Chapter 41

2K 54 3
                                    

.......

Dumating na ng mansion sila Don Pablo at Donya Matilda kasama si Kardo.

........

"Mga anak, kamusta na kayo!?" Masayang wika ni Matilda nang makita ang nag gagandahang kambal.

Masayang nag diner ang buong pamilya, kasama na nakaupo si Faith sa hapagkainan.

"Mga anak, ilang araw na lamang ay magkakaroon na ng mga tatak ng mga visa ang inyong passport at malilibot na ninyo ang buong mundo kasama kami ng mama nyo."

"Talaga papa!" Masayang sabi ni Dominic.

"Oo at nagpa reserve na ako ng mga hotel sa mga pupuntahan natin," wika ni Don Pablo.

"Papa, maaari bang isama natin si Faith?"

"Hmm? Faith may passport ka na ba?" Tanong ni Don Pablo.

"Wala pa po Sir,"

"Hmm, matatagalan pa kung ganon, mga anak, wala pa syang passport kaya tayo na lang muna, sa ibang pagkakataon na lamang natin sya isama."

"Pero papano ako mag eenjoy kung wala sya." Sabi ni Dominic.

Nagtaka si Donya Matilda at Don Pablo sa sinabi ni Dominic.

"Akala ko ba anak ay sabik ka ng makita ang mundo, nandito naman kami ng iyong papa?" sabi ni Matilda.

"Ngayon ko nalaman na hindi rin ako magiging masaya kung wala si Faith."

Nakaramdam ng selos si Benedict, hangad nya rin na makasama si Faith, hindi na lamang ito kumibo sa mga sinasabi ni Benedict. Nagkatinginan naman ang mag asawa.

"Bueno, kayo ang masusunod, maghihintay na lamang tayo hanggang magka passport si Faith."

Nang mapag isa ang mag asawa sa kanilang silid.

"Ano ang balak mo?" Tanong ni Matilda.

"May ipapakilala ako sa kanila, anak ng kakilala ko."

"Sino?"

"Kilala mo ba si Don Luiz?"

"Oo naman, may ari ng Saphire View Hotel diba?"

"Oo, may anak syang babae, Empress ang pangalan, gusto ko syang ipakilala  sa kambal, at baka isa sa kanila ang maibigan sya, upang di na nila pag agawan si Faith."

"Magandang idea yan, pareho silang may gusto kay Faith, kaya kailangan may magustuhang iba ang isa sa kanila."

"Yan ang dapat mangyari,"
.....

Makalipas ang ilang araw.

Hinahanap ni Kardo ang kanyang mga pamangkin. Kinatok nya ang silid ng mga ito ngunit walang nagbubukas, ngunit may naririnig syang umuungol. Hindi mabuksan ni Kardo ang pinto, tinawag nya si Melba.

"Nasan ang spare key ng silid na to?"

Napahawak sa ulo si Melba, naalala nya naibigay nya ang dalawang susi kina Minerva.

"Naibigay ko pareho yung susi sa kanila, pasensya na mang Kardo,"

"Bakit hindi nila binubuksan ang pinto, papano natin ito mabubuksan?"

"Nagtataka nga ako ilang araw na silang hindi lumalabas, kapag pinupuntahan ko sila sinasabi nila na wala daw sila ganang kumain, ano kaya nangyayari sa kanila?"

"Bakit kaya? Kailangan natin ito mabuksan," nag aalalang sabi ni Kardo.

Tumawag sila ng guard para buksan ito.

At binangag ng dalawang guard ang pinto hanggang ito ay mabuksan, at laking gulat nila nang nakita nila sila Minerva at Clara na malapit ng mangitim ang mga balat na gaya ng puno at umuuga uga ang katawan ng mga ito, nang nakita ito ng isang guard ay biglang ...... walang kaabog abog na pinagbabaril nya ito, nagulat si Kardo at Melba sa ginawa ng guard.

"Bakit mo ginagawa yan, tigilan mo yan!" Singhal ni Kardo sa guard ngunit patuloy pa din ito sa pag baril hanggang maubos ang kanyang bala.

Bumagsak sa sahig si Minerva at Clara.

"Mga pamangkin ko!"

Naghihisteryang sabi ni Kardo at maya maya pa'y dumating si Don Pablo at Donya Matilda.

"Ano ang nangyayari dito?" Sabi ni Don Pablo at nakita nyang nakahandusay ang dalawang babae na puno ng butlig at pilipit ang mga katawan.

"Ano nangyari sa kanila?"

"Magiging halimaw sila at mas mapanganib kung hindi ko sila agad napatay, nakakita na ako ng ganyan sa Maynila! At walang nakakapatay sa kanila kapag naging halimaw na sila!" Mariing sabi ng guard.

At dumating ang kambal pati na rin si Faith.

"Ano nangyayari dito?"

Tanong ng kambal at nakita nilang wala ng buhay si Clara at Minerva na nangingitim ang mga balat.

Natakot si Faith sa kanyang nakita.

"Pero hindi mo dapat sila pinatay!" Desperadong sabi ni Kardo.

"Hindi mo ba naiintindihan? Kapag naging halimaw sila ay di na sila mapapatay, hindi na sila tatablan ng bala!" Mariin na sabi ng guard.

"Mga pamangkin ko sila, pagbabayaran mo to!" Galit na sabi ni Kardo sa guard.

At biglang nagsalita si Don Pablo.

"Tama na yan Kardo, tama ang guard, nakakita na ako ng kagaya nila, at sila ay mapanganib, lahat tayo ay mamamatay kapag hindi sila napatay agad, wala na tayong magagawa Kardo!"

Napaiyak na lamang si Kardo sa sinapit ng mga ito.

At inutusan ni Don Pablo ang mga guard na alisin na ang mga katawan ng mga halimaw sa mansion.

..........

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now