Chapter 44

2.3K 64 8
                                    

Pinuntahan ni Dominic si Kardo at nagpatulong kung papano manligaw.

"Aba madali lang yan, tama ligawan mo na muna si Faith, para maramdaman nyang totoo ka sa kanya, kayalang tiisin mo na huwag mo syang hawakan dahil alam mo na ang mangyayari."

"Mahal ko sya at kaya kong tiisin yon mang Kardo."

"Minsan ko lang nasubukan manligaw noon , kaya lang natakot ako na baka hindi ako sagutin kaya umatras ako, at yun ang pinaka malaking pagkakamaling nagawa ko sa aking buhay, nalaman ko na mahal din pala ako nung babae, sayang kami na sana ngayon, mula nun di ko namalayan napaglipasan na pala ako ng panahon, kaya eto naging matandang binata ako."

"Ok lang yon mang Kardo, buti na lamang at ikaw ang nagpalaki sa amin,"

Naalala ni Kardo ang mga nangyari kina Clara at Minerva kaya nalungkot ito.

"Ok ka lang ba mang Kardo?"

"Naalala ko lang sina Clara at Minerva, ang totoo ay di ko sila kaanu ano,"

"Akala ko mga pamangkin mo sila?"

"Tinuring ko silang mga pamangkin mula nung sila ang naging caretaker ng bahay ko, mga ulila na silang lubos,"

"Lumaki sila sa bahay ampunan, at nang naging dalaga na sila, umalis na sila doon," patuloy ba wika ni Kardo.

"Saan mo sila nakilala?"

"Nakilala ko sila sa kalye, binabastos sila ng mga lakaki, tinulungan ko silang makaalis sa lugar na yon,"

"Sabi nila, wala silang tirahan, kaya sa bahay ko sila pinatira, iniwan ko sila doon bilang caretaker na rin, bihira lang naman akong umuwi dahil halos buong buhay ko, nakatira na ako sa mansion,"

Nakikinig lamang si Dominic.

"Ilang taon na silang nakatira sa bahay ko, at tinuring ko silang pamangkin, di ko akalain na mangyayari to sa kanila,"

Hindi agad makakibo si Dominic.

"Tinukso nila ako, kung alam ko lang ay sana hindi ko na sila pinansin," sabi ni Domimic.

"Wala kang kasalanan dahil lalaki ka lang para di matukso, at sila ang may gusto non, wala ka rin alam tungkol sa masamang idudulot ng kambal na bulaklak na yan. At ngayong alam mo na, kailangan mo na mag ingat,"

"Hindi na mangyayari yon, pero ang hirap ng kalagayan ko, bawal ako makahawak ng babae at bawal din ako mahawakan," malungkot na sabi ni Dominic.

"Sa ngayon ay wala tayo magagawa kundi hintayin ang kakilala ng ama mo, baka makatulong sya,"

"Sana naman, dahil ang hirap ng kalagayan na ganito, napakagandang lalaki ko nga pero bawal naman mahawakan, lalo na kung magiging kami na ni Faith,"

"Magdasal ka lang palagi," payo ni Kardo.

Tumango lamang si Dominic.

"Tuturuan na kita kung pano manligaw, ngunit huwag mo kalimutan ba bawal sya hawakan,"

"Huwag ka mag-aalala, gaya ng sabi ko, di ko na gagawin yon,"

"Mabuti, huwag ka na malungkot,"

At nung mga oras na yon ay tinuruan sya ni Kardo kung papano manligaw.

...

Nung hapon na iyon ay nag suot ng magarang damit si Dominic. Pinuntahan nya si Faith sa kanyang silid, at pag bukas ni Faith ng pintuan ay nakita nya si Dominic na nakangiti, may dala itong bulaklak at tsokolate.

"Dominic?" Sabi ni Faith, nakita nyang green ang mata nito kaya alam nyang ito ay si Dominic.

"Maaari ba kita mayaya sa hardin?" Sabi ni Dominic at binigay ang kanyang dala kay Faith.

"Okay, salamat sa mga ito." Nakangiting sabi ni Faith, ngunit hindi ito gaanong masaya dahil wala syang nararamdaman na pagmamahal kay Dominic.

Naglakad sila sa hardin at lihim na sinundan sila ni Benedict.

Habang nag uusap sila ay panay ang silip ni Benedict sa likod ng puno, nangangamba sya na baka maghalikan sila o hawakan ni Dominic si Faith.

"Kailangan ko silang pigilan!" Sabi ni Benedict sa loob nya.

Samantala, masayang nag-uusap ang dalawa.

"Sino ang nagturo sayo na ligawan ako, at ang aga naman,  dapat sa gabi." Nakangiting sabi ni Faith.

Naisip ni Dominic na nagpapakita si Kasandra anomang oras kung gabi at natatakot syang magpakita ito ng kasama nya si Faith, baka mangyari kay Faith ang nangyari sa ibang babae na nakasama nya, kaya mas pinili nyang maaga.

"Mas maganda pag maaga para maaga mo din akong sagutin." nakangiting sabi na lamang ni Dominic.

Nginitian lamang sya ni Faith.

"Faith sana sagutin mo ako, at pinapangako ko sayo na ikaw ang pinaka magiging masayang babae sa buong mundo."

Di maintindihan ni Faith ang kanyang nararamdaman, kung tutuusin ay napakaswerte nya dahil isang katulad ni Dominic ang naghahangad sa isang tulad nya na mahirap lamang. Na kay Dominic na ang lahat ng hinahanap ng isang babae ngunit may ibang nararamdaman si Faith, di nya mawari kung ano iyon.

"May ibibigay ako sayo Faith."

May kinuha si Dominic na jewelry box at binigay kay Faith., (Hindi ito kasama sa tinuro sa kanya ni Kardo).

"Ano ito?"

At nang kanyang binuksan ay nakita nya na puno ito ng mga alahas.

"Para sayo yan Faith," nakangiting wika ni Dominic.

"Pero hindi ko matatanggap ito,"

"Bakit naman, para yan lang?"

"Tatanggapin ko lamang ito kapag tayong dalawa na pero sa ngayon ay hindi na muna Dominic."

"Tinatanggihan mo ba ako?"

"Masyado ka kasing mabilis, bigyan mo ako ng pagkakataon na mag isip."

"Tanggapin mo yan Faith, napakaliit na bagay lang yan, kapag di mo yan tinanggap ay sasama lang loob ko sayo." Sabi ni Dominic, kaya walang nagawa si Faith kundi tanggapin ito.

Nagtungo ang dalawa sa wine room at uminom si Dominic, nagkukuwentuhan silang dalawa, ngunit juice lang ang iniinom ni Faith. Hanggang sa nalasing si Dominic at nagpatulong si Faith kay Kardo na ihatid na si Dominic sa silid nito.

At nang mapag isa si Faith sa kanyang silid ay tiningnan nya ang mga alahas, at namangha sya sa mga kinang nito, ngunit may iba syang nararamdaman.

"Ibabalik ko ito,"

Itinago na muna nya ang mga ito.

Pagsapit ng gabing iyon ay hindi makatulog si Faith, alas nueve na ng gabi.

Lumabas ng silid si Faith at nagtungo sa painting room, gusto nyang makita kung ano ang ginuhit ng kambal.

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now