Chapter 43

2.2K 63 0
                                    

Isang hapon nasa painting room ang kambal at sila ay gumuguhit.

Ilang sandali ay pumasok si Faith na may dalang snack at inihain nya ito sa lamesa.

"Mag snack na muna kayo." Nakangiting sabi ni Faith.

Tinakpan ng kambal ang kanilang ginuguhit. At lumapit sila sa lamesa at naupo.

"Nakapaglibot ka na ba sa buong mundo?" Tanong ni Dominic kay Faith.

"Hindi pa, wala pa akong napupuntahan kahit anong bansa, dito nga sa atin itong lugar na ito pa lang ang nararating ko eh,"

Nagtaka si Dominic.

"Bakit? Normal ka naman wala ka dapat itago?"

"Hindi naman ganon yon Dominic, hindi basta basta makarating sa ibang bansa, kailangan ng maraming pera para makapaglibot doon,"

"Ganon ba?"

"Oo naman, gaya mo napakaswerte mo dahil mararating mo lahat ng bansa na gusto mong makita."

"Gusto ko isama kita Faith, siguradong magiging masaya tayong magkasama." Nakangiting sabi ni Dominic,

Napangiti lamang si faith.

"Gusto mo bang makasama ako?" Tanong ulit ni Dominic.

"Hmm oo naman, trabaho ko ang samahan ka."

"Hanggang ganon lang ba?"

"Ah eh, ano ba ang gusto mo Dominic?"

"Gusto ko maging tayo."

Nakatahimik lamang si Benedict at naiinis sya sa mga sinasabi ni Dominic kay faith,

"Alam mo Dominic kung may gusto ka sa isang babae kailangan mo munang manligaw." Sabi ni Faith.

"Manligaw?"

"Oo, para maramdaman ng babae kung may mararamdaman din sya sa lalaki."

"Hmn ganon pala!" Masayang sabi ni Dominic.

Bumaling naman si Faith kay Benedict.

"Ikaw Benedict napakatahimik mo naman may napupusuan ka na ba?"

"Hindi totoo yan!" Biglang sagot ni Benedict. At tumayo ito at nagpunta sa isang sulok dala ang kanyang painting at nagpatuloy gumuhit.

Matapos mag snack ay niligpit ni Faith ang lamesa at nagpatuloy ulit gumuhit sina Dominic.

At lumabas na si Faith ng silid. Nang nalalabas ito ay kinumpronta ni Benedict ang kakambal.

"Dominic, ano ba ang mga sinasabi mo, baka nakakalimutan mo ang sinabi ng papa, hindi ka na muna maaaring lumapit kahit kaninong babae!"

"Huwag ka mag alaala, mahal ko si Faith at di ko hahayaang mangyari sa kanya ang nangyari sa ibang naka talik ko!"

"Talaga bang mahal mo sya o pinag nanasahan mo lang sya?"

"Mahal ko sya!" Mariing sabi ni Dominic.

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now