Chapter 13

2.6K 65 0
                                    

"Pero bakit?"

Nagtatakang sabi ni Faith.

"Hindi ka na kailangan dito, maaari ka ng bumalik kung saan ka man galing!"..

"Benedict, please huwag mo akong paalisin, gagawin ko lahat ng aking makakaya para sa inyo ni Dominic, marami pa akong ituturo sa inyo, gusto ko kayong makahalubilo."

"Hindi na kailangan Faith, umalis ka na!"

At nilapitan sya ni Benedict at hinatak ang kanyang kamay papalabas ng pinto.

At umiiyak si Faith ng sya ay nakalabas, nakita sya ni Mang Kardo.

"Ano ang sabi nya sayo?"

"Pinapaalis na nya ako mang Kardo, aalis na ako!" At nag iiyak na tumakbo papalayo si Faith.
Pagpasok naman ng silid ni Kardo.

"Benedict bakit mo nagawa yon?"

"Hindi ko kayang sabihin, mas mabuti ng hindi ko na lang sya makita!"

"Kung yan ang iyong kagustuhan ay wala na akong magagawa."

Maya maya ay dumating naman si Matilda.

"Anak, bakit aalis na si Faith ano ang ginawa mo?"

"Ayoko sa kanya mama!"

"At papano naman si Dominic."

"Basta paalisin nyo na sya!"

Pilit na kinakausap ni Kardo at Matilda si Benedict ngunit hindi nila ito nakumbinsi, kaya walang nagawa si Matilda at pina alis na nya si Faith.

"Pasensya na Faith, wala na akong magagawa, huwag kang mag alala, ibibigay ko ng buo ang sweldo mo, at bibigyan pa kita ng extra, pero kung sakaling naging ok na si Benedict maaari ka bang bumalik ulit dito?"

"Ah hindi ko po alam pero para po kay Dominic ay babalik ako kung kailangan ninyo ako."

Ng sinabi ito ni Faith ay nagkaroon ng idea si Matilda.

"Faith halika na muna sandali at may sasabihin ako sayo."

"Ano po yon?"

Nagtungo sila sa may veranda,

"Binata na ang aking mga anak, at alam kong naaakit sila sayo."

"Po?"

"Kagaya din sila ng mga kabataan na gustong magkaroon ng girlfriend, ngunit sa itsura nila ay malabo itong mangyari."

"Malay nyo naman po ay makatagpo din sila ng gusto nila at magmamahal din sa kanila." Sabi ni Faith at tiningnan sya ni Matilda.

"Maaari mo bang mahalin ang isa sa aking kambal?"

Ng sinabi ito ni Matilda ay nagbago ang emosyon ng mukha at hindi makakibo si Faith.

"Faith tinatanong kita?"

"E senyora, hindi ko alam, sa ngayon ay di ko po kayo masasagot dahil parang kapatid ang tingin ko sa kanila."

"Hmn, safe answer, pero di na ako mag papaligoy ligoy pa."

"Ano po yon?"

"Bibigyan kita ng sampung milyong piso o mas higit pa, ibigin mo lamang ang isa sa kanila."

"Po?" Manghang sabi ni Faith.

"Ang halagang iyon ay mababago ang buhay ng pamilya mo, matututunan mo din mahalin ang isa sa kanila."

"Pero hindi ko po kayang gawin yon."

"Faith, konting pagmamahal lang ang pakiusap ko sayo."

"Pero wala po akong nararamdaman na pagmamahal, bilang kaibigan o kapatid ay meron po, pero bilang kasintahan ay wala po."

"Dodoblehin ko, o magkano ang gusto mo, name your price?"

Hindi makakibo si Faith, ito na ang pagkakataon na magbago ang kanyang buhay ngunit hindi nya kayang tanggapin.

"Masyado pong mabilis, hindi po minamadali ang pagmamahal."

"Kung gayon ay maaari ka ng umalis sa mansion na ito, at sabihan mo lamang si Lorena kung nakapag desisyon ka na, umalis ka na Faith!"

At yumuko si Faith para magbigay galang at sya ay umalis na ng mansion na iyon, hinatid sya ng isang katiwala hanggang Maynila.

Kinabukasan sa pag gising ni Dominic ay hinanap nya si Faith ngunit wala na ito.

At labis syang nalungkot.

........

Nang nasa bahay na si Faith.

"Anak ano ba ang dahilan at wala pang isang buwan sa trabaho mo?" Tanong ng nanay nya.

"Nay pinaalis na ako ng may ari, Si Donya Matilda."

"Ano ang dahilan?"

"Sabi nya mahalin ko daw ang isa sa kambal at bibigyan nya ako ng malaking halaga!"

"Ano?"

"Opo, bibigyan nya ako ng 10milyon o mas higit pa."

"O e aba maganda yun, kesa naman makapag asawa ka ng kung sino lang."

"Pero nay hindi normal ang kambal."

"Anong ibig mong sabihin?"

"May kapansanan sila, hindi normal ang itsura nila at wala akong nararamdaman, parang kapatid ang tingin ko sa kanila."

"Ganon ba? Mahirap nga ang ganyan anak, aanhin mo ang malaking salapi kung wala ka naman nararamdaman sa mapapangasawa mo, napakahirap nun."

"Yun nga po nay, tsaka nagmamadali si Donya Matilda, hindi naman agad natuturuan ang puso."

"Napakayaman naman pala ng mga amo mo."

"Oo nay, napakalaki ng mansion nila, parang palasyo at ang ganda, para nga akong nasa movie kapag nandoon ako eh, sayang nag eenjoy na ako magtrabaho doon dahil mabait si Dominic ang isa sa kambal, si Benedict lang ang mailap at lagi akong inaaway, pero nakakaya ko naman."

"Maghanap ka na lang ng iba anak, hindi para sayo ang trabaho na yan, syanga pala nakita ko si Brenton sa grocery kanina kinakamusta ka nya."

"Ah si Brenton, nay hiwalay na kami."

"Malay mo magkabalikan kayo."

Lumabas ng silid ang kanyang ina at nahiga si Faith sa kanyang higaan at naalala nya ang mga araw na sya ay nasa mansion.

"Sayang masaya na ako kayalang si Benedict, bakit ayaw nya sa akin?" Sabi nya sa kanyang loob,

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon