Chapter 30

2.2K 58 2
                                    


Bandang hapon ay sumakay sila ni Kardo ng taxi at nagtungo sa Twin Tower..

"Bakit laging naka off ang cellphone ni Don Pablo?" Sabi ni Kardo habang nakasakay ng taxi, hanggang nakarating sila sa Twin Tower, ngunit di sila pinapapasok ng guard, tinawagan ulit ni Kardo si Don Pablo ngunit naka off pa din ito.

Habang paulit ulit na dina dial ni Kardo ang kanyang cellphone ay naglakad lakad si Benedict. Tinatakpan nya ang kanyang mukha, at habang sya ay naglalakad ay di sya makapaniwala nang nakita nya si Faith, at nakita nyang may kasama si Faith na lalaki, si Brenton.
Nakita nyang napakaganda ni Faith, pumasok sila sa isang coffee shop, na nasa loob mismo ng Twin Tower na pag aari ni Don Pablo.

"Brenton, ano ba ang sasabihin mo, baka makita tayo ng girlfriend mo, baka kung ano pa ang isipin?"

"Nasa Hongkong si Briana kaya huwag ka mag alala."

"Ano ba ang sasabihin mo?"

"Gusto ko makipag balikan sayo."

"What?"

"Pwede pa naman diba? Alam ko naman na ako pa din ang nasa puso mo."

"Matapos ang ginawa mo sa akin?"

"Sorry na Faith, mahal kita." Ani Brenton.

Hindi kumikibo si Faith, gusto pa din nya si Brenton pero unti unti na ding nagbabago ang kanyang pakiramdam dito.

At napatingin si Faith sa bintanang salamin at laking gulat nya nang nakita nya si Benedict na nakasilip sa may bintanang salamin.

Napansin sya ni Brenton na may ibang tiningnan.

At nang napalingon sya sa tinitingnan ni Faith ay kinilabutan sya sa kanyang nakita.

"Ano yan?" Nagulat na sabi ni Brenton.

At biglang Tumayo si Faith at lumabas sya ng coffee shop.

At nang nakita ni Benedict na lumabas si Faith ng shop ay bigla syang umatras at pa ika ikang naglakad papunta kay Kardo na abala sa pag tetext.

"Dominic? Benedict?" Sabi ni Faith, di nya malaman kung sino sa kambal ang nandoon.

Napatingin sa kanya si Benedict ngunit yumuko ito at tinakpan ng hoodie ang kanyang mukha, nakita ni Faith si Kardo.

"Mang Kardo, bakit nandito si______"

"Benedict sya si Benedict!" Sabi ni Kardo.

"Kamusta na kayo?"

"Umalis kami sa mansion ng walang paalam."

Nakatingin lamang si Benedict kay Faith.

Pagkasabi nito ni Kardo ay dumating si Brenton.

"Ano ba Faith nag uusap pa tayo, kaano ano mo ba ang halimaw na yan?"

"Pwede ba Brenton!

"Don't tell me na ipagpapalit mo ako dyan?"

"Kung sino ka man, wala kang karapatan sabihan sya ng ganyan." Pagalit na sabi ni Kardo,

"Ok!Tara na Faith!"

At hinatak nya si Faith papalayo kay Benedict na nakatingin sa kanya. Walang nagawa si Faith kundi sumama kay Brenton.

Nagbalik si Kardo sa mga guard at nakikiusap na papasukin sila ng mga ito sa loob upang puntahan si Don Pablo.

"Wala Si Don Pablo dito! At di pwedeng magpapasok ng walang appointment!" Mariing sabi ng mga guard. Mga baguhan ang guard kaya walang nakakakilala kay Kardo.

Nakaramdam ng galit si Benedict at bigla nyang sinugod ang guard.

"Papasukin nyo kami, ako ang may ari ng building na ito ama ko si Pablo Delfonozo!" Galit na sabi ni Benedict.

Hinawakan ng mga guard si Benedict at tinulak sya papalabas. Hindi naniwala ang mga guard sa kanila.

Napasubsob sa kalsada si Benedict at agad syang nilapitan ni Kardo.

"Mananagot kayo kay Don Pablo sa ginagawa nyo, sya si Benedict ang isa sa kambal na nakapangalan sa Twin Tower na ito!" Singhal na sabi ni Kardo ngunit tinawanan lang sya ng mga guard.

"Tara na Benedict, bumalik na lang tayo sa ibang araw."

Sumakay sila ng taxi at nagbalik ng bahay.

Pagdating nila ng bahay ay inasikaso agad ni Kardo si Benedict at nang nakita sya ni Clara ay tumakbo ito sa takot at nagkandado ng pinto.

Napailing na lamang si Kardo sa ginawa nito.

Inalalayan naman ni Minerva si Benedict.

"Ako na ang bahalang mag asikaso sa kanya,"

"Mabuti kung gayon, ikaw na muna ang mag asikaso sa kanya."

At hinawakan ni Minerva ang kamay ni Benedict at naupo sila sa sala.
Walang kamalay malay si Kardo na may nangyari na kay Benedict at Minerva.

"Bakit mo ginagawa sa akin to?" Tanong ni Benedict.

"Mahal na kita Benedict pakasalan mo ako."

Biglang napaatras si Benedict, naisip nya na hindi nya mahal si Minerva, si Faith lamang ang kanyang hinahangad, ngunit hindi naman sya gusto ni Faith, buti pa si Minerva ay nagustuhan sya sa kabila ng kanyang kaanyuan.

"Talaga bang mahal mo ako, bakit?"

"Dahil ito ang naramdaman ko sayo eh, di alintana ang itsura mo ang importante mahal kita." Sabi ni Minerva at hinalikan nyang muli si Benedict kahit kinikilabutan sya.

..........

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon