Chapter 3

3.1K 97 4
                                    

Pag uwi ni Faith sa kanilang bahay ay sinabi nya agad ito sa kanyang ina.

"Ano bukas na?" Sabi ng nanay nya.      

"Eh opo kasi rush daw po eh." 

"Pero anak napakalayo naman nun!" Sabi ng nanay ni Faith habang naghihiwa ng gulay sa lamesa para sa kanilang hapunan.

"Malaki ang sweldo nay, isang buwan lang buong tuition na ni Ella yun, makakatulong ako sa inyo nay."

"Pero di naman yan ang napag aralan mo, di ka naman yaya anak."

"Ewan ko nay parang gusto ko ito, isang opportunity na po ito, at pansamantala lang naman, tsaka graduate ang hinahanap nila kasi tuturuan ko din yung aalagaan ko."

"Sigurado ka na ba anak? baka hindi tayo magkikita nyan."

"May bakasyon daw every 3 months, ihahatid sundo nila."

"Ah ganon ba? O sige anak, malaki ka na at kung yan ang iyong desisyon, bahala ka, basta magdasal ka lagi."

"Opo nay huwag na kayo mag alala sa akin."

Kinabukasan ay sinundo na si Faith papunta sa mansion.Isinakay sya ng helicopter.

Samantala sa Mansion

Nag aagahan ang mag anak sa mahabang dining area.

"Magtatagal ang Mama nyo dito at ako ang mauunang babalik sa Maynila sa isang linggo." Sabi ni Don Pablo.

At ng narinig ito ni Benedict ay nagbago ang emosyon ng mukha nito na may halong pagkadismaya.

"Ikaw Benedict bakit di mo matanggap na hindi ako maaaring magtagal sa mansion na ito? alam mo naman na marami akong ginagawa."

Hindi kumikibo ang kambal.

"Pero Pablo, marami naman tayong mga tauhan na pinag kakatiwalaan, kahit wala ka doon ay wala namang problema!" Sambit ni Matilda.

Hindi makakibo si Don Pablo, ang totoo ay di nya kayang mamuhay sa malayo sa sibilisasyon sanay si Don Pablo maglibot sa iba't ibang bansa para magpakasarap.

"Matilda tama na, alam mo na ang dahilan!"

"Anong dahilan papa?" Sabi ni Benedict.

"Kung anoman ang dahilan ay ako na lamang ang nakakaalam, isa pa wala naman kayong maitutulong sa negosyo natin!"

"Alam ko papa dahil sa kaanyuan namin?"

"That's enough nasa harap tayo ng pagkain, Benedict please! Sana maintindihan mo!"

Tumayo si Benedict at umalis.

"Benedict!" Sabi ni Matilda.

"Let him go, wala naman sya magagawa kahit anong gusto nya eh."

Maya maya ay biglang nagsalita si Dominic na kanina pa nananahimik.

"Papa, ang gusto lamang namin ay makita ang mundo."

"Makita ang mundo? para pagtawanan kayo? Yun ba ang gusto nyo?"

"Pwede naman kami magtago, sabik na ko makita ang mundo papa."

"Well anak, hindi maaari ang sinasabi mo, hindi ka rin mag eenjoy sa ganyang kaanyuan, maniwala ka sa akin anak, hindi ko kayang tanggapin na pagtawanan kayo ng mga tao, hindi ko kaya yon at ayokong mangyari sa inyo yon, kami ng mama mo ang unang unang masasaktan! Sana nauunawaan ninyo!, kung alam lang ninyo kung gaano kalupit at kung gaano manghusga ang mga tao."

Napayuko na lamang si Dominic at nauunawaan nya ang sinasabi ng kanyang ama, matapos ay tumayo na rin si Dominic at nagbalik ng kanyang silid.

At ng mapag isa ang mag asawa ay nagtungo sila sa terrace ng kanilang silid.

"Naawa ako sa mga bata, sabik sila makita ang mundo pero wala akong magawa!" Naiiyak na sabi ni Matilda.

"Bakit nagkaganon ang kanilang anyo, kung naging normal lamang sila ay wala na akong mahihiling pa, pero ginawa na natin ang lahat para lang magbago itsura nila, pero walang sinumang doktor ang may pumayag na baguhin sila, dahil hindi nila kayang gawin!"

"Dahil wala na silang pag-asa huhuhu!" Patuloy na iyak ni Donya Matilda.

Hinaplos naman ni Don Pablo ang likuran ni Donya Matilda at kanyang niyakap.

"Pablo, magtatagal ako dito, hindi na muna ako kaagad makakasunod sayo sa Maynila, gusto ko laging kapiling ang aking mga anak!"

"Kung yan ang gusto mo ay di na kita mapipigilan ngayon, lumalaki na sila at nag kakaisip."

"At ikaw ganon pa din ba ang iyong gagawin? Ang bihira lamang silang makita?"

"Sa ngayon ay ikaw na muna Matilda, marami akong aasikasuhin."

..........

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now