Chapter 35

2.1K 62 5
                                    

Nang mapag isa si Don Pablo, Kardo at Donya Matilda.

"Kardo, malaki ang utang na loob namin sayo, saan mo ba nakuha ang benditas?"

"Mapanganib ang aking ginawa, at ginawa ko lamang ito para kay Benedict."

"Diba kambal ang bulaklak na iyon? May kakambal ito na pampapangit?" tanong ni Matilda.

"Hindi ko po iyon kinuha, dahil ito ay mapanganib."

"Mabuti naman kung ganon, yung na kay Dominic ang sabi nya tinapon na daw nya."

(Yun ang pagkaka alam nila, ngunit di sinasabi ni Dominic na lagi itong bumabalik sa kanya kahit itapon nya ito)

"Maraming salamat sa ginawa mo para sa aming anak, at dahil dyan ay gagantimpalaan kita." Sabi ni Don Pablo.

"Marami pong salamat, ngunit ang alagaan at makasama si Benedict habang ako ay nabubuhay ay sapat na po sa akin."

"Napakabuti mo Kardo, kung gayon ay ikaw ang masusunod ngunit ibibigay ko sayo lahat ng pangangailanan mo,"

"Salamat po!" Masayang sabi ni Kardo.

"Kami ang dapat magpasalamat sayo."

At nang mapag isa ang mag asawa.

"Kahit hindi na maging kagaya ni Benedict si Dominic ay di na mahalaga, ang importante ay buhay sya!" Sabi ni Don Pablo.

"Masaya ako Pablo dahil nakikita kong mahal mo si Benedict,"

"Oo naman, mahal ko sya, di ko lang matanggap ang kanyang kaanyuan, ngunit nung nag aagaw buhay sya ay doon ko naramdaman na di na mahalaga ang anyo, mula ngayon ay di ko na sya iiwan, lagi na natin syang makakasama."

"Okay na sayo kung isasama natin sya sa ating bakasyon?"

"Oo, wala na akong pakielam kahit sino pa makakita kay Benedict."

"Salamat Pablo."

At niyakap sya ni Matilda.

Nung gabing iyon ay natulog na silang lahat.

.........

Kinaumagahan sa paggising ni Benedict.

Humihikab pa ito nang ito ay nagising at nakaramdam ito ng kakaibang lakas, at napadalawang tingin sya sa kanyang kamay, laking gulat nya nang nakita nyang may nagbago.

Napatayo agad sa kama si Benedict, at nang tumuntong ang kanyang mga paa sa carpeted na sahig ay nakaramdam ito ng labis na tuwa. Minasdan nya ang kanyang mga paa, at di ito makapaniwala sa kanyang nakikita,

"Totoo ba ito?" Sabi nya sa kanyang sarili at nagmadali syang nagpunta sa banyo at inalis nya ang nakaharang sa salamin, hinaharangan nya ito dahil ayaw niya makita ang kanyang sarili. At kanyang tiningnan ang kanyang kaanyuan,  at laking mangha nya nang nakita nyang tumangkad sya ng 6ft 3 na kagaya ni Dominic at kamukha niya ito, ang pinag kaiba lamang ay kulay blue ang kanyang mga mata, samantalang green ang kay Dominic. Hibdi makapaniwala si Benedict sa kanyang nakikita. Tinitigan nyang mabuti ang kanyang napakagandang mukha, at hinawakan nya ito.
Labis na kaligayahan ang nadarama nya at di niya malaman kung totoo ba ang nakikita nya o baka naman nananaginip lamang sya. Sinampal sampal nya ang kanyang pisngi at doon ay naramdaman nyang totoo ang lahat ng nakikita nya. Hinaplos nya ang kanyang matitipunong bisig, at ang kanyang malasutlang mga balat.
...

Nagtungo ng walk in closet at namili ng mga damit na isusuot, naisip niyang sa wakas ay makakapag suot na sya ng normal na damit. Nag suot muna sya ng puting t shirt puti na pantalon pang ibaba.

Maya maya ay biglang may kumatok ng kanyang pinto, sinilip ni Benedict kung sino ito at nakita nyang ito ay si Kardo. Pinagbuksan nya agad ito ng pinto, at laking gulat ni Kardo nang nakita nya si Benedict,

"Benedict?"

"Ako nga ito!" Naka ngiting sabi nito.

At nagyakapan sila na parang mag ama.

"Hindi ako makapaniwala na tumalab din sayo ang bulaklak na yon, ang akala ko ay gumaling ka lamang,  kamukhang kamukha mo na si Dominic, ang pinag kaiba lamang ay ang kulay ng inyong mga mata, blue sayo at green naman kay Dominic, nakakabilib talaga ang benditas na yon!" Masayang sambit ni Kardo.

"Maraming salamat sa ginawa mo para sa akin!"

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now