Chapter 4

3.1K 86 2
                                    


Araw ng pagdating ni Faith sa Mansion.      

Bandang hapon, nasa helicopter na si Faith na may pinaghalong excitement at kaba.

"Ano kaya ang kakahinatnan ko, parang kinakabahan ako?" Sabi ni Faith sa kanyang loob, parang naiisip nya na nagpadalos dalos sya ng desisyon.  

Makalipas ang higit dalawang oras na byahe ay nakababa na ang helicopter sa bakuran ng mansion at sinalubong sya ng mga katiwala at ng mayordomang si Lorena.

"Ikaw ba si Faith Lorenzo?" Sabi ni Lorena.

"Opo ako nga po, ito po ang aking ID."

"Sumunod ka sa akin."

Pagpasok ni Faith ng Malaking mansion ay namangha si Faith pagpasok nya sa loob nito, pinagmamasdan nya ang magandang kapaligiran, materyales fuertes ang mga kagamitan na gaya ng mga napapanood nya sa mga hollywood movies, panay ang gala ng mga mata ni Faith sa paligid at para syang nananaginip na nasa ganoong lugar sya.

"Napakaganda dito, ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko, para akong nasa loob ng movie!" Sabi ni Faith sa kanyang loob habang nakasunod sya sa mayordomang si Lorena.

"Hindi kita maililibot sa buong mansion ngayong araw na ito dahil sa sobrang laki nito ay kukulangan ang ating oras, kung ano ang madaanaan natin ay yun na lamang muna ang maipapakita ko sayo."

"Ah ok lang po yun, madam Lorena."

Naglakad sila sa loob ng mansion at may nadadaanan silang mga bukas na malalaking silid.

"Yan ang music room, dito nag papractice ang kambal umawit, mag piano etc.. May mga pili na music teacher na nagpupunta dito para lang turuan sila." Sabi ni Lorena habang pinasilip sa kanya ang music room.

May grand piano sa itaas na parang stage at may iba't ibang musical instrument na naka display at may table and chairs at magandang couch, maraming mga decorative light, makintab na Europian wooden floor at may magandang bintana na salamin.

"Wow ang ganda!." Sabi ni Faith sa kanyang loob.

Habang naglalakad sila sa magandang mansion ay nadaanaan naman nila ang library.

"Dito naman ang library, mahilig magbasa ang kambal ng libro, kaya laging nagdadala sila Don Pablo at Donya Matilda ng mga bagong libro para pag kaabalahan ng kambal."

Malaki ang library at maayos na nakalagay ang mga libro sa mga book shelves, may malaking German table sa gitna at magandang upuan, may mga lampshades sa bawat sulok ng silid at may mga malalaking frame na ginuhit pa ng mga tanyag na painter sa mundo.

Sumunod ay pinasilip naman kay Faith ang study room at painting room.

At namamangha si Faith sa kanyang nakikita.

"Sa ngayon ay hanggang dito na muna ang ipapakita ko sayo, marami pa kasi akong aasikasuhin, at gusto kong malaman mo na nandito ngayon ang may ari ng mansion."

"Madalas po ba sila wala?"

"Hmm oo, bihira lamang sila magpunta dito, 5 times a year lang at ilang araw lang ang nilalagi nila dito."

"Ah ganon po ba?" Kahit nagtataka kung bakit ay di na sya nagtanong.

"Nabanggit na marahil sayo na kambal ang iyong aalagaan?"

"Ah opo!"

"Nasabi na rin ba sayo na ang iyong aalagaan ay may kakaibang anyo?"

Nang narinig ito ni Faith ay kinabahan sya.

"Po?" Biglang kinabahang sabi ni Faith.

"Ah oo nga pala, hindi nga pala namin pina alam sa agency ang itsura ng aalagan mo."

"Bakit po ano po ba ang itsura nila?" Kabadong tanong ni Faith.

"Malalaman mo yan kapag nakilala mo na sila, ngunit pinapauna ko na sayo na hindi normal ang itsura nila kumpara sa mga normal na tao, ngunit huwag ka mag alala mababait sila."

Umakyat ng grand staircase si Lorena at kabadong sumusunod sa kanya si Faith.

"Maaari mong hatiin ang iyong oras sa kanila, kailangan nila ng iyong gabay para hindi sila mainip at turuan ng tamang asal, ang gusto nila Donya Matilda ay isang tao lamang ang titingin sa kanila, dahil ayaw ng kambal na marami ang nakakakita sa kanila, ngunit maraming katiwala ang nasa lugar na ito, nasa isang daan tayo mahigit na nagkalat sa buong mansion ngunit iilan lamang ang nakakakita sa kambal, may mga lihim na lugar dito na hindi maaaring pasukin ninoman pwera lang kung may pahintulot.

Nang naririnig ito ni Faith ay napapalunok na lamang sya.

"Ano kaya itsura ng kambal na iyon, baka nakakatakot, my gosh ano ba ang pinasok kong ito?" Sabi nya sa kanyang loob.

"Pero kailangan kong harapin to, bihira lang itong pagkakataon ko na to, pipilitin kong magawa ko ang aking tungkulin." Patuloy na sabi ni Faith sa kanyang loob.

"Ikaw lamang ang bukod tanging makakasama ng pamilya sa hapag kainan."

Patuloy na sabi ni Lorena at naglakad sila sa isang mahabang hallway, at kumanan, may mga pillar at may nadadaanan silang magagandang palamuti at maluwang ang space na puno ng magagandang couch lampshades at iba pa.

At doon ay may isang pintuan na nilapitan si Lorena.

"Ito ang iyong magiging silid!" Naka giting sabi nito kay Faith.

"Aking silid?"

"Oo, may sarili kang silid." Sabi ni Lorena habang binubuksan nya ng susi ang doorknob ng pinto.At ng ito ay nagbukas ay namangha si Faith sa mala prinsesang interior ng silid na iyon.

May malaking kama na malambot na may takip na comforter na color pink, full carpeted ang sahig na galing pa ng ibang bansa at may malaking tukador, at maraming mga naka display na mga branded na make up, pabango , suklay, hairbrush etc.

May sala set sa isang tabi at mayroon ding magandang table na may pang apatan na upuan, at malaki ang bintana na may magandang kurtina na gaya ng nakikita sa palasyo.

"Ito ang magiging silid ko?" Manghang sabi ni Faith.

"Nagustuhan mo ba?"

"Napakaganda para akong nananaginip!"

"Alam mo pangarap ng mag asawa na mag kaanak ng babae, ngunit mula ng isinilang ang kambal ay nag ka phobia na si Donya Matilda."

"Bakit di po sila nag ampon?"

"Hindi nila gusto mag ampon, ayaw ni Don Pablo na mag ampon ng normal, samantalang ang kanyang totoong anak ay may kapansanan."

"Kaya po ba nagpatayo ng ganitong kalaking mansion sa bundok para sa kambal?."

"Oo, ganon na nga, kaya walang alam ang kambal tungkol sa outside world, nagkakaroon lamang sila ng kaalamanan sa mga napapanood nila sa dvd movie , wala kasing signal dito."

"Napakayaman talaga ng may ari nito."sabi ni Faith habang minamasdan ang paligid ng kanyang magiging silid.

"Isa sila sa pinakamayaman sa buong mundo, nag mamay ari sila ng oil company na pinagkukunan ng iba't ibang bansa, ngunit nag iisa lang si Don Pablo at wala syang mga kapatid, kaya sa kanya lang naipamana lahat ng kayamanan ng kanyang nasirang ama at ina.....

"Hmm."

"May sarili kang toilet and bath sa loob ng silid na ito, doon sa dulo kumaliwa ka lang, at nandoon na din ang iyong walk in closet, magagamit mo lahat ng makikita mong mga damit doon, may mga bagong underwear, sayo na ang lahat ng iyon."

"Maraming salamat po." Naka ngiting sabi ni Faith.

"Magpahinga ka na muna at mamaya ay ipapakilala kita sa kambal, at makikilala mo naman sa dinner si Don Pablo at Donya Matilda." Nakangiting sabi ni Lorena at lumabas na ito ng silid.

At ng mapag isa si Faith.

"My gosh napakaganda dito, feeling ko nasa loob ako ng movie! Kaya lang kinakabahan ako sa kambal, ano kaya itsura nila? Mababait kaya sila? Tsaka yung may ari mabait din kaya sila?, ...... Hay bakit ba kung anu ano iniisip ko? basta gagawin ko trabaho ko, bihira lang to!" Sabi ni Faith sa kanyang loob, at sya ay nahiga sa malambot na kama at sa sobrang pagod sya ay nakatulog.

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon