Chapter Nine

6.2K 160 3
                                    


Annastacia

Narinig kong nagsabi ang teacher namin na magdiscuss kami with our group regarding sa subject namin. Napapabuntong hininga na lang ako.

Inikot na nila Joey at Ellen yung upuan nila para magkaharap-harap kami. Tinignan ko si Reeze, nakayuko lang toh. Bigla ko tuloy naisip yung nangyari samin kanina.

Yung pagkawala ko sa sarili ko nung nakatitig ko sa kanya lalo sa mga labi nya. Yun naramdaman kong parang may kung anong pwersa ang humahatak sakin para maramdaman ang lambot ng kanyang labi.

Nung nakita ko syang napapikit at kung kailan halos gahibla na lang ang pagitan ng aming mga labi, bigla kaming ginising ng isang boses. Oo boses, tili nga ata yun eh.

"Holly shit Ellen! That is a freakin' scene" tili ni Joey. Ano ba kasi yung porn? Ah, tatanungin ko talaga sila mom at mumsy mamaya.

Naalala ko din kung paano nanlaki ang mata ko nung makita kong nasa lapag na yung mansanas ko. Dahil paborito ko yun inisantabi ko muna yung nararamdaman kong pagkalito sa mga naganap. Naalala ko kung ano pa yung nasabi ko.

"My apple! My apple!! Nilaglag mo yung apple ko.. Sinayang mo!" pagmamaktol ko. Sorry na, ganun ko kamahal ang mansanas. Ikamamatay ko pag hindi ako nakakaen ng mansanas.

Nagpout ako kay Reeze.

"What? Mansanas lang yan nagtatrantums ka na?" nakataas ang kilay na sabi nito. Na parang nakalimutan na din nya yung mga naganap.

"Tsk, tignan mo tong dalawang toh matapos mag moment, nagaaway na naman.." napapa-palatak na sabi ni Joey.

Parehas lang namin sya pinandilatan.

"Whoah, whoah chill lang kayo. Pakalmahin mo nga sila Ellen" natatawang sabi ni Joey.

"Hahaha, hay nako Jo anlakas mo kasi mambasag eh. Anyways, ladies to ruin the moment we need to head out na. Kung yun lang naman eh ayaw nyong malate sa kanya-kanyang class natin."

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now