nya sa mahina ngunit sapat na para marinig kong sabi nya dahil sa katahimikang bumabalot sa silid na kinaroroonan namin. Bakas sa boses nito ang pait at sakit na hindi nakalusot sa pan dinig ko. Parang bigla ko tuloy syang gustong lapitan, yakapin at sabihing okey lang ang lahat pero iba ang namutawi sa aking bibig.

"Sino ka? Hindi, anong klaseng nilalang ka?" Hindi ko man gustuhin ngunit hindi napigilang bumakas ang takot sa aking tinig na mabilis na nakapag pabalik ng tingin nito sa akin.

Ayun na naman, nakita ko naman yung sakit na sumilay sa mga mata nito ngunit agad ring nawala at ngayun ay kababakasan mo na lang ng kawalan ng emosyon.

"Yan din ang gusto kong alamin, kung anong klaseng nilalang ako pero ang kaya kong sagutin ay kung sino ako. Ako toh Reeze, si Anna, Annastacia na nakilala mo sa school, yung taong nabangga mo sa unang araw ng school year. Si Anna na ka group mo sa isang subject mo, si Anna na hinalikan ka. Si Anna na nag aalala sayo, ako pa rin toh Reeze. Ako toh na kinasasabikan kang makita at makasama buhat ng pinili kong lumayo sa iyo. At ako toh na si Anna na gusto ka." Alam kong sincere ito sa mga katagang binitiwan nya dahil sa pagkaka titig nito sa mga mata ko na kababakasan mo ng sinseredad.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now