Chapter Four

8.3K 195 14
                                    


Reeze

Kararating ko lang ng parking lot ng school. May pasok kaya yung snob na yun? Tanong ko sa sarili ko habang naiisip ko si Annastacia. Teka, teka ano bang pakialam ko kung may pasok sya o wala. (Asus, kunyare ka pa ate, eh kagabi mo pa nga sya naiisip bago ka matulog. Wag kang magalala, naiisip ka din nun kahit hindi ko na isinamang isulat sa storyang toh -writer) tse! Pwede ba kay Annastacia ka lang makipagusap! (Ay grabe sya oh! -writer ulit)

Hindi ko na napansin na may kotse ding dumating at nagpark malapit sa sasakyan ko. At bumaba yung taong kagabi pa laman ng isip ko. Hindi ko rin napansin na nakita nya ako at sinundan ng tingin.

Wala sa sariling naglakad ako. Hindi ko din alam na malapit lang ako sa soccer field ng school at may bolang tatama sa akin.

May narinig na lang akong pamilyar na boses na sumigaw.

"Hey, watch out!" Sigaw nung pamilyar na boses. Paglingon ko natulala na lang ako dahil nakita ko yung bolang malapit na tumama sakin, and then out of the blue biglang may tumalon na bulto at nagcover sakin.

Bumagsak kami sa ground, bago ako bumagsak sa ground pumikit ako at naghanda sa impact. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, masakit ba ang ulo ko? Tumama ba toh sa ground? Hindi naman! Masakit ba katawan ko dahil sa impact? Hindi din! Nung makasigurado akong okey ang pakiramdam ko, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. At nakita ko ang pamilyar na mga matang nakatitig sakin. Matang puno ng pagaalala. Para akong nahihipnotismong napatitig sa mga mata nya. Napalunok ako ng marinig ko syang nagsalita.

"Are you okey Reeze?" Malambing nitong tanong.

Ok basag moment muna ko ha. Tinatamad na ko magdugtong ng istorya eh.. Charot!!!

Lipat naman tayo ng P.O.V :3 -writer na panggulo hoho

-----

Annastacia

Pagbaba ko ng kotse ko, nakita ko agad yung babaeng nagpapagulo ng isip ko magmula pa kahapon. (Sabi sayo Reeze eh, iniisip ka din nya eh *wink -writer na epal) Tse! Bumalik ka na nga sa P.O.V ni Annastacia, moment nya na toh noh! -Reeze

Nakita ko syang nakatulala at naglalakad na parang wala sa sarili kaya sinundan ko sya. At syempre ayon na naman, may nakita na naman akong scene. Scene na hindi na naman maganda at siguradong ikapapahamak nya! Haaaay, tong babaeng toh gagawin pa ata akong taga pagligtas nya. Napapalatak na lang ako sa sarili ko. Kaya sinundan ko pa din sya.

Nasa malapit na sya ng soccer field ng biglang may lalakeng sumipa ng soccerball. Namiss nung lalake yung target. Lumipad yung bola palabas ng soccer field at ngayun ayun na nga gaya ng nakita ko sa future na tatama kay Reeze yung bola kaya sinigawan ko sya.

"Hey watch out!" sigaw ko sa kanya, Nakita kong wala sya sa sariling lumingon. Ano bang nangyayari sa babaeng toh?

I know, alam kong naiisip nyong bakit hindi ko gamitin yung kakayahan kong makabasa ng pagiisip ng isang tao. E di ba nga ang kabilin-bilinan ng mga nanay ko wag akong uminom ng serbesa este wag ko daw gagamitin yun skills ko baka ikapahamak ko. Anyways, balik kay Ms. Tulala

Nakita ni Reeze yung bolang paparating at tatama sya ngunit siguro sa pagkabigla Nakita kong mag stiff yung katawan nya at nanlaki yung mga mata nya. So I moved as quick as I can para maiiwas sya sa bola.

Nilundag ko sya, nayakap (hoy hindi ko sya tsinachansingan ah!) at nahila. Alam Kong babagsak kami at sa posisyon namin tsak na mababagsakan ko sya. Kaya gumamit ako ng konting power ko to flip us. Umikot kami at ako ang napailalim. Kung normal na tao siguro ang babagsak at may impact pa tong dadagan tsak na masasaktan ng sobra. Pero dahil (ehem) special nga ako, ni hindi ko ininda yun sakit. Mas nagalala ako kung nasaktan ba si Reeze.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Where stories live. Discover now