Chapter 62

1K 52 3
                                    

Habang pinipilit kunin ni Kasandra si Dominic, nakita ni Benedict na nabitawan nito ang Holy water. At kanya itong agad na dinampot. Humawak sya ulit sa bisig ni Dominic matapos nya makuha ang holy water. Lahat sila ay nahihila dahil sa pagkakahawak kay Dominic. At nang malapit na sika sa estatwa ay sinaboy ni Benedict ang botelya ng holy water, ngunit hindi ito umabot sa mata ni Kasandra.

"Hindi umabot!" Wika ni Benedict.

"Lumapit pa tayo!" Sabi ni Don Pablo.

"Mag-ingat kayo, hindi dapat mahawakan ng estatwa si Dominic!" Malakas na sabi ni Valentino.
Nakaisip agad ng paraan si Benedict.

Hinarangan niya si Dominic at napunta ito sa kaniyang likuran, at kaniya muling tinitigan si Kasandra.

Patuloy pa din ang paghila sa pamamagitan ng hangin ni Kasandra, nahihigop sila papalapit, at si Benedict na ulit ang pinaka nasa unahan. Isang hibla na lamang ay madidikit na ito kay Kasandra.

Hanggang sa nadikit na ang katawan ni Benedict sa harapan ni Kasandra, nasa likod nya si Dominic, iniiwas ni Dominic na mahawakan sya ng estatwa. At nang nagkadikit ang katawan ni Benedict sa statwa ay biglang humina ang hangin, bumagsak sa sahig si Dominic pati na rin sila Don Pablo dahil nakahawak ang mga ito sa kanya. At biglang sinakal ng estatwa si Benedict at iniangat nya ito sa ere.

"Ahhhhh!" Walang laban na sigaw ni Benedict. "Pablo, si Benedict ang makukuha, ano ang ating gagawin?" Naghihisteryang sabi ni donya Matilda.
"Hindi makukuha si Benedict, dahil wala sa kanya ang enigma!" Sabi naman ni Valentino. Ngunit ayaw maniwala ni Matilda sa sinasabi ni Valentino, at nagbadya itong lapitan si Benedict ngunit pinigilan ito ni Don Pablo. "Huwag ka ng makielam, maniwala tayo sa sinasabi ni Velentino!" Pigil ni Don Pablo. Napahawak na lamang sa kanyang ulunan si Donya Matilda. Nanghihina na si Benedict, mabibitawan na nito ang holy water, ngunit ginamit ni Benedict ang kanyang huling lakas at sinaboy nya ito sa mga mata ni Kasandra na nanlilisik na nakatingin sa kanya, at nang dumampi ang holy water sa mata nito ay biglang nabitawan nito si Benedict.

Bumagsak si Benedict at napatingin ang lahat sa statwa, at nakita nilang umuusok ang mga mata nito.  Nagwawala ang statwa habang umuusok ang mga mata nito, hangang unti unting naging abo ito at gumuho sa sahig. Ilang sandali pa ay hinangin ito na parang ipo ipo at biglang nawala na parang bula sa ere.

Tumahimik sa paligid.

"Benedict!" Umiiyak na Sabi ni Faith at nilapitan niya ito ngunit wala itong malay.

Naglapitan ang lahat kay Benedict.

"Benedict anak gumising ka!"

"Kardo tumawag ka ng ambulansya!" Hinihingal na sabi ni Don Pablo.

"Ngayon din Don Pablo!" Sabi agad nito .....at nang sya ay magbabadyang umalis ay biglang dumilat ang mga mata ni Benedict.

"Benedict?" Napangiting sabi ni Faith.

"Faith!" At niyakap nya si Faith.

At nahimasmasan ang lahat.

"Salamat po Panginoon!" Napanatag na sabi ni Donya Matilda nang nakita nyang ok na si Benedict.

"Buhay pa din ako!" Di makapaniwalang sabi naman ni Dominic at minasdan ang kanyang sarili sa salamin, nananatili pa rin ang kanyang kaguwapuhan.

"Tapos na ang lagim anak, salamat sa Panginoon!" Sambit ni Don Pablo.

At sila ay nagyakapan.

Pinabuksan na ni Don Pablo ang pintuan ng Function room, gusto na nilang makaalis doon.

Maya maya ay nag bukas na ang pinto, pumasok si Raven kasama ng mga guards.

"Is everything okay?" Tanong ni Raven sa kanila na may halong pagdududa sa kanyang mga mata.

Umakto si Don Pablo na walang masamang nangyari.

"Were all fine!" Nakangiting sabi ni Don Pablo.

"Well, let's all go back to the party!" Sabi ni Donya Matilda at sila ay lumabas na ng silid na iyon at nagbalik sa kasiyahan.

Napakamot na lamang ng ulo si Raven, di nya nakita ang pangyayari kaya lubos ng nawala ang kanyang pagdududa sa mga ito.

...

Pagbalik nila ng kasiyahan ay pinagkaguluhan ng mga tao ang kambal at ang lahat ay masayang nakipagkamay at nagpakuha ng picture sa kanila.Tapos na ang sumpa ng enigma kaya kahit sinong humahawak sa kambal ay normal na ito. Ngunit tiyak na hahangaan at marami ang maaakit sa kanila, ngunit nakabaling na ang damdamin ng kambal kay Faith at Empress.

Nilapitan ni Don Pablo si Don Luiz at sila ay masayang nag-usap.

"Kamusta ka na Don Luiz?"

"Mabuti naman Don Pablo! Salamat at dito sa aking hotel mo naisipang ganapin ang kaarawan ng iyong nagkikisigang mga anak."

"Oo naman, lalo na ngayon at baka maging mag balae na tayo!" masayang sabi naman ni Don Pablo.

Laking tuwa ni Don Luiz sa sinabi nito, lumapit si Donya Matilda at masaya silang nagkakilanlan.

...

"Faith ang tagal mo naman, saan ba kayo nagpunta?" Nagtatakang tanong ni Gigi.

"Ah, sumama kasi ang pakiramdam ni Dominic, akala namin ay ma oospital kaya inasikaso lamang namin, pero ok na siya." Sabi na lamang ni Faith kay Gigi.

"Ah ok! Wala akong masabi sayo girl, Ikaw na! Sana all!" At masayang nagtawanan ang magkaibigan.

...

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now