Chapter 60

1.1K 53 8
                                    

"Oh no, sya yun, hindi ako maaaring magkamali!" sabi ni Page sa kanyang loob, napagkamalan nyang si Dominic si Benedict.

"Sir!" Malakas na sambit ni Page.

Napalingon si Benedict at sya'y nakita.

"Sino ka?"

Nakaharang ang mga guard at hinawi sila ni Benedict.

"Ako si Page, di mo ba ako natatandaan?"

Napakunot ng noo si Benedict at napatitig sya kay Page. "Hindi kita kilala." Nagtatakang sabi ni Benedict.

"Diba ikaw ang may ari ng clutch bag na ito?" sabi ni Page at pinakita ang clutch bag.

Nagulat si Benedict nang nakita nya ang clutch bag ni Dominic.

"Ikaw yung babaeng nakakuha nyan?"

"Eh hindi po ako ang kumuha nito, y-yung b-boyfriend ko, patawad po, binabalik ko na ito pati yung malaking bag na puno ng pera! Huwag nyo po kami ipapakulong! Nasa labas po yung pera nasa boy______" di pa tapos magsalita si Page ay sumabad agad si Benedict.

"Kukunin ko to, sa kapatid ko to, kay Dominic." Pagkakuha ni Benedict ay binuksan niya ito at nakita nya ang mga talutot at siya ay napangiti.

"Kakambal mo ba sya?"

"Oo, Benedict ang pangalan ko." Nakangiting sabi ni Benedict.

"Salamat!" Sambit ni Benedict at sa sobrang tuwa ay nagmadali na itong tumakbo palayo at sumakay ng elevator at hawak ang kamay ni Faith. Hindi na ito nag aksaya pa ng panahon kung kaya't di na nya napag tuunan ng pansin si Page. Kasunod nila ang mga bodyguards.Nang nagsara ang elevator ay parang nabunutan ng tinik si Page at nag-isip. "Pero bakit hindi sya interesado sa bag ng pera? Mas interesado sya sa clutch bag?" nagtatakang tanong ni Page sa kanyang sarili.

Lumabas ng hotel si Page at sinabi nya kay Andrei ang nangyari.

"Kung ganon, hindi naman pala sya interesado sa pera, atin na to!"

"Pero kailangan pa din nating isoli yan, balikan natin sa loob ng hotel."

Walang nagawa si Andrei at pumasok sila ng hotel. At nang tsinek ng security guard ay nagulat ito sa daming dalang pera ng mga ito.

"Saan galing ito?" Tanong ng guard.

"Isosoli namin sa may ari, naka check in sya dito."

Walang nagawa ang guard at pinapasok sila.

At iniwan nila ito sa may counter, pinalagay nila sa pangalan ni Dominic.

At matapos maibigay ay nagmadali na silang umalis.

...

Samantala...

Nakayakap si Dominic kay Donya Matilda.

"Mama, hindi ko na kaya to!"

"Anak lakasan mo loob mo, di ka man magbalik sa dati ay hindi na kita iiwan, lagi na tayong magkasama," malungkot na sabi ni Matilda.

"Ayoko Mama! Ayoko, mas mabuti pang hindi ko naranasan na maging normal, sana hindi na lang!" desperadong sabi ni Dominic.

Maya-maya ay dumating sina Benedict at Faith.

"Dominic, ito na ang clutch bag mo!"

At nang nakita ito ni Dominic ay nabuhayan ito ng loob.

"Yan nga yun!"

Manghang sabi ni Dominic at binuksan niya agad ito at nakita nyang nandoon pa din ang isang talutot ng benditas at mga enigma.

"Oh, salamat!" Masayang sabi naman ni Matilda.

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon