Chapter 58

1.2K 59 6
                                    

"Kailangan na nating umalis ngayon, balita ko ay pinag hahanap na tayo ng mga pulis! Baka matunton tayo!" kinakabahang sabi ni Andrei kay Page.

"Hindi tayo aalis hangga't di ko nalalaman kung bakit may nagpapakita sa akin! Nasaan na ang pera?" Tanong ni Page.

"Hawak ko lahat, Page umalis na tayo!"

"Hindi, kailangan maisoli na natin ang lahat ng yan, at ang clutch bag na ito!"

"Bakit? wala namang laman na pera yan ah? Itapon mo na lang 'yan!"

"Pero may mga talutot sa loob nito, at di sila nalalanta, baka may ibig sabihin ang mga talutot na to, kailangang maibalik ko to!"

"Haha! Ano naman ang kaugnayan nun? tara na umalis na tayo, iwan mo na dito 'yan!"

"Hindi maaari, nanaginip ako kagabi, hinahanap ito nung lalaking pinagnakawan mo, kailangang maisoli ito sa kanya."

"Para ano pa, kapag sinoli mo yan ay mahuhuli tayo."

...

"Marami na bang mga bisita?" tanong ni Donya Matilda sa mga katiwala habang inaayusan ito ng mga stylist.

"Opo Senyora nagdadatingan na po."

...

Naka ckeck in sila sa Sapphire View Hotel.

"Ito na ang pagkakataon na ipapakilala ko ang aking mga anak sa mga tao, excited na ako." Masayang sabi ni Don Pablo kay Donya Matilda habang inaayusan sila ng mga stylist sa kanilang suite.

Sa silid naman ni Benedict ay magkasama sila ni Faith,inaayusan din sila ng mga stylist.Nakasuot si Benedict ng magandang terno na lalong bumagay sa kanyang makisig na kaanyuan.Si Faith naman ay naka long gown na strapless na color aqua blue at lalo syang gumanda sa kanyang suot.Hinawakan ni Benedict si Faith sa kaniyang kamay.

"Kinakabahan ako Faith, ngayon ko lang masusubukan ito."

"Huwag kang mag alala masasanay ka rin na makisalamuha sa mga tao ok," nakangiting sabi ni Faith at hinalikan siya ni Benedict.

Maya maya ay nag ring ang cellphone ni Faith.Tumatawag ang kanyang kaibigang si Gigi.

"Hello Gigi, nasaan ka na?" Ani Faith sa kausap nya sa kabilang linya.

"Nandito na ako sa lobby, ano ba ang meron, masyadong sosyal ang hotel na ito?"

"Basta, hintayin mo ako dyan at pupuntahan kita." Ani Faith.

Matapos makipag usap ay lumapit sya kay Benedict na masayang inaayusan ng mga stylist.

"Benedict, ininvite ko ang best friend kong si Gigi, ipapakilala kita sa kanya, dito ka na muna at pupuntahan ko sya sa lobby."

"Sasama ako sayo, gusto ko makilala ang kaibigan mo,"

"Talaga, pero baka ayaw pa ng Papa mo na may ibang makakita sayo sa labas?"

"Ok lang yon, wala naman makakita sa akin." Nakangiting sabi ni Benedict.

Lumabas sila ng kanilang silid, ngunit sinusundan sila ng mga bodyguard.

Pagdating nila ng lobby ay nakita ni Faith si Gigi na nakaupo sa couch at may ka text sa kanyang cellphone.

Nang nakalapit si Faith at Benedict kay Gigi.

"Hi Gigi!" Masayang sabi ni Faith at napatingala si Gigi sa kanyang kinauupuan at laking mangha nya dahil napakaganda ni Faith, napatingin naman sya kay Benedict at napalunok ito nang kanya itong nakita, bigla syang napatayo.

"Faith, you look so pretty!" Sabi ni Gigi at napatingin syang muli kay Benedict.

"Who is he?" Manghang sabi ni Gigi habang nakatingin kay Benedict.

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon