Chapter 11

2.5K 69 3
                                    


Kinabukasan ay pinuntahan nya si Lorena sa bahay nito, nag hahanda na itong bumalik ng mansion, ilang araw lamang sya nag bakasyon.      

"Babalik ulit ako, mag iingat po kayo dito ha?" Sabi ni Lorena sa kanyang magulang.

"O sige anak." Masayang sabi ng kanyang ina.

"Nandyan na po ang taxi!" Sabi ng pamangkin nyang lalaki.

"O sya sige at aalis na ako." Masayang sabi ni Lorena at nang sasakay na sya ng taxi ay nakita niyang humahabol si Jonah.

"Lorena sandali lang!"

Napalingon ito kay Jonah.

"Jonah?"

"Maaari ba na sumama ako sayo?"

"Pero hindi maaari, at bakit naman?"

"May gusto sana akong ibenta sa amo mo."

"Ano ba yun?"

Binulungan sya ni Jonah.

"Ano? Totoo ba yang sinabi mo?"

"Oo."

"Pero mahirap paniwalaan yang sinasabi mo, wala na akong oras aalis na ako." Sabi ni Lorena at sumakay na ito ng taxi, walang nagawa si Jonah at hinayaan na nyang makaalis si Lorena.

Habang nakasakay ng taxi si Lorena ay tumawag si Don Pablo sa kanya.

"Pabalik na po ako sa mansion ngayon, papunta na po ako sa building po ninyo para sumakay ng helicopter."

May sinabi sa kanya si Don Pablo na nasa kabilang linya.

"Opo Don Pablo, ako na po ang bahala." Matapos makipag usap ay namroblema sya sa sinabi ni Don Pablo.

"Ano ba yan pinapapunta pa nya ako kay Dr. Ariel, hay." Sabi nya sa kanyang sarili.

"Mamang driver, sa Roxas na po muna ninyo ako dalhin may pupuntahan lang ako sandali."

"Ok po mam!" Sabi naman ng driver.

Tinawagan nya ang doktor na binanggit ni Don Pablo, kilala nya ito dahil madalas itong nagpupunta sa mansion para suriin ang kambal.

"Hello Doc Ariel, ako po si Lorena, mayordoma sa mansion ni Don Pablo, papunta po ako sa clinic nyo may pinapakuha po si Don Pablo."

Sabi ni Lorena sa kausap nya sa kabilang linya, gamit ang kanyang iphone habang umaandar ang taxi.

<Wala ako ngayon sa clinic, at yung inorder nyang mga injectible na glutha para sa kambal ay out of stock, pasensya na akala kasi ng aking sekretarya ay mayroon pa, sya ang nakausap ni Don Pablo kaninang umaga, tinatawagan ko si Sir pero naka off ang cellphone nya."

"Ganon po ba, sige po Doc sasabihin ko na lamang kay Don Pablo."

Tinawagan agad ni Lorena si Don Pablo ngunit naka off na ang cellphone nito.

"Ano ba to? Papano kaya? Baka magalit si Don Pablo pag nalaman nyang umalis agad ako ng walang dalang glutha?" Namomroblema na sabi ni Lorena sa kanyang loob.

"Ano ba kasi gagawin ng kambal sa Gluta? Ah alam ko na, gusto siguro ni Don Pablo na pumuti ang kambal, wala na pag asa yung mga yun,"

At biglang naalala nya si Jonah.

"Ano kaya kung yung sinasabi ni jonah ang dalhin ko? kayalang baka di naman totoo yun, pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan." Sabi nya sa kanyang loob at nag desisyon syang puntahan si Jonah.

"Mamang driver, pasensya na, ibalik ninyo ako sa may banda sa amin."

"Ok po mam!" Magalang na sabi naman ng driver at nag U-turn ito.

Nang nakabalik sa kanilang lugar ay nakita nya si Jonah na balisang naglalakad.

"Jonah!" Sabi ni Lorena habang nakadungaw sa bintana ng taxing sinasakyan.

Napalingon si Jonah sa kanya.

"Lorena?" Napangiting sabi nito.

"Sige sumama ka na sa akin, dala mo ba ang sinasabi mong benditas?"

"Oo, naghahanap nga ako ng mabebentahan eh."

"Tara sumakay ka na dito!" Nakangiting sabi ni Lorena at sumakay naman si Jonah.

Pagkasakay nito ng taxi.

"Salamat, mabuti naman at nagbago ang isip mo, bakit mo ito naisipan?"

"Ewan ko ba kung bakit? Pero sigurado ka ba sa mga sinabi mo sa akin, totoo bang nakakapagpaganda yan?"

"Oo, nangyari na sa aking anak ito."

"Nasaan na nga pala si Myrtle?" Tanong ni Lorena ngunit di agad nakasagot si Jonah.

"Ha eh, nasa abroad na sya."

"Ganon ba, eh bakit di ka sinama?"

"Ah hindi pa pwede, pero balang araw papapuntahin din nya ako doon." Pagsisinungaling ni Jonah.

"Hmm ganon ba,"

"Siguradong magugustuhan ito ng amo mo, gaganda ng walang katulad."

"Siguraduhin mo lang na may talab yan ha."

"Oo sigurado to."

"Kapag di tumalab wala kang matatanggap na bayad,"

"Nauunawaan ko."

.......

At nakarating sila ng mansion.

Dinala ni Lorena si Jonah sa kanyang silid,

"Ang ganda naman ng mansion na ito parang palasyo at ito ba ang kuwarto mo, mag isa ka lang dito?"

"Dalawa kami dito kayalang nagbakasyon ang kasama ko , magtatagal pa bago bumalik, yung ibang katiwala lima sila sa isang kuwarto, ......... pero sana ay totoo ang mga benditas na yan."

"Oo tiyak ko na totoo ito, kitang kita ko ang itsura ni Myrtle, di matatawaran ang kangandahan ng aking anak, walang katulad, at alam mo ba hindi lang pampaganda ito, may isa pa itong kapangyarihan!"

"Talaga? Ano?"

"Ang makakahaplos sa gumamit ng benditas ay mapapaibig ng wagas!"

"Totoo ba talaga yan?"

"Oo totoo talaga ito."

"Kung talagang totoo, bakit di mo gamitin sa sarili mo, bakit binebenta mo? Kasi kung totoo yan aba e di tatamasahin mo ang gandang walang katulad?"

"Pero mas kailangan ko ng malaking halaga, gusto namin ni Fred na mag stay na sa ibang bansa for good, di ko na kailangan ang gandang walang katulad baka magkahiwalay pa kami ng asawa ko."

"Hmn kungsabagay, ano kaya kung ako na lang ang bibili nyan?"

"Mahal kong binebenta ito, tiyak di mo kakayanin."

"Magkano?"

"Basta hindi mo kayang bilhin, pinaghirapan itong kunin ng asawa ko."

"Saan mo ba nakuha yan?"

"Secret."

"Well dito ka na muna, may pagkain dyan sa ref, initin mo na lang sa microwave oven."

"Salamat kanina pa nga ako nagugutom eh."

"O sya sige, dito ka na muna at kakausapin ko si Donya Matilda."

...........

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now