ISY7.

24.1K 550 5
                                    

I'm in total distress!
Reports are making me look like a freaking zombie! I don't know why I got this job in the first place. 😢

Please do comment, guys! Pampawala ng stress. Ty.

~~

"Ma! I'm home!" Malakas na sigaw niya pagkapasok palang niya sa bahay nila.

Nakangiting mukha ng mama niya ang sumungaw mula sa kusina.

"Ang magandang anak ko andito na pala. How's school,anak?" Anito at lumapit sa kanya.

"Bad Ma. Really bad." Nakabusangot na sagot niya at naupo sa sofa.

Kunot-noong tumabi naman ito sa kanya.

"Bakit? May nang-away ba sa iyo? Halina at aawayin ko." Anito at akmang tatayo na nang pigilan niya ito sa kamay.

"Ma naman! Hindi na kaya ako bata!" Pagmamaktol niya at humalukipkip nalang.

"Sus. Ang anak ko dalaga na." Ginulo nito ang buhok niya." Huwag kalang munang mag-aasawa ha?" Biro nito na ikinalaki ng mga mata niya.

"Of course I won't! Ang bata ko pa kaya para mag-asawa. At saka ni wala nga akong boyfriend eh!"

"Bakit? Wala pa rin bang epekto ang pagpapacute mo kay Brian? Hina mo naman 'nak." Tudyo nito na nakapagpapula ng mukha niya.

"Ma naman eh! Naiinis kaya ako sa kanya ngayon."

"Bakit naman?"

"May katabing babaeng clown kanina sa university eh! Ang sarap nilang pag-untugin na dalawa."

Natawa naman ang mama niya dahil sa sinabi niya.

"Nagseselos narin pala ang prinsesa ko."

"Selos? Selos ba yun Mama? Yun din kasi ang sabi ni Maggie eh! Na nagseselos daw ako sa kanila." Aniya habang nakatitig sa magandang mukha ng mama niya.

"Oo 'nak. Pero wag lang masyado ha? Baka masaktan kalang. Kung alam mo namang hindi talaga interesado ang lalaki sa iyo huwag ka ng magpapapansin ha? Sumuko ka nalang, Anak. Ayaw namin ni Papa mo na masaktan ka." Masuyo ang boses na saad ng mama niya habang hinahagod ang buhok niya bago tumalikod ito at bumalik sa kusina.

Natouch naman siya sa sinabi ng mama niya. Susuko na ba siya? Sapat na ba ang apat na taon na pagpapapansin niya? Napansin naman talaga siya ni Brian diba?

Napabuntong-hininga nalang siya. Okay. Nakapagdesisyon na siya. She will still pursue him. She will still pursue Brian Johanssen Dela Vega. Naniniwala naman kasi siya sa kasabihang " Habang may buhay, may pag-asa."

Go lang ng go Belice Anicette! May pag-asa kapa!



"Good morning mga magaganda kong classmates!" Masayang bati niya sa mga kaklase niya pagkapasok niya palang sa room nila.

"Okay kana,Bel?" Anang isa niyang kaklase.

"Siyempre naman. Bakit naman magiging hindi?" Aniya ng nakangiti. What a beautiful start for the day! Smile Belice! Show the world how beautiful you are. Haha.

"Kahapon kasi mukha kang bad trip eh! Ni hindi mo nga kami binati." Anito.

"Oh, that? Pasensya na. Medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko kahapon."

Nakangiting tumango na rin ito. Dagling sumulpot naman ang kaibigan niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Magandang buhay! How are you my dear best friend?" Anito na tuwang-tuwa.

"Eto, maganda pa sa umaga." Confident na sabi niya sabay flip ng kanyang mahabang hair na ikinatawa ng mga kaklase niya. "Bakit? Hindi ba totoo?"

"Totoo. Talagang maganda kapa sa umaga." Ngiting-ngiti na sabat ni Bench kaya inulan sila ng tukso ng mga kaklase nila. Napailing nalang siya at natawa. Ang ganda niya talaga!



"Oh, mukhang nagkakatuwaan ata sila Brye ah!' Anang Ashton sabay nguso sa room nila Belice habang papadaan sila.

Kunot-noong tiningnan niya ang sinasabi nitong pagkakatuwaan ng mga ito.

" Totoo. Talagang maganda ka pa sa umaga."

Anang lalaki na dahilan kung bakit tinukso ang mga ito. Tiim bagang na sinulyapan niya si Belice na natatawa lang sa gitna.

Damn! Hindi pwedeng magkagusto siya sa ibang lalaki!Si Belice ay kay Brian lang! Tandaan niyo iyan!

Hindi siya pwedeng matalo sa pustahan. Ang isang Dela Vega ay hindi pa natatalo kailan man.

Hindi isang simpleng Belice ang makapagpatalo sa isang Brian Dela Vega. Mark his words.





Hindi sigurado si Belice kung si Brian nga talaga ang nakita niyang dumaan. Ngunit naramdaman niyang si Brian nga iyon.Bumibilis lang naman kasi ang pagtibok ng puso niya kapag nasa malapit na ito. Ganyan ka hibang at kakilala ng puso niya ang isang Brian Dela Vega.

"Okay kalang bes?" Putol ng kaibigan niya sa pag-iisip niya.

"Oo naman. Bakit?" Nakangiting binalingan niya ito.

"Mukha kasing nakaabot kna sa outer space eh!" Anito at natawa.

"Outer space talaga?" Ngiting balik niya bago bumulong na ikinalaglag ng panga at ikinalaki ng mata ng kaibigan niya.
"Hindi ba pwedeng sa puso lang ni Brian?"

"Oh my God Belice! Joke ba yun o banat?' Anito sabay tawa. " I'm telling you bes! Havey na havey siya!"

Tawang-tawa din siya dahil sa banat niya. Kinilig kaya siya. Tumigil lang ang tawa nila nang pumasok ang masungit na Professor nila.

"You seemed happy Belice and Margareth. Care to tell the whole class what you are laughing at about?" Masungit na bungad nito habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila.

"Nothing Ma'am. It's something personal so we would like to keep it to ourselves." Nakangiti pa na sagot niya na lalong ikinadilim ng mukha nito.

"Are you mocking me, Belice?"

"No Ma'am. I just answered you honestly and truthfully. We are entitled for our privacy, right?" Aniya na pilit ngumingiti para kumalma ang nerves niya. Sinisira nito ang happy vibes niya eh! Talagang galit ang guro nila sa kanila lalong lalo na sa kanya. Palagi kasi siya nitong pinag-iinitan sa loob ng klase. Insecure siguro sa ganda niya? Haha.

Napailing ito bago sumigaw at dumiretso sa unahang pwesto nito.

"Go back to your seats now! Get a piece of paper. We will have a quiz!" Anito ng nakatitig sa kanya as if telling her ' Tingnan natin kung hanggang saan ka talaga!

Eh di wow!

Ang sama talaga ng ugali nitong professor nila. Ni hindi nga sila nakapagreview.

Good luck paper and pen! Hindi ko lang alam kong magagamit ko kayo ngayon!

Bad trip.




~~

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

I SEE YOUOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz