Chapter 27

2.2K 59 7
                                    

Sumunod na araw

Sa bahay ni Kardo .... Nakahain ang kanilang agahan.

"Sumabay na kayong kumain," Sabi ni Kardo sa dalawa nyang pamangkin.

"Pasenya na, di namin kaya kumain na katabi sya!" Sabi ni Clara at Minerva at dinala nila ang kanilang pagkain sa kanilang silid.

Walang nagawa si Kardo sa sinabi ng mga ito, ngunit malungkot si Benedict.

"Lalabas ako!" Biglang sabi ni Benedict.

"Pero saan ka pupunta?" nag aalalang sabi ni Kardo.

"Gusto kong makakita ng iba't ibang lugar."

"Kung yan ang iyong gusto ay sasamahan kita."

Matapos nilang mag agahan ay sinuot ni Benedict ang kanyang hoodie at ginamit ang kanyang maliit na saklay, at sila ay lumabas ng bahay.

.....

Habang naglalakad sila sa kalye ay nag eenjoy si Benedict sa kanyang nakikita, ang daming tao sa paligid at may kanya kanya silang ginagawa, may nagtitinda ng kung anu anong bagay at may mga nagmamadaling maglakad.

"Bakit sila nagmamadali?" Tanong ni Benedict.

"Dahil ayaw nila ma late sa trabaho."

Patuloy na nagmasid sa paligid si Benedict at biglang may nag away sa kanilang dadaanan, at inilihis agad ni Kardo si Benedict sa mga ito.

Nagpunta sila sa loob ng mall, at di sya makapaniwala na nandoon sya, sa movie lang nya nakikita ito.

Nakikita nyang masaya ang mga taong naglalakad.

Naupo sila sa labas ng isang fast food, at umorder si Kardo ng pagkain para sa kanilang lunch ni Benedict.

At nang sila ay kumakain ay biglang nahulog ang kanyang hoodie sa kanyang likuran kaya lumitaw ang kanyang ulo. At may batang nakakita.

"Mommy tingnan mo yung lalaki ang pangit!" Sabi ng batang babae.

Napatingin ang nanay nito at nakita nyang parang alien ang itsura  nito kaya kinilabutan ang nanay ng bata.

"My gosh, tara na anak sa bahay na lang natin kainin ito!" Takot na sabi ng babae at niyaya nya agad ang kanyang anak na lumayo, pinagtitinginan na ng mga tao si Benedict.

At doon lamang namalayan ni Kardo na nahulog ang hoodie nito.

At nang kanyang nakita ay sinuot nya ito agad kay Benedict, ngunit nakita na sya ng mga tao.

"Ano klaseng tao yan, baka alien yan!" Sabi ng isang nakakita,

At nag-alisan ang mga tao sa loob ng fastfood, at marami ng natakot na kumain doon.

Nilapitan sila ng manager.

"Mawalang galang po, maari po ba na huwag na kayong kumain dito, i-take out na lang ninyo ang inyong pagkain."

"At bakit? Customer kami!" wika ni Kardo.

"Pasensya na Sir, tingnan ninyo nawala na ang mga customer namin at natatakot na silang pumasok dito sa loob."

At napansin nga ni Kardo na silang dalawa na lang ni Benedict ang tao sa loob, at nakita nyang may mga nagsisilipan sa bintana ng salamin at pinagtitinginan nila ang kaanyuan ni Benedict.

"Tara na Benedict!" Sabi ni Kardo habang abala sa pagkain si Benedict, sabik sya kumain ng fastfood, doon lamang sya nakatikim nito.

"Benedict, tara na!"

At napahinto kumain si Benedict at nakita nyang nakasilip ang mga tao sa bintanang salamin at pinagtatawanan sya ng mga ito.

At tumayo si Benedict at ginamit ang saklay....

At nang sila ay palabas ng fastfood ay kinukutya ng mga tao si Benedict.

"Nakakatakot itsura nya!"

"Mukhang Alien!"

"Huwag nyong pagtawanan baka marinig kayo baka biglang kagatin tayo!"

Sabi naman ng isang tao.

Patuloy lamang naglalakad si Benedict at Kardo, at habang naglalakad sila ay nag lalayuan ang mga tao sa kanila ang iba namang mga kabataan ay lumalapit para mangutya.

"Haha mukhang alien!" Sabi ng isa, at sa galit ni Benedict ay nilapitan nya ang batang lalaki na teen ager at hinawakan nya sa leeg.

"Aghjjj!" Hiyaw ng lalaki.

Nagpanic ang mga nakakita at naglapitan sila at kanilang binugbog si Benedict.

"Huwag! Tigilan nyo yan!" Hiyaw ni Kardo habang inaawat ang mga taong nangbubugbog kay Benedict. Maya maya pa'y nagdatingan ang mga security guard at  nagtakbuhan ang mga nambubugbog at tumakbo na rin si Benedict gamit ang saklay,

Hahabulin dapat sya ng mga guard, ngunit pinigilan sila ni Kardo.

"Pabayaan nyo sya, wala syang kasalanan sya ang binugbog!" Sabi ni Kardo sa mga guard at umalis na sya para sundan si Benedict.

Ngunit hindi nya makita si Benedict.

"Nasaan na yung bata na yun?" Kinakabahang sabi ni Kardo.

............

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now