Chapter 37

2.2K 62 1
                                    

Abala ang kambal sa paglalaro ng basketball, ngayon lamang sila makakapaglaro ng sports.

Dumating ang mga katiwala at nagdala ng mga malamig na inumin at snacks.

"Mga bata mag meryenda na muna kayo." Sabi ni Melba, sya ang pansamantalang pumalit kay Lorena.

Lumapit ang kambal at uminom ng juice.

"Mamaya ay darating ang bagong tagapag alaga ninyo." Sabi ni Melba sa kambal.

Nakaramdam si Dominic ng pagkagalak.

.........

Habang nasa helicopter si Minerva at Clara ay di sila makapaniwala.....

"Grabe! Ang laki ng mansion, tingnan mo?" masayang wika ni Minerva habang natatanaw nila ang malaking mansion habang pababa ang helicopter.

"Naku baka andyan yung mukhang alien, galit sa akin yun, kasi pinalayas ko sya!" Nag aalalang sabi ni Clara.

"Huwag kang mag alala, diba sabi ni Tiyo Kardo wala na sya, naaksidente daw, nasayang lang ang panahon ko sa mukhang alien na yun, pero di bale yung kapatid na lang niya ang aakitin ko,"

"Eh papano kung mukhang alien din?"

"Naku huwag naman sana, pero kahit ano pa itsura niya kung ganito kayaman kakayanin ko,"

"Ikaw talaga ate Minerva," napatawang wika ni Clara.

......

At nang sila ay nasa loob na ng mansion ay sinalubong sila ni Melba.

"Kayo ba ang mga pamangkin ni Kardo?"

"Opo, ako po si Minerva at sya naman si Clara."

"Ako naman si Melba, ang bagong mayordoma dito, pero matagal na akong naninilbihan kina Don Pablo sa mansion nila sa Maynila."

Inilibot sila sa loob ng mansion at nanlalaki ang kanilang mga mata sa kanilang nakikita.

"Ang ganda dito!"

"Nasaan na po yung mga aalagaan namin?"

"Nandyan lang sila, di ko lang alam kung ano ang kanilang pinagkaka abalahan ngayon,"

"Mukha din po ba silang alien?" nadulas na dila na tanong ni Clara.

"Mukhang Alien? naku mga iha baka nagkakamali kayo, makikisig ang kambal."

"Kambal?" Nagtatakang tanong ni Minerva.

"Oo kambal sila at mga guwapo sila, kaya yang sinabi mong mukhang Alien ay nagkakamali ka,"

"Ah ganon po ba," napangiting wika naman ni Minerva.

Dinala ang magpinsan sa kanilang silid.

At nang buksan ni Melba ang pinto ay laking tuwa ng dalawa sa ganda nito.

"Ang ganda naman ng kuwarto na to!" Excited na sabi ni Clara.

"Oo nga tingnan mo ang laki ng kama." Sabi ni Minerva.

"May sarili kayong banyo kaya di na kayo lalabas."

Nakangiti lamang ang magpinsan habang nagmamasid sa kanilang silid.

"Mamayang hapon ay ipapakilala ko sa inyo ang kambal."

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now