ISY36.

27.7K 670 13
                                    

Patagilid na tiningnan niya ang kanyang tiyan sa harap ng malaking salamin. Halata na ang umbok niyon at hindi niya maiwasang maging masaya sa kaalamang mayroong buhay sa kanyang sinapupunan. Buhay na naging bunga ng kanilang pagmamahalan ni Brian. Nakangiting hinaplos niya iyon bago inayos ang kanyang suot na bestida. Aalis kasi siya ngayon dahil magkikita sila ni Tita Elena,ang mama ni Brian. Ilang araw na kasi siya nitong kinukulit na lumabas ngunit ayaw naman siyang payagan ni Brian dahil medyo masama ang kanyang pakiramdam nitong mga nakalipas na linggo. Napalingon siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang nakasimangot na si Brian.

"Do you really wanna go, baby?"

"Oo naman! Nakakahiya naman sa mama mo kung humindi pa ako." Aniya at dinampot na ang kanyang dadalhing bag.

"I want to go with you but I have an important meeting today. Idadaan nalang kita kay mama." Anito at hinawakan ang kamay niya. Tumango lang siya at hinayaan itong dalhin ang bag niya nang kunin nito iyon sa kanya.

Ilang ulit itong nagbilin sa kanya ng mga dapat at hindi dapat gawin. Natuturete na nga ang utak niya. Overloaded na nga kumbaga.Mahina pa naman siya sa pagsunod sa instructions. Kaya nga hindi na siya nagtaka na mababa ang marka niya sa eskuwelahan. In short, hindi siya katalinuhan. Sana nga hindi magmana sa kanya ang magiging baby nilang dalawa.

"Ma! Ingatan niyo po si Belice! Kung hindi mananagot kayo sa akin!" Sigaw nito bago kumaway paalis. Naiwan tuloy siyang nahihiya dahil sa inasal nito sa harap ng mama nito. He's still the same rude boy way back in college.

"Pasensya na po kayo kay Brian, Tita. Nagbibiro lang po iyon." Aniya habang nakayuko sa harap nito. Isang tawa ang nagpaangat ng kanyang tingin. She was fascinated with the way she laughed. May class talaga. Pangmayaman na tawa. Ang layo sa tawa niya na rinig hanggang kabilang bayan. Gusto niyang maiyak ngayon mismong katabi niya ito. Nakikita niya kasi kung gaano siya kalayo sa mga ito.

"Kilala ko ang anak kong iyon, hija. And he's not joking." Anito at hinawakan ang kamay niya na agad naman niyang binawi. Naguguluhang napatitig ito sa kanya.

"Pasensya na po, Tita. Nahihiya po kasi ako. Ang gaspang kasi ng kamay ko eh." Nakangusong sagot niya dito. Agad naman itong natawa at hinawakan ang kamay niya bago siya kinaladkad patungong loob ng malaking bahay. Mansion na pala dahil sobrang gara at laki nito.

Awang ang labi at manghang-mangha na inilibot niya ang paningin sa loob ng mansion. It screamed wealth, power and sophistication.

Grabe! Ngayon lang siya nakapasok sa ganito kaganda at kalaking bahay. Sa pelikula niya lang kasi nakikita ang mga ganitong klase ng bahay eh.

"May gusto ka bang kainin,Bel?"

Agad nagpanting ang tenga niya pagkarinig sa salitang pagkain. Nakangiting hinarap niya si Tita Elena. Mukha na tuloy itong fairy god mother sa tingin niya.

"Ay! Salamat nalang po, Tita! Busog pa po kasi ako." Kunwaring nahihiya na saad niya habang nakakuros ang dalawang daliri sa likod niya.

"No! You should eat, Belice. Kabilin-bilinan ni Brian na hindi ka dapat gutumin." Anito na ikinangiti na niya ng malapad. Mahahalikan niya talaga mamaya si Brian sa sobrang pasasalamat. "Baka daw kasi sumpungin ka ng pagkabaliw kapag nagutom ka." Dagdag nito na ikinalaglag ng panga niya. Kung kanina mahahalikan pa niya si Brian. Ngayon makakatikim na talaga ito ng mag-asawang sampal mula sa kanya.

Ang kapal ng mukha nito para siraan siya sa mama nito? Sa ganda niyang ito? Mukha ba siyang baliw?

"Sinabi niya talaga iyon, Tita?"

"Yes, hija. Believe me. Hindi ako sinungaling."

Nakaismid na inilapag niya ang dala-dalang bag at masakit na tinitigan ang nakakwadrong larawan ni Brian na nakalagay sa mataas na bahagi ng bahay. If looks could kill, then he should be dead by now.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now