Chapter 21

2.4K 59 2
                                    


Sumunod na araw, Bumaba ng kanilang penthouse ang mag ama para ipasyal si Dominic kasama ng mga bodyguard, habang naglalakad sila sa lobby ng condo ay nagtitinginan ang mga staff ni Don Pablo.

"Napakaguwapo naman po nya!" Kinikilig na sabi ng mga staff na babae ni Don Pablo.

"Haha anak ko yan!" Masayang sabi ni Don Pablo at lumabas sila ng Condo at sumakay sa magarang sasakyan, at ng sila ay nakaalis ay naging usap usapan sila..

"Napakaguwapo pala ng anak ni Don Pablo, ngayon lang nya pinakita!" Sabi ng isang babae.

"Oo nga, siguro galing sa ibang bansa kaya ngayon lang natin nakita." Sabi naman ng isang lalaking staff.

"Sya pala si Dominic, saan naman kaya yung isa ..... si Benedict?" Sabi naman ng isa.

"Sa kanila nakapangalan ang Twin Tower ni Don Pablo."

"Hmn may girlfriend na kaya sya?" Sabi ng isang staff ....... At patuloy nila itong pinag usapan.

......

Sumunod pang mga araw ay walang ginawa si Dominic kundi mamasyal at magshopping kasama si Don Pablo at ng mga body guard.

Sabik si Dominic na mamili ng sariling gamit, may mga personal couturier na nag aassist kay Dominic kapag namimili ng damit ito para maging maganda ang mapipiling damit na lalong babagay sa kanyang kakisigan.

Habang nasa malaking mall sila ay tumawag ang katiwala sa cellphone ni Don Pablo at pinapasabi ni Matilda na bumalik na sila ni Dominic ng mansion.At matapos makipag usap ay hinarap naman nya si Dominic na abalang inaayusan ng mga couturier.

"Anak, kailangan nating makabalik ng mansion bukas."

"Papa, sabi ko sa inyo ayoko na muna umuwi doon diba?."

"Ah oo nga pala, bueno, ako na lamang ang uuwi at maiwan ka na muna, ang mga bodyguard mo na muna ang bahala sayo."

"Ok lang ako Papa."

.........

Kinabukasan ay bumalik mag isa ng mansion si Pablo sakay ng helicopter.

At ng nagkita sila ni Matilda ay nag kuwento muli ito tungkol sa nangyari.

"Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari! Pero ito ay nakatadhana, hindi ko akalain na nangyayari ito!"

"Ako nga din, kamusta na si Dominic?"

"Ayun abala sa kakapasyal at shopping."

"Di mo man lang ba pupuntahan si Benedict sa kanyang silid?"

"Ayoko na muna syang makita, gusto ko kung makikita ko sya ay kagaya na sya ni Dominic."

"Ano ka ba naman Pablo, papano kung hindi na mangyayari kay Benedict ang kagaya kay Dominic?"

"Mangyayari yan! Nasan na ang babaeng tinutukoy mo?"

"Hanggang ngayon ay wala pa din, nag aalala na nga ako, pero nakausap ng katiwala natin si Lorena sa telepono nung isang araw pa, nagkasakit daw ang nanay nya kaya di pa sya nakakabalik, maghintay lamang daw, sabi ngayon na daw babalik."

"Sana yung babae na lang ang pumunta dito?"

"Eh yun nga din ang sabi ko pero ayaw daw ng babae na wala si Lorena eh."

"Ano ba ang pangalan ng babaeng iyon?"

"Hmn Jonah ata ang pangalan."

Samantala sa silid ni Benedict ay may mga katiwala na pumasok sa loob ng kanyang silid at pinag sisilbihan sya ng mga ito ngunit naging mailap si Benedict sa kanila.

"Lumabas kayo dito! Hindi ko kailangan ng kahit sinong tao dito, labas kayo!" Galit na sabi ni benedict sa mga babaeng katiwala at lahat ay natakot at naglabasan ang mga ito, at si Kardo naman ang pumasok.

"Iho bakit mo naman sila pinalabas?"

"Ayokong may nag sisilbi sa akin, wala akong sakit!"

"Huwag ka na magalit, ako na lamang ang laging titingin sayo."

"Bakit kailangan pa akong tingnan hindi na ako bata!"

"Benedict hindi naman sa ganon, ..... syanga pala dumating na ang iyong papa."

"Alam ko! Kaninang umaga pa sya dumating pero ni minsan ay di man lang nya ako pinuntahan dito, wala syang kuwenta!"

"Mamayang dinner makikita mo din sya."

"Hindi ako interesado na makita pa sya, hindi ako kakain doon!"

Maya maya ay pumasok si Matilda at nakita nyang galit na naman si Benedict.

"Benedict anak, ano na naman ba ito?"

Tumahimik si Benedict at binuksan nya ang laptop na walang internet at nag laro ng games, ngunit bigla nyang binato ang laptop sa pader at nawasak ito , nagulat si Kardo at Matilda sa kanyang ginawa.

"Benedict!"

"Walang silbi yang laptop na yan! Sawa na ako sa mga nakalagay dyan!"

Walang magawa si Matilda sa inasal ni Benedict.

"Maghintay tayo anak at magiging kagaya mo rin si Dominic."

At ng narinig ni Benedict ang pangalan ng kapatid ay lalong nanlisik ang mga mata nito sa galit.

"Papano kayo nakakasiguro? Sige si Dominic na lang ang anak ninyo, normal na ang anyo nya, at ako na lamang ang ikakahiya ninyo ng papa!"

"Anak, huwag mong iisipin yan, darating na si Lorena at malapit ka na din maging kagaya nya,"

Nagtungo ng kama si Benedict at nagtalukbong ng kumot.

"Kardo, ikaw na muna ang bahala sa kanya." Sabi ni Matilda at lumabas ito ng silid at kinomfort naman ni Kardo ito.

.........

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now