Chapter 57

1K 45 1
                                    


Samantala........

Nung gabi na iyon ay hindi Pa rin mawala sa kanyang isipan nang nagpakita ang estatwa ni Kasandra sa kanya.
At nang mga oras na iyon ay nagpakita ito muli sa kanya.

Nakatalungko si Page sa isang sulok at takot na takot.

"Aalis na tayo dito,"

"Ibalik na natin yung mga pera!"

Hindi nakaimik si Andrei at lumabas ito ng bahay.
...

Matapos makipag video call ni Benedict kay Faith ay sinara na nya ang kanyang laptop at binitbit nya ito at dinala sa kanyang silid.

Balak na niyang gamitin ang huling talutot ng benditas ng gabing iyon.

"Gagamitin ko na ang huling talutot ng benditas na 'yon." Nakangiting sabi ni Benedict sa kanyang loob.

At nang kanyang inangat ang unan ay.........

FLASHBACK 10 minutes ago...

Hawak ni Dominic ang huling talutot ng benditas ni Benedict.

At kanya itong minamasdan.Nagbabalak na niya itong kunin ngunit, bigla nyang naalala ang nakaraan nila ni Benedict nung sila ay maliliit pa.Lagi silang magkasama sa lungkot at ligaya.

Kaya nagbago na ang kanyang isip.

"Hindi para sa akin ito, kailangan kong tanggapin ang aking kapalaran!"

Sabi sa kanyang sarili at kanyang ibinalik ang huling talutot sa ilalim ng unan ni Benedict at nilisan ang silid nito.

FLASHBACK END

At nang mahawakan ni Benedict ang huling talutot ay naligo ito sa bath tub at ginamit ang huling talutot.

...

Gabi ng Kaarawan ng kambal...Sa Sapphire View Hotel.

Abala ang lahat sa gaganapin na pagdiriwang ng kanilang ika 21 na kaarawan.

Nagdaratingan na ang mga mayayamang kaibigan nila Don Pablo.

...

Samantala, sa bahay nila Andrei...

Tuliro pa din si Page at nangangamba sa tuwing sasapit ang gabi.

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now