Chapter 61

1.1K 52 8
                                    


Nang sila ay nasa loob na ng isang bakanteng Function Room.

"Anong gagawin natin? Magpapakita na ba ang Estatwa na yon? Kukunin na nya si Dominic?" Nag aalalang sabi ni Donya Matilda.

Tinawagan ni Don Pablo si Valentino.

"Ano ang aming gagawin ngayon?" Tanong ni Don Pablo kay Valentino na nasa kabilang linya.

"Nandito na ako sa elevator hintayin ninyo ako." Sabi ni Valentino.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ng silid na iyon si Valentino.

"Ang ating gagawin ay maghintay sa pagdating ng estatwa, kapag huminto ang tugtog ng piano ay kailangan na magtago ni Dominic at si Benedict ang dapat humarap sa estatwa."

"Papano kung si Benedict naman ang kunin?" Nag aalalang tanong naman ni Faith.

"Huwag kayo mag alala, hindi  makukuha si Benedict dahil si Dominic ang may hawak ng kambal na bulaklak."

"Sigurado kang di makukuha si Benedict, gumamit din sya ng Benditas?" Tanong naman ni Donya Matilda.

"Kahit Gumamit si Benedict ng Benditas ay di sya masusundan dahil walang kasamang enigma nang ginamit nya ang benditas, samantalang si Dominic ay pareho nyang hawak ito."

"Gaya ng sabi ko, kailangang mapagkamalan ng estatwa si Benedict na si Dominic, upang habang inaakala nya ito ay magkakaroon ng oportunidad si Dominic na masabuyan ng banal na tubig ang estatwa na yun!"

"Makikita din ba namin ang estatwa?"

"Maaari, depende sa estatwa kung nanaisin niya ito,"

"Kung gayon ay maghintay at maghanda na tayo!" Sabi ni Don Pablo at sila ay naghintay.

......

Tinawagan mismo ni Don Pablo ang management ng hotel, at sinabing rerentahan nito ang function room na iyon. Sinabihan nya rin ang mga bodyguard na magbantay sa labas ng Function room kung saan sila naroon at bawal magpapasok nang kahit sino.
Nakabantay ang isang dosenang bodyguard ni Don Pablo sa labas ng pintuan ng Function room.

Samantala sa loob ...

Kabado ang lahat sa pagdating ng Estatwa ni Kasandra.
Nakaupo si Dominic sa isang sulok at ito ay balisa habang naririnig ang tugtog ng piano.
Magkahawak naman ng kamay si Benedict at Faith.
Magkakasama naman si Don Pablo, Matilda at Kardo sa isang tabi.

"Natatakot ako," kinakabahang sabi ni Donya Matilda.

"Kaya mo bang manatili at masaksihan ang magaganap?" Tanong ni Don Pablo.

Hindi makakibo si Donya Matilda.

"Maaari ka namang umalis at bumalik sa party, o di kaya sa ating silid, nag aalala akong matakot ka,"

Biglang sumagot si Donya Matilda.

"Hindi! Gusto ko masaksihan ang lahat! Hindi ako mappalagay kung iiwan ko kayo, hayaan mo ako na dumito,"

"Ikaw ang masusunod, nag aalala lamang ako na baka di mo makayanan ang katatakutan na magaganap,"

"Kailangan kong kayanin, di tayo pababayaan ng panginoong Diyos," sabi ni Donya Matilda.

...

Makalipas ang ilang sandali, patuloy pa rin ang tugtog ng piano, naririnig pa din ito ni Dominic.

Do mi fa la la

"Naririnig ko pa rin ang nakakakilabot na tunog!" Takot na sabi ni Dominic.

Sinabi ni Valentino na kailangan nila magtago lahat sa ilalim ng lamesa at si Benedict lamang ang maiiwan sa gitna.

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now