ISY15.

30.4K 678 4
                                    

5 Years Later

"What? Ayoko nga! Boss naman! I'm on a vacation". Pagrereklamo niya sa harap ng kanyang boss at kaibigan.

He raised his brows at her. Syet. Ang gwapong lalaki talaga! Hmmp. kung hindi lang talaga--

Ay ewan! Past is past ika nga nila. So dapat moved on na Belice!

"You need to go Bea. You'll be incharge with this project. Just cut your vacation, okay?" Kunot-noong saad nito at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Kainis. Bakit ba ako?" Napapalatak niyang saad.

"You're the marketing head so this is on you. And besides, if you get this project that would be a big break for us." Explain nito habang nakakuros na ang mga braso sa harapan.

"And why is that Mr. Ezekiel Valiera?"

"Dela Vega Holdings, Inc. is the biggest and well known company worldwide and the current CEO is not being easy on his signature. You know what I mean." He shrugged his shoulders while looking at her.

"Dela Vega?" Her brows creased upon hearing that surname. Could it be? No. Marami namang Dela Vega sa buong mundo kaya imposible. Ang malas niya naman kung related ang mga ito.

"Yes. And besides, he's a bachelor. Use your charm,Bea Malay mo at makapag-asawa kana." Natatawang sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya.

"What the hell?! Ibinubugaw mo ba ako, Zeke?" Pagtataray niya sa lalaki." FYI I'm just 25. You're older than me!"

"Whatever,Bea. I'm a guy. I can get married even at 40. But you? Gusto mo bang tumandang mag-isa? Ikaw rin. Bahala ka." Pananakot nito na ikinasimangot niya.

"Fine. Kainis to! I'm getting the project not because I'm afraid to be single forever. Sa ganda kong ito?" Confident na saad niya sabay flip ng kanyang short hair. Yep short. Tinatamad na siyang magpahaba ng hair eh. Nakakangalay magsuklay.Tipid pa sa shampoo at conditioner.

"Whatever makes you happy, Bea. Don't you worry. I'll be there also in about two weeks". Nakangiting sabi nito na inirapan lang niya.

"If I know  pupuntahan mo lang ang babae mo." Bitter na saad niya bago tumalikod." Bye. I'll make myself ready." Aniya at lumabas na sa opisina nito.





"Belice! Bes! I'm here!" Ang sigaw ng kaibigang si Maggie ang kanyang narinig habang naglalakad siya palabas ng airport.

Natatawang niyakap niya ang kaibigan na ngiting-ngiti sa kanya. Katabi nito ang asawang si Ashton na pinipigilan ang paggagalaw nito dahil may kalakihan na ang tiyan nito.

Oh well. Mabuti pa ang dalawa may forever. Natatawang pakli niya sa isip.

"Looking so good huh?" Aniya sa kaibigan na blooming at halatang hiyang sa pag-aasawa.

"Siyempre. Haha. But you my dear friend looked so gorgeous as ever. Mukha kang living doll,Bel. Lalo kang naging mestiza.Nakakasilaw ang kaputian mo."Anito habang iginigiya siya papuntang sasakyan ng mga ito.

Napailing nalang na napasunod si Ashton at napapakamot sa pisngi dahil sa pang-iiwan ng kaibigan  niya.

"Under mo ata si Ashton ah?" Aniya nang makapasok sa backseat ng sasakyan ng mga ito. Magiging driver pa ata nila ito dahil pumwesto na ito sa driver's seat.

"Nevermind him. Right hubby?" Baling nito sandali sa asawa na ngumiti lang sa kanila." I missed you so much you know. How's life?".

"I will be handling another project so I'll be here for a couple of months. It will be a big project that's why It'll take a long time."

"I see. Are you hungry? Should we eat first?"

"You bet I am. You talk too much." Tawa niya na ikinasimangot nito.

"Maingay ba ako hubby?" Anito na halatang naghahanap ng kakampi.

"No,wifey. You looked beautiful." Sabat naman nito na  nagpahalakhak sa kanya.

"Anong konek nun?Hmmp.. Ewan ko sa inyo." Aniya at nauna ng bumaba nang maipark ng maayos ni Ashton ang sasakyan sa harap ng restaurant.

Nauna siyang pumasok habang magkahawak kamay naman ang dalawa na nakasunod sa kanya. Pinili niya ang nasa gilid na parte ng restaurant para malayo sa nang-uusyosong tingin ng mga tao.

"See that,Belice? Ang ganda mo talaga." Anang kaibigan pagkaupo palang nila.

"What do you mean by that?" Kunot-noong pumili nalang siya ng pagkain dahil nagugutom na talaga siya sa kadadaldal ng kaibigan niya.

"Duh." She rolled her eyes at her na ikinataas ng kilay niya. " Almost all guys stared at you when you entered the resto. Gosh!I can't believe you are that dense,Bel. Lumabas kalang ng bansa, naging manhid kana."

"Oo na.Maganda na ako manahimik kalang,okay? Nakakadaldal ba ang pag-aasawa?" Parang tanga naman na tanong niya dito.

"Ewan ko sayo." Nakasimangot na binalingan nalang nito ang asawa nito na kanina pa pala nakatitig sa kaibigan niya. Patay na patay sa kaibigan niya ang gago.

"Let's just eat first,wifey.Bawal sa iyo ang magutom you know that." Masuyong sabi ni Ashton habang nakatitig sa kaibigan niya na nakatulala narin ata sa kagwapuhan ng asawa nito.

She smiled at the sight of them. She's truly  happy for them. At least her friend got her happy ending. May forever parin talaga.

Siya kaya?

Magkakaroon ba siya ng happy ending?

Kailan kaya? Bukas ba? Sa makalawa? Baka sa isang taon pa?

O tatandang dalaga nalang siya? Sayang naman ang kagandahang taglay niya kung hindi siya makakapag -asawa.

Napasimangot siya dahil sa naisip.

Si Brian kaya may asawa na? O anak kaya?

Napabuntong-hininga siya ng malalim. No need to deny it. She still has feelings for him despite how the years had gone by. Kahit nasaktan man siya nito ay nananatili ang nararamdaman niya para rito. He broke her a long time ago but still, he is the reason why she became who she is as of now.

And how she wished he's not yet taken or she'll have her heart broken...

Again.





~~

Feel ko talaga ang short hair. Ang hirap kasing mag -ayos ng buhok. 😂 Tinatamad din akong magsuklay eh! 😝👌

**

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

I SEE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon