Chapter 47

2.1K 64 6
                                    

Makalipas ang ilang sandali ay nagising si Dominic at pinuntahan nya ang silid ni Faith.

Kinatok nya ang pintuan at naalimpungatan si Faith, akala nya ay si Benedict pa din ito.

"Benedict?" Malumanay na sabi ni Faith.

Nalungkot si Dominic sa sinabi ni Faith dahil hindi sya ang hinahanap nito.

Napaatras si Dominic sa pinto.

"Benedict ilabas mo na ako dito please!" Nakikiusap na sabi ni Faith.

"Mahal mo ba ako?" Tanong ni Dominic.

"Mahal na mahal kita, ikaw lang Benedict wala ng iba pa." Umiiyak na sabi ni Faith.

Umalis pansamantala si Dominic at maya maya pa'y bumalik ulit ito. Nais nyang buksan ang pintuan ngunit nakabantay ang guard. Habang nakatalikod ang guard, agad nyang sinunggaban ito at tinakpan ang mukha nito ng panyo na may pampatulog. At agad nawalan ng malay ito. Kinuha nya ang susi sa bulsa nito. Binuksan agad nito ang pinto, at doon ay nakita nyang nakahiga sa kama si Faith.

"Faith?" Sabi ni Dominic at napadilat si Faith.

"Benedict?" Sabi ni Faith, inaakala nyang si Benedict ito dahil kulay blue ang kanyang mga mata, ngunit naglagay lamang ito ng contact lenses para mapagkamalan syang si Benedict.

"Benedict!" Sabi ni Faith at sila ay nagyakapan.

"Halika na sumama ka na sa akin aalis na tayo dito, ipapatay ka ng papa!" Nagmamadaling sabi ni Dominic.

At nagmadali silang lumabas ng silid, nagtungo sila sa isang lihim na silid kung saan maraming pera ang nakatago doon, at kumuha si Dominic ng napakaraming pera at nilagay sa kanyang duffel bag. Namangha si Faith nang nakita nya ang silid na puno ng mga pera at alahas.

At matapos nitong makakuha ay hinawakan nya ang kamay ni Faith at sila ay lumabas, pinuntahan nila ang piloto ng helicopter na si Victor.

"Dalhin mo kami sa Maynila!" Nagmamadaling sabi ni Dominic, at walang nagawa si Victor kaya inihatid nya ang mga ito hanggang doon.

........

Naglanding ang helicopter sa rooftop ng kanilang twin tower.

Nang nalaman ng mga pamunuan ng Twin Tower na may paparating na helicopter, alam nila na ito ay walang iba kundi si Don Pablo.  Kaya nag abang ang mga ito sa roof top at inaabangan nilang lumapag ito.

"Biglaan ang pagdating ngayon ni Don Pablo, madaling araw pa lang,"
Nagtatakang wika ng isang katiwala.

Nakatingala ang may sampung katiwala na nag aabang sa kanilang paglapag.
At nang nakalapag ang helicopter ay sinalubong sila ng mga ito. Ngunit laking gulat nila nang nakita nilang hindi ito si Don Pablo walang iba kundi si Dominic kasama si Faith.

"Welcome po Sir Dominic!" sabi ng mga katiwala at napatingin sila kay Faith na nakasuot ng puting mahabang kamison  at nakabalabal ng silk na shoal.

Bahagya lamang silang nginitian ni Dominic.

"Ihatid nyo kami sa labas!" sabi
ni Dominic at agad naman silang inalalayan ng mga ito patungo sa labas ng twin tower.
Habang naglalakad sila Dominic ay naglilingunan at nagyuyukuan bilang pagbibigay galang ang mga taong nakakakita sa kanila sa loob ng twin tower.

"Hindi tayo maaaring magtagal dito, siguradong susundan tayo ng Papa," bulong ni Dominic kay Faith habang hawak nya ang kamay nito, at nang sila ay nakalabas ng twin tower ay sinabihan nya ang mga katiwala na itawag sila ng Taxi.

"Sir padating na ang limousine para ihatid kayo kung saan nyo nais pumunta." magalang na sabi ng isang kagalang galang na katiwalang lalaki.

"Hindi na kailangan! Tumawag ka ng taxi ngayon din!"

Walang nagawa ang mga katiwala at tumawag agad ng taxi.

At nang sila ay nakasakay.

"Saan po kayo Sir?" Tanong ng Driver.

"Saan ba ang may pinaka magandang hotel dito?"

"Sa pinakamahal na hotel Sir?"

"Saan?"

"Sa Saphire View Hotel po."

"Doon mo kami dalhin!" Nagmamadaling sabi ni Dominic.

At inihatid sila nito sa Saphire View hotel.

Pagdating nila doob ay napatingala si Faith sa malaking Hotel na iyon at nag tuloy agad sila sa loob nito.

"Saan ang elevator?" tanong ni Dominic kay Faith.

"Teka lang, kailangan na muna natin pumunta sa counter."

"Counter?"

At nag punta sila sa counter para mag check in.

"Good Afternoon Sir! What room do you prefer?" Sabi ng personel.

"Yung pinakamalaking silid."

"Sa Penthouse Sir, pinakamalaking room,"

At nagbayad agad si Dominic.

Sumakay sila ng elevator

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon