ISY35.

29.2K 544 5
                                    

Tulala at parang wala sa sariling napatitig lang siya sa hawak -hawak  na
picture na ibinigay ng doktor pagkatapos siyang ieksamin ng ilang minuto. It's a sonogram.

"I'm really pregnant?" Teary-eyed na tanong niya sa babaeng doktor na nakangiti habang nakatitig sa kanya.

"Very pregnant, Mrs." Anang doktor.

"Miss dok." Sansala niya sa sinabi ng doktora.

"Oh! I'm sorry, miss Villaflor." Hingi ng paumanhin nito na tinanguan lang niya. Npatingin siya sa pwesto ni Brian na seryoso lang  at mukhang nag-iisip sa isang tabi. Napanguso siya.

Saang planeta na naman kaya naglakbay ang isip nito?

She cleared her throat to catch his attention. Kunot-noong napatitig ito sa kanya.

"What is it, baby?"

"Okay kalang?" Aniya at nilapitan ito. Tiningala niya ito at tinaasan ng kilay.

"I'm fine, baby. I was just shocked. I'm already expecting that you're pregnant but it was just too much to feel. I'm too overwhelmed I guess." Anito at agad siyang niyakap at ibinaon ang mukha sa leeg niya. "Thank you so much, baby!"

Napangiti siya at ginantihan ang pagkakayakap nito sa kanya. She's happy that he's happy too. Akala kasi niya hindi pa nito gustong magkaanak dahil kanina pa ito tahimik lang sa isang tabi. Natakot din siya. Sobrang takot dahil baka maging isang single mom siya. Baka hindi niya kayanin.

"May gusto kang kainin, baby?"Agad na tanong nito nang nasa sasakyan na sila pauwi.Napailing lang siya at napahikab.

"You're sleepy already?"

Papikit-pikit na tumango lang siya at hinayaan ang sariling maidlip.

He stared at her sleeping face. A big smile curved on his lips. Ang ganda-ganda talaga ni Belice. Ever since they are in college, he's bewitched already by her endearing beauty. Sadyang in denial lang talaga siya dahil hindi ito ang tipo ng babaeng nagugustuhan niya. Yes, she's a real beauty but she's too straightforward and noisy. And he's a real scumbag way back then. Pinagpustahan nila ito at sinaktan niya. That was when he knew that he's in love with her already. But he was damn too late. Umalis ito ng bansa ng hindi niya nalalaman. He wanted to chase her but her parents told him not to. They told him that they have to grow up and live each others lives. Wala siyang planong sundin ang mga sinabi ng mga magulang nito. He believed that they can grow up better together. But he just woke up one day realizing that they really need to grow up and he really needed to be the best man for her. Masakit man ang mawalay dito nang ilang taon ngunit kinaya niya. Kinaya niya habang umaasang babalik ito sa kanya. And she really went back, more gorgeous, hotter and sexier than before. Natakot siyang maagaw ito ng ibang lalaki. He really wanted her. Before, now and forever. So, he claimed her and owned her.



Nagising siyang masama na naman ang pakiramdam. Dahan-dahang naupo siya at inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Napakurap-kurap siya nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon si Brian habang dala-dala ang isang tray ng umuusok na pagkain.

"So, you're awake." Maaliwalas ang mukha na inilapag nito ang tray ng pagkain sa bedside table  bago siya nilapitan at masuyong hinagkan ang noo niya. She smiled at his sweet gesture. Nakakainlove lalo kapag ganito siya ka sweet. "Come on, baby. You have to eat."

"Sandali lang, Brian. Maghihilamos lang muna ako." Aniya at agad ring tumayo at dahan-dahang naglakad patungong banyo. She carefully stepped on the tiled floor and washed her morning face. She smiled at her reflection. She looked radiant. Pregnancy made her one. She caressed her still small stomach. She can almost envisioned herself looking so fat with a protruding belly. Napangisi siya.

Goodbye, sexy body!

"Ayaw ko ng kumain,Brian! Busog na busog na nga ako oh!" Aniya habang nakasimangot. Kanina pa kasi siya nito pinipilit na ubusin ang pagkain na nasa harap niya. Ang problema lang kasi ay para ata sa tatlong tao ang inihanda nito. Buntis lang siya pero hindi naman siya ganun katakaw noh!

"Konti nalang baby oh!" Anito habang iniumang pa ang kutsara na punong-puno ng pagkain. Napailing siya.

"Hindi na nga magkasya sa tiyan ko, baby. Ang kulit mo din eh!" Nakangusong ibinaba niya ang hawak nitong kutsara at iniumang sa bibig nito. "Kainin mo!" Aniya habang pinandidilatan ito ng mga mata.

"I'm full, baby. I just had my breakfast." Tanggi din nito at ibinaba narin ang kutsara. She rolled her eyes at him.

"See? That's what I'm telling you. Busog ako so ayaw ko na. Kaya don't force me to eat anymore."

He heaved a deep sigh and placed the tray on the bedside table. Niyakap siya nito at pinatong ang baba nito sa balikat niya.

"I'm sorry, baby. I just want you and the baby healthy."

She stared at his sad face. Hinawakan niya ang pisngi nito at iniharap sa kanya.

"You don't have to worry about my health, baby. Aalagaan ko ang sarili ko at ang baby natin. Kahit ang liit pa nitong baby natin ay mahal na mahal ko na ito." She bit her lower lip and gave him a chaste kiss on his lips.

"I love you, baby! Kayong dalawa ng baby natin."

"Damn! I'm in love with you too, baby! Thank you for the best gift you've given me!" Ilang mura pa ang pinakawalan nito na nagpatawa sa kanya. Hindi naman talaga ito nagbago. Lumalabas parin talaga ang ugali nito na kasama sa minahal niya magmula pa nang masulyapan niya ito sa unang araw niya sa kolehiyo.

Who would have thought,huh? Na mamahalin din siya ng lalaking pinapangarap lang niya sa loob ng apat na taon? Naniniwala na talaga siya sa tinatawag nilang perfect timing. Maybe,if you're really destined for each other but if it's not yet the right time, maghihiwalay parin kayo. And that's what happened to the two of them. They experienced pain but they learned a lot about it. She smiled when a memory played on her mind. The start of the so-called destiny..


"Belice! Belice! Bilisan mo nga!" Nangangalaiti na ang kaibigan niya ngunit siya ay patuloy lamang sa dahan-dahang paglalakad. Tinawanan niya lang ito na lalong ikinasimangot nito. It's the first day of school. Well, as usual late na naman siyang nagising. She really has the habit of waking up late in the morning. Kahit noong nasa high school palang siya ay naging kandidata na siya para sa mga latecomers. Nadala na nga ata niya ang ugali niyang iyon kahit hanggang ngayon na nasa kolehiyo na silang dalawa ng kaibigan niya.

"Bakit ba kasi ang bagal mong maglakad, Belice?! Late ka na ngang nagising tapos ganyan kapa maglakad? Malelate na tayo oh!" Singhal ng kaibigan niyang si Margareth. Agad naman siyang napatakip sa magkabila niyang tenga dahil sa lakas ng boses nito. Napailing nalang siya. Ang aga-aga mukhang sirena ng bumbero na agad ang boses nito.

"Huwag kasing high-blood,Maggie. First day palang ng school. For sure, wala pa yung attendance kaya wala pa tayong late." Pagrarason niya naman sa kaibigan na namumula ang mukha sa init ng sikat ng araw at siguradong sa sobrang inis para sa kanya.

"Kahit na noh!" Ismid nito at nagpatiuna na sa paglalakad. "Bilisan mo!" Bulyaw nito nang mapansin na ang layo-layo pa ng agwat nilang dalawa. She tried to walked faster but her steps faltered when she saw a guy who just got out of his shiny black car. Awang ang labi na napatitig siya sa lalaking kamukha ng future-husband niya.

Yes! Future-husband talaga dahil ito ang lalaking pinapangarap ng mga babaeng gaya niya. Tall, ultra-handsome, sexy and freaking rich. His car says so.

Gusto niya tuloy palakpakan ang kanyang sarili. First time na nastarstrucked siya dahil lamang sa isang lalaki. And she almost fainted when their eyes met. Dark eyes met her brown doe eyes. A sinister smile played on her lips.

That was the day she promised to herself that he will be hers. By hook or by crook.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now