ISY33.

28.2K 636 13
                                    

Ngiting-ngiti siya sa harapan ng kanyang nobyo habang nakapangalumbaba ito at nagpapacute sa kanya. Ngunit dagling nawala din ang ngiti na nakapaskil sa labi niya nang biglang iniluwa ng pinto ang babaeng manika na Thalia pala ang pangalan. Napaismid siya at agad ding nag-iwas ng tingin nang kimi siya nitong nginitian.

Ano naman kaya ang nginingiti-ngiti nito? Hindi naman sila bati. Feeling close pa ata ang peg nito.

"What are you doing here,Thalia? We already talked, right? And I made it clear to you that we're done." Anang Brian bago hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"I-I know, Sen." Malungkot ang boses na saad nito. "I just wanna ask if you knew where Zeke is. Wala kasi siya palagi sa bahay niya. Hindi din ito sumasagot sa mga texts at tawag ko."

"Ang ibig sabihin lang nun manika ay ayaw ka niyang makausap. Hindi ka naman siguro shunga para hindi maramdaman no?" Hindi mapigilang sabat niya na ikinabigla nito. Napakagat-labi ito bago napayuko. Napangiwi narin siya dahil sa talas ng kanyang dila. Pinaiyak pa niya ata ang isang manika. Mamaya balikan siya ni Chucky. Naku! Siguradong lagot siya pag nagkataon.

Nag-angat ito ng tingin habang namumula ang buong mukha. Ngumiti ito ngunit malungkot naman ang mga mata nito.

"Pasensya na talaga sa abala, Sen." Anito bago siya binalingan  ng tingin. "And I'm sorry Belice. Hindi ko sinasadyang masaktan ka." Dagdag nito bago tumalikod at umalis na.

"Feeling ko ang sama-sama kong tao, Brian. Inaway ko kasi ang isang manika. Everybody should love a doll, right?" Wala sa sariling saad niya at bumalik sa pagkakaupo sa bakanteng sofa. Agad naman siyang tinabihan ng nobyo at niyakap.

"You're not that bad, baby. And always remember that not everybody loves a doll. I love mannequin the most,baby." Anito na nakapagpangiti sa kanya.

"Talaga? Hindi ka nagsisinungaling?"

"Nope. Kahit ilang libo o milyon pang manika ang iharap sa akin. Ikaw parin ang pipiliin ko,baby. Mahal na mahal kita at hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang tsansang ibinigay mo sa akin." He said grinning as he inched closer and claimed her lips in a fiery kisses. Ilang minuto din silang naghalikan bago ito kumawala sa pagkakakapit sa kanya.

Kagat-labing napatitig siya sa nobyo nang bitawan nito ang kanyang labi. Damn! She wanted more of him. Kaya lang nasa opisina sila. Nakakahiya naman pag nagkataon. Baka may makahuli pa sa kanila.

"Damn! Your lips really taste so sweet, baby. Hindi nakakaumay." Nakangising dinampian nito ulit iyon bago siya niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"Sayo rin, baby. Ang sarap!" Aniya habang natatawa. Kinurot nito ang pisngi niya at pinagkikiliti siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa nun ang dalawang may-edad na ngunit posturang-pustora parin na babae at lalaki. Nakanganga ang babae habang seryoso lamang ang lalaki nang makapasok ang mga ito. Nahihiyang napaayos siya sa kanyang pagkakaupo habang nakatitig sa mga ito.

"Fuck! Ma! Pa! What are you doing here?" At halos panawan siya ng ulirat nang marinig ang sinabi ng nobyo.

Ma? Pa? Oh God! They are his parents? Naku! Nakakahiya!

"Masama na bang bisitahin ang aking unico hijo?" Anang babae bago siya pinasadahan ng tingin. Wala sa sariling napaayos siya tuloy ng buhok. Hindi lang siya sigurado kung nagmumukha pa siyang presentable. Ang harot-harot naman kasi ni Brian. Nauna kaya itong halikan siya. Gumanti lang naman siya.

Napailing lang ito bago sinalubong ang mama nito ng yakap at isang halik sa pisngi. Niyakap naman nito ang Papa nito na agad namang umupo sa harapang bahagi ng kinauupuan niya. Napatayo tuloy siya bigla at dali-daling yumuko sa mga ito.

"What are you doing, baby?"

"Baby?!" Sabay na sigaw ng dalawang matanda na ikinangiwi niya. Wala namang problema sa salitang baby diba? Ang ganda kaya ng tawagan nilang dalawa ni Brian.

"Yes. She's my girlfriend." Nakangiting tumabi si Brian sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kaliwang kamay niya.
"Ma,Pa, Meet Belice Anicette. Baby,they are my parents,Elena and Rupert Dela Vega."

"Nice to meet you po!" Nakangiting bati niya at yumuko pa sa mga ito.

"Kailan pa?"

"What do you mean,Pa?" Napatingala siya sa nobyo nang mapansin niyang nag-iba ang tono ng boses nito. Is he not cool with his father?

"I thought you're gonna marry Thalia, Brian. What happened?" Anang Papa nito habang madilim ang mukha na nakatitig sa kanila. Hindi niya tuloy maiwasang masaktan dahil mukhang hindi siya gusto ng mga ito para kay Brian.

"I don't wanna marry Thalia,Papa. I was just drunk and hurt that time that's why I told her that I'm gonna marry her." Igting-bagang na saad nito sa ama nito.

"And you're gonna marry this girl here?" Sabat ng mama nito habang nakataas ang dalawang kilay.

"Yes I will, Ma. Si Belice lang ang pakakasalan ko wala ng iba." Napatingala siya dito at hindi niya maiwasang makaramdam ng ibayong kasiyahan dahil sa sinabi nito.

"Why?" His father interrupted.

"Because I'm inlove with her. I can't imagine life without her." Anito habang seryosong nakikipagtitigan sa mga magulang nito habang mahigpit parin ang pagkakahawak sa kamay niya.

"What about you,young lady?" Anang ama nito kaya napabaling ang tatlong pares ng mga mata sa kanya.

"Po?"

"Do you think you deserved my son?" Napakurap-kurap siya dahil sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman. Feeling niya under execution siya at ibibitay na ng patiwarik kapag namali ang sagot niya.

"Ahm.. Hindi po." Aniya sa mahinang boses.

"What?!" Sabay din na sigaw ng mga ito na halos ikabingi niya. Lukot ang mukha na binalingan niya ng tingin ang mga ito at nginitian ang nobyo na hindi na maipinta ang mukha sa tabi niya.

"Hindi ko naman po talaga deserved si Brian,Ma'am at Sir. Isa lang po akong simpleng babae. Hindi mayaman,hindi din gaanong matalino. Matangkad lang po ako at naniniwala akong maganda din ako. While he has everything life has offered. I really don't deserved him but I love him so much. Gagawin ko po ang lahat maging deserving lang sa pagmamahal niya." Aniya sa seryosong boses. "I don't care if you don't like me for your son. I have cried enough,experienced enough and love enough to let him go. Pasensyahan po tayo pero hindi ko hihiwalayan ang anak niyo." Matapang na deklara niya habang nakatitig sa mga ito.

"Damn,baby! You just made me fall inlove with you again." He chuckled near the base of her ear.

"Okay." Magkapanabay na sagot ng dalawang matanda. Kunot-noo at hindi makapaniwalang napatitig siya sa mga ito.

"Okay?" She asked wide-eyed." Pang Famas po ang speech ko tapos okay lang ang sasabihin niyo? Ano yun? Positive ba o negative?"

"Hay naku hija! Ang ingay mo!" Natatawang saad ng mama nito bago kumapit sa asawa nitong nakatayo narin at nakangiti na nakatitig sa kanila.

Napangiwi siya at napayuko." Pasensya na po."

"You're lucky to have her,son. She's a keeper." Napaangat siya ng tingin pagkarinig sa sinabi ng ama nito.

Nabibingi na ba siya? O sadyang assuming lang siya?

"I know, Pa.I won't ever let her go."

"I should see you next time,hija. Are you okay with that?"Anang Mrs. Dela Vega. Wala na ang pagkaistrikto sa mukha nito habang nakatitig sa kanya. Nakahinga narin tuloy siya ng maluwag.

"Po?Okay po." Aniya habang wala sa sariling napakaway nalang sa mga ito.Naguguluhang napatitig siya sa nakangiting nobyo.

"Nagustuhan ba nila ang sagot ko,baby?Hindi ko kasi yun pinag-isipan. Kusa nalang yun lumabas sa bibig ko. Gusto na ba nila ako para sayo?" Aniya habang patuloy parin sa pagkulit dito. Hindi kasi siya nito sinasagot at tanging malapad lang na ngiti ang iginaganti sa kanya.

Nakakainis na nga! Parang nakikipag-usap siya tuloy sa isang baliw.

Dalawa na nga ata silang baliw. Ay ewan! Bwisit!

I SEE YOUWhere stories live. Discover now