Chapter 46

2.1K 70 4
                                    

At laking gulat nito nang nakita nito si Faith at Benedict na magkayakap na natutulog sa couch, mga wala silang saplot sa katawan maliban sa underwear ni Faith.

Napasabunot sa kanyang buhok si Dominic at di sya makapaniwala sa kanyang nakita.

Natuliro si Dominic at di malaman ang gagawin hanggang nagdilim ang kanyang paningin sa sobrang pagkapoot kay Benedict.

Kinuha nya ang patalim sa drawer at dahan dahan syang lumapit sa mga ito, at minasdan nya ang mukha ni Faith, at itinapat nya ang patalim kay Benedict.
At nagbabadya niyang itarak ito.

"Wala kang kuwentang kapatid, di ko akalain na magagawa mo ito kay Faith!" Masamang loob na sabi ni Dominic at tinaas nya ang patalim para isaksak ito.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nang biglang naalimpungatan si Faith, at nakita nito si Dominic na nanlilisik ang mga mata hawak ang patalim.

"Huwag!" Sigaw ni Faith at biglang nagising si Benedict, nakita nyang itatarak ni Dominic ang patalim sa kanya, nahawakan nya agad ang kamay ni Dominic at sila ay nagbuno sa hawak nitong patalim.

Binalot ni Faith ang kanyang katawan.

"Tama na yan please!"

Ngunit patuloy pa din nagbubuno ang dalawa. "Di ka tumupad sa usapan! Bakit mo sya hinawkan!" Hiyaw ni Dominic, at maya maya ay dumating si Don Pablo at Donya Matilda, nakita nyang nakikipagbuno si Benedict sa hawak na patalim ni Dominic.

"Tigilan na yan!" Malakas na sabi ni Don Pablo.

Napabitaw si Dominic nang narinig ang boses ng kanyang ama at tinulak sya ni Benedict.

Napatingin si Don Pablo kay Faith at nakita nyang nakahubad si Benedict kaya naisip agad ni Don Pablo na may nangyari na sa kanila ni Faith.

Nagimbal naman si Matilda sa maaaring mangyari kay Faith.

Lalapitan ni Benedict at Dominic si Faith nang biglang pinigilan sila ng kanilang ama.

"Huwag nyo syang lalapitan, layuan nyo sya!" Sabi ni Don Pablo.

Hindi makatinag ang kambal sa kanilang kinatatayuan.

"Mahal ko si Faith Papa, huwag mo kong pigilan." sabi ni Benedict at nagbabadya itong lumapit kay Faith ngunit biglang nilapitan sya ni Donya Matilda para pigilan.

"Huwag anak!"

Maya maya ay may pumasok na mga bodyguard at biglang hinawakan si Faith.

"Bakit, saan nyo ko dadalhin?" Sabi ni Faith.

At lalapitan ni Benedict at Dominic si Faith para pigilan ang mga guard ngunit may iba pa na mga guard na pumasok at hinawakan sila ng mga ito para di sila makapalag. Nagpupumiglas ang kambal ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng mga guard sa kanila kaya wala silang nagawa nang nilabas ng mga ito si Faith para ikulong sa isang silid.

"Saan nyo sya dadalhin?!" nag wawalang sabi ni Benedict.

"Ano mang oras o araw ay magiging halimaw na sya na gaya ng nangyari kay Minerva at Clara, nanganganib tayong lahat dito! Kailangan syang ikandado sa kanyang silid at obserbahan!" Natatakot na sabi ni Don Pablo.

"Pero hindi yon mangyayari!" Sabi ni Benedict.

"Ikaw ang may kasalanan! Bakit mo nagawa to kay Faith?" nanggagalaiting sabi ni Dominic.

Hindi nakakibo si Benedict.

"Diba kabilinbilinan ko sa inyong dalawa na walang gagalaw kay Faith? At di ko akalain Benedict na ikaw pa ang gumawa nito!" Galit na sabi ni Don Pablo.

"Anong gagawin nyo kay Faith?" Nag aalalang sambit ni Benedict.

"Kailangan syang maobserbahan, ngunit kung may mga tutubo sa kanyang balat ay alam na ninyo ang susunod na mangyayari at di ko hahayaan na marami ang mamamatay sa mansion na ito!"

"Papatayin nyo sya?" Natakot na sabi naman ni Dominic.

"Wala na tayong magagawa, magsibalik na kayo sa inyong mga silid, at walang lalapit kay Faith!" Galit na sabi ni Don Pablo at lumabas na ito ng silid kasama ng iba pang mga guard.

"Anak, sumunod kayo sa sinasabi ng papa ninyo!" Sabi ni Matilda at hinalikan nya sa noo ang dalawang kambal.

Nagkatinginan ng masama ang kambal at nagbalik sila sa kanilang silid.

Masamang masama ang loob ni Dominic sa ginawa ni Benedict at nagmukmok ito sa isang sulok sa kakaisip kay Faith, samantala si Benedict naman ay di rin mapalagay sa nangyari, nag aalala sya kay Faith.

Habang nakahiga si Benedict ay inaalala nya si Faith, ang gabing naganap sa kanilang dalawa, kinakabahan sya na baka may mangyari kay Faith.

"Bakit ko nagawa to kay Faith, bakit di ko napigilan ang aking damdamin, mamatay ako pag nawala sya sa buhay ko!" Sabi ni Benedict habang umiinom ng alak sa kanyang silid, at makalipas ang ilang sandali ay lumabas sya ng silid at pinuntahan nya ang silid ni Faith at nakita nyang may isang guard na nagbabantay dito, pinapaalis nya ang guard.

"Sir bawal!" sabi ng guard.
Nakandado ang silid at nasa guard ang susi.

"Maaari bang lumayo ka muna!" sabi ni Benedict sa guard.

Walang nagawa ang guard at bahagyang lumayo ito ngunit nakatingin sya sa pinto.

Naupo si Benedict sa may pintuan at kinatok nya ito. Narinig ni Faith ang boses ni Benedict at naupo si Faith sa may pinto at sila ay nag usap, tanging pinto lamang ang kanilang pagitan.

"Faith!"

"Benedict!"

"Patawarin mo ako Faith!"

"Bakit natin nagawa to Benedict, natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin!" Umiiyak na sabi ni Faith.

"Di ko napigilan ang aking sarili, mahal na mahal kita Faith!"

"Mahal din kita Benedict ngunit natatakot ako, ano yung sinasabi nila?"

"Basta kahit ano mangyari hindi kita iiwan."

Parehong nakadikit ang kanilang mga pisngi sa magkabilang pintuan at ramdam nila ang pagmamahal sa isa't isa.

Makalipas ang ilang sandali ay nakatulog sila ng nakasandal sa pintuan. At doon nakatulog si Benedict sa labas ng pintuan.

Nilapitan ito ng mga guard at pinagtulungan nilang dalhin sa kanyang silid.

.........

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now