ISY23.

31.4K 679 14
                                    

Ang tagal na nito. 😂

Namiss ko tuloy si Belice at Brian.

~~

Nagising siyang masakit ang kanyang buong katawan lalo na ang gitnang bahagi nito. Paano ba naman kasi hindi siya tinigilan ni Brian kahit mag-uumaga na. Daig pa nito ang isang lalaking ilang taong natigang dahil sa ginawa nito. Kawawa tuloy siya. Mukhang hindi na siya makakalakad dahil nanginginig ang mga binti niya kahit tatayo lamang siya. Nakangiwing napaupo nalang siya sa kama nang mabistahan ang oras. It's near lunch time. Ano pang aabutan niya? Tinatamad nadin naman siyang maghalf-day. Eh kung matulog nalang kaya siya buong maghapon? Juskoh! Ano ba kasing ginawa ni Brian sa kanya?

Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Napahigpit ang kapit niya sa kumot at inayos ang pagkakabuhol nito sa katawan niya nang mapansin ang paglitaw ng pagnanasa sa mga mata nito habang binibistahan  ang kabuuan niya. Namumula ang mukhang iniwas niya ang tingin mula sa topless nitong katawan.

"You hungry, baby?" Anito at lumapit sa kanya dala -dala ang pagkaing umuusok pa. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang mukha nito at ng masasarap na pagkain na nasa harapan niya. Wow! Bigla tuloy siyang nagutom.

"You cooked?"

"Yes, baby." He answered grinning as he sat beside her. Napausog tuloy siya bigla dahil sa pagkakadaiti ng balat nila. Mahirap na at baka manyakin na naman siya nito. Ang sakit pa kaya ng katawan niya.

"Kailan kapa natutong magluto?" Aniya habang tinitikman ang niluto nitong sinigang na baboy. Napangiti siya. Ang sarap. Mas masarap pa ata itong magluto sa kanya.

"When you left years ago,baby." Anito sa mahinang boses. "Ever since, I wanted to cook for you but we broke up.  I mean, I hurted you. That's why I promised myself that when I see you, I got to cook for you."

Nilapag niya ang kutsara't tinidor at pinakatitigan ang lalaking minamahal. She's touched because of what he said. Nakangiting dinampian niya ng halik ang labi nito.

"Thank you,baby."

"For what?"

"For everything. For letting me love you. Sino lang ba ako kung ikukumpara sa mga babaeng nakapalibot sayo mula noon hanggang ngayon. Feeling ko nga nananaginip parin ako hanggang ngayon."

"You're not dreaming, baby. Feel this?" He said as he hold her hand towards his crotch area. Nanlalaki ang matang binawi niya ang kamay at pinakatitigan iyon. Gusto niyang umiyak. Makasalanan na talaga ang kanyang mga kamay.

"Ang manyak mo talaga, Brye! Seryoso kaya ang pinag-uusapan natin dito." She said pouting as she continued eating. Sayang naman kasi ang pinaghirapan nito. At saka minsan lang kaya ito. Swerte niya at pinagluto na siya ng isang Brian Johanssen Dela Vega.

"I'm serious, baby. I just want you to feel that you're not dreaming." He answered grinning like a fckboy. Humiga ito habang nakataas ang dalawang kamay sa ulunan nito. Nakabalandra tuloy bigla sa harapan niya ang nakakatakam nitong abs.

"Ewan ko sayo!" Aniya at binilisan nalang ang pagkain niya. Mamaya madala siya ng temptasyon at halayin niya ang lalaking nasa tabi niya. Naiintindihan niya na ngayon si Eba kung bakit nito kinain ang mansanas. Ang hirap din pala ng pinagdaanan nito. Napailing-iling siya dahil sa lawak ng kanyang pag-iisip at agad tumayo para sana umalis nang bigla siya nitong hablutin pabalik ng kama. Natumba tuloy siya sa hubad na dibdib nito. Her heart started to pound loudly. Napakurap-kurap siya nang maramdaman niyang may bumubukol sa bandang tiyan niya at hindi siya tanga para hindi malaman kung ano iyon. Napailing siya dahil inaatake na naman ito ng kamanyakan. Wala talaga itong pinipiling oras.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now