Chapter 5

3.2K 86 1
                                    

Samantala sa silid ng mag asawa, habang umiinom sila ng kape sa veranda ay pumasok si Lorena.         

"Dumating na po ang Governess nasa kanyang silid na po at nagpapahinga."

"Ano ang kanyang itsura?" Tanong ni Don Pablo.         

"Napakaganda po nya, mas maganda pa nga sya sa mga artista eh."

"Mabuti naman kung ganon." Naka ngiting sabi ni Don Pablo.

"Ano ang pangalan nya at ilang taon na sya?" Tanong naman ni Matilda.

"Faith Lorenzo po, 20 years old."

"Well, sana ay magkasundo sila ng aking kambal."

............

Makalipas ang isang oras ay nagising si Faith at para pa din syang nananaginip sa magandang kuwarto nya.

Nagtungo sya sa banyo.

"Grabe ang laki naman ng banyo na to, mas malaki pa sa bahay namin, ang laki naman ng bath tub, papano ba gamitin to?" Sabi ni Faith sa kanyang sarili.

Binuksan nya ang malagintong gripo ng bath tub at bumuhos ang malakas na tubig at ng kanyang hawakan ng tubig ay napakainit nito, binuksan naman nya ang kabilang gripo ng cold water at tinantya nya ang init.

"Wow ang galing, buti na lang madalas ako manood ng mga movie kung hindi ay di ko alam gamitin to haha!" Masayang sabi ni Faith sa kanyang sarili.At ng ito ay napuno ay hinubad nya ang kanyang damit at sumuong sya sa bath tub at ninamnam ang katamtamang init nito.

Matapos maligo ay namili ng damit sa walk in closet si Faith at nagustuhan nya ang isang simpleng one piece na bestida na sleeveless na kulay maroon.

Nag make up sya ng kaunti at nagsuklay ng mahabang buhok.

Maya maya ay kumatok si Lorena at kanyang binuksan ang pinto.

"Ipapakilala ko na sayo ang kambal." Nakangiting sabi ni Lorena.

At sumunod sya kay Lorena.Naglakad si Lorena sa isang hallway at kumanan ito, may roon doong isa pang magandang staircase ngunit hindi sila umakyat, sa elevator sila sumakay at may pinindot na code si Lorena bago ito nagbukas.

"Nahihirapan kasi mag akyat manaog ang kambal kaya may mga elevator dito, mayroon din sa hardin at ibang parte ng mansion.."

Nakakaramdam ng kaba si Faith, at bumaba sila ng elevator at may lalapitan na isang silid si Lorena.

"Dito ang silid ng isa sa kambal, ang pangalan nya ay Benedict, halika pumasok na tayo sa loob."Sabi ni Lorena at kanyang binuksan ang pintuan.Receiving area pa lamang ito dahil may isa pang pinto at nakasara ito.Kumatok si Lorena.

"Senyorito Benedict si Lorena po ito, nandito na po ang bagong Governess!" Sabi nya habang kumakatok ng pintuan.

At maya maya ay automatic na nagbukas ang pinto.

Pumasok sila sa loob at nakaupo na nakatalikod si Benedict nagbabasa ito ng bagong magazine na pasalubong ni Donya Matilda. Tanging ang likod ng reclyner chair ang kanilang nakikita.

"Bagong Governess?" sabi ni Benedict habang nakatalikod, nabighani si Faith sa magandang boses ni Benedict.

"Opo senyorito!"

"Maaari na kayong lumabas, marami akong ginagawa!" Pagalit na sabi ni Benedict.

Ngunit habang nagbabasa ng magazine si Benedict ay napatingin sya sa isang makintab na silver na figurine na nakapatong sa lamesa sa kanyang tabi at nakita nya sa reflection ang mukha ni Faith at labis syang nagandahan dito, ngunit nahihiya sya sa kanyang itsura na humarap kay Faith. Walang salamin sa kanyang silid maliban sa bathroom ngunit nakatakip ito.Hindi gusto ni Benedict na nakikita sa salamin ang kanyang kaanyuan.

The Creepy Statue of Kasandra 5Where stories live. Discover now