Chapter Twenty-One

5.3K 170 20
                                    


Hindi kayo nananaginip! Oo update nga toh! Update ulit! :3 Bakit ba, sinisipag ako eh tsaka gumagana utak ko. Ikaw ba naman may bonggang bakasyon. ;) :3

Oh sya! Alams na this, mispelled words and wrong grammar ha. Paulit-ulit na lang parang sira ulo! :3

Enjoy!


-----------


"R-Reeze..." hindi na napigilang sambitin ng aking bibig..

Bigka kaming sabay na napatayo at di makatingin mga mata ng isa't isa.

"Ah.. Eh... Ermm.. A-ano.." Nauutal na sabi nito habang nilalaro nya ang mga daliri nya sa kamay, mannerisms nya pag kinakabahan sya.

Hindi ko mahanap ang boses ko para magsalita. Sinubukan ko pero bumukas lang ang bibig ko pero muli ring sumara. Nakaramdam ako ng init at unti-unti ng namumuo ang pawis sa noo ko.

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya at alam kong ganun din sya.

"Awkwaaaaaaard..." narinig kong may bumasag ng katahimikan, galing toh sa boses ng isang babae.

Dun ako parang biglang natauhan at di ko na napigilan ang sunod kong ginawa.

Bigla kong hinatak ang isang kamay ni Reeze papalabas ng bookstore ng hindi man lang sya tinatapunan ng tingin. Ramdam ko naman ang pagkagulat nya dahil biglang nag stiffened yung katawan nya kanina nung hinatak ko sya pero sumunod pa din sya nung marealize nya sigurong ako yung humila sa kanya.

Hindi ko alam kung san na kami papunta dahil panay lang ang lakad ko na tangay-tangay sya. Maya-maya lang eh narinig ko na din na diretso syang nagsalita.

"Teka teka Anna, pwede bang huminto na tayo, hinihingal na ko sa paglalakad natin." pigil nito sakin.

Sakto naman na ang nahintuan namin ay bakanteng bench. Nilingon ko na sya at nagkalakas ng loob na tignan pero hindi ko pa din magawang magsalita. San na ba napunta boses ko?

Hinatak nya ko paupo sa bench kaya napasunod na lang ako sa pag upo nya. Nakaharap sya sakin at ganun din ako sa kanya. Nakatitig ako sa mukha nya at di napigilan ng mga mata ko na mapasulyap sa kanina lang eh nakadamping labi sa labi ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang pagangat ng kamay nya na pumantay sa paningin ko. Napatingin ako at nanlaki ang mata ko, hawak ko pa din pala ang malambot nyang kamay. Teka, bat ba napansin ko pa pati kalambutan ng kamay nya. Bigla ko tuloy binitiwan.

At eto na naman, naramdaman ko na naman pagiinit ng mukha ko. Nakita kong ngumiti sya sa akin.

"Anna.." Nagsasalita na sya pero inunahan ko na sya dahil baka banggitin nya yung nangyari kanina na hindi pako handang pagusapan.

"Nagugutom ako, samahan mo akong kumaen." yun lang at kinuha ko na ulit yung kamay nya at hinatak papunta sa favorite fast food chain, hindi ko na sya hinintay pang sumagot.

Nauuna ako sa kanya maglakad at nasalikod sya habang hawak ang kamay nya. Mukha tuloy may hawak akong bata na ikinatatakot kong mawala. Hindi ko na napigilang mapangiti sa isiping hawak ko ang kamay nya. Nagugustuhan ko na kasi yung kalambutan ng kamay nya at kung paanong nagpifit toh sa kamay ko.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora