Chapter Twenty-nine

3.8K 100 2
                                    


Yung pakiramdam na kahit nakapikit ka ay alam mong may mga matang nakatitig sayo.

Teka nasan nga pla ako at bat nakapikit ako? Di ba nagla-lunch ako kasama si Joey at Ellen? Tapos... Tapos nakita ko sya... Hindi, guni-guni ko nga lang pala na nakita ko sya. Tapos...

Biglang nagbalik sa alaala ko na nagdilim nga pala ang paningin ko at malamang ay nawalan ako ng malay. Dahil sa isipin na yun at sa pakiramdam na may nanonood sa akin ay nagdilat na ako ng aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang pamilyar na puting kapaligiran na minsan din ay pinagdalhan ko nun kay Annastacia nung ng nawalan sya ng malay.

Iginala ko ang aking paningin at agad kong nakita ang mga matang nakatitig din sa akin. Mga matang pag-aari ng taong hindi ko inaasahang makikita ko. Ngumiti ito sa akin ng marealize nyang nakatingin na din ako sa kanya. Nahiya naman ako na hindi gantihan ang ngiting iyun kaya nginitian ko na din sya.

"Brenda anong ginagawa mo dito?" Nakita kong nailing ito pero hindi pa rin nawawala yung ngiti sa kanyang mga labi.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ang iginanti nitong sagot na ikinachuckle ko.

"Okey naman. Pwede mo na bang sagutin yung tanong ko?" Lalo lang lumapad yung ngiti nito. Yung ngiti na parang nakakainis o nang iinis kaya di ko napigilan syang pagtaasan ng kilay.

"Makikiupo sana ako sa table nyo ni Ellen at Joey kanina ng makita kitang parang matutumba kaya nagmadali ako sa pag lapit. Buti na lang mabilis akong kumilos at nasalo kita tapos ayun dinala kita dito sa nurse room para matignan ka, kasama ko si Ellen and Joey." Mahabang explain nito. Pero nangunot naman ang noo ko sa isping kung kasama nya si Ellen at Joey eh bat wala yung dalawa dito? "Well, pumasok na sila sa klase nila at nag insist na ako na ako ng maghahantay sayong magkamalay para iexplain ang nangyari sayo." Parang nabasa nito yung iniisip ko na sagot nito. Napatango na lang ako.

"Eh bakit ikaw? Wala ka na bang klase?" Ngumise lang uling ito. Nako kung si Anna siguro yung ngumingise sa akin ng ganito baka nasisiyahan pa ko, kaso...

"Wala na po ma'am! Naghihintay na lang ako mag alas tres para sa basketball training ko." Nakakalokong sagot nito dahil tinawag pa akong ma'am. "Anyways, may idea ka ba kung nasaan si Annastacia? Nakalimutan ata nung babaeng yun na kasali sya sa team namin." Napapalatak na sabi nito.

"Wala eh. Bigla na lang syang nawalang parang bula at di na nagparamdam." Pinilit kong itago ang hinanakit at pagkadismaya sa boses ko pero sa pagkaalala ko pa lang sa ginawa sa akin na pagaabandona ni Annastacia ay di ko napigilang maging mapakla ang tono ng pananalita ko.

Tinitigan naman ako ni Brenda na parang may idea sa nangyayari at ang mga mata nya ay kababakasan ng simpatya.

"Baka nagpapagaling pa?" Nasa boses nito na parang pinagtatakpan yung teammate nya pero halata din na wala syang kasiguraduhan sa sinabi nya. Nagkibit na lang ako ng balikat dahil sa totoo lang ay nakakaramdam na naman ako ng lungkot at sakit sa pagkaalala sa kanya.

Annastacia nasaan ka na ba? Parang gusto na namang pumatak ng luha sa mga mata ko na siguro'y agad napansin ni Brenda dahil bigla itong lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Hey hey okey lang yan. May valid reason naman siguro si Annastacia sa kung ano yung nangyayari sa kanya, sa inyo ngayun." Pagkukonsula nito sa akin. Parang gusto ko tuloy mahiya na matawa dahil wala naman tong alam sa mga nangyayari. Eh eto pa nga lang yung pangalawang beses na nagkasama kami eh, nagkasama na sa ganubg sitwasyon pa.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Kde žijí příběhy. Začni objevovat