ISY32.

27.7K 572 17
                                    

Pagapang na umakyat siya sa kanyang kama dahil sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam.Nahihilo siya at nasusuka. At lalo lang sumama ang pakiramdam niya nang masulyapan ang sariling repleksyon sa salamin. Ang pangit ng pagmumukha niya! There are dark circles under her eyes,her nose is red and her eyes are puffy because of too much crying.

Wala na! Siguradong wala na siyang trabahong babalikan. Paano nalang ang gastusin niya? Babalik nalang ba siya sa poder ng mga magulang niya? Ang tanda-tanda na niya para magpaalaga sa mga magulang niya. Nakakahiya!

Tamad na inabot niya ang kanyang tumutunog na cellphone sa ibabaw ng kanyang bedside table.

"Hello!" Aniya sa paos at mahinang boses.

Baby? Are you okay? Napakurap siya nang marinig ang boses ni Brian. Hindi niya alam ngunit napaiyak siya dahil sa pag-aalala na nababakas niya sa boses.

Damn! You're crying! Where are you, baby?

"Apartment." Aniya habang patuloy parin sa paghikbi. Ilang mura ang pinakawalan nito bago pinatay ang tawag. Inayos niya ang pagkakapulupot ng kumot sa kanyang katawan at wala sa sariling napatingin sa kisame.

Bumalik nalang kaya siya sa ibang bansa? Pwede din namang umuwi nalang muna siya sa pamilya niya. Namimiss narin naman niya ang mga ito. Kaya lang sabi ng mama niya uuwi lang siya kung may dala na siyang asawa. Saan naman siya kukuha ng asawa niya? Naputol lamang ang pag-iisip niya nang may marinig siyang lagabog mula sa labas ng kwarto niya at sinundan iyon ng ilang mura ng lalaking kilalang-kilala niya.

Nag-aalalang mukha ang agad na bumungad sa kanya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Baby? Are you sick?" Anito at agad na nilapitan siya sa kama. Napatalukbong siya tuloy ng kumot dahil sa sobrang hiya. Ang gwapo-gwapo nito at looking fresh samantalang siya ay mukha ng bilasang isda kahit mataas pa ang sikat ng araw.

Nakangusong hinarap niya ito nang matagumpay nitong naalis ang kumot na nakatalukbong sa kanya. Kunot na kunot na ang noo nito habang natingin sa kanya.

"Huwag ka ng magsalita! Alam kong ang pangit -pangit ko ngayon!" Aniya habang nakasinghal. "Why are you here anyway?"

"I'm worried about you, baby. I panicked when I heard you cry." Naupo ito sa tabi niya ngunit sinigurado naman nitong hindi magdadaiti ang kanilang mga balat. She's not that angry with him anymore but they're still not okay with each other. Mas mabuti ng dumistansya pa ito sa kanya.

"Pasensya na. Naabala pa tuloy kita." She said feeling sorry all of a sudden. Hindi naman siya nag expect na pupuntahan siya nito.

"Hindi ka magiging abala para sakin,baby. You're my priority. Uunahin talaga kita kahit anong mangyari." Seryosong saad nitong habang may lungkot ang mga mata na nakatitig sa kanya. Kagat-labing nag-iwas siya ng tingin nang biglang tumibok na naman ng mabilis ang pesteng puso niya. Kahit kailan talaga pahamak ito. Hindi man lang marunong makisama.

"Maaari ka ng umalis, Brian. Alam kong busy kang tao. Salamat sa pagpunta dito." Hindi nakatingin dito na saad niya.

"Are you sure, baby? Pwede naman kitang samahan muna dito. Mamayang hapon pa naman ang meeting ko. I won't be that busy this morning."

Pasimpleng inirapan niya ito na ikinangiti lang nito.

"Bahala ka." Aniya at bumalik sa pagkakahiga niya. Tinalikuran niya ito ngunit naririnig naman niya ang bigat sa paghinga nito. Hindi tuloy siya makapag-isip ng maayos.

"Have you eaten your breakfast, baby?" Anito maya-maya. Nakangusong bumangon siya at hinarap nalang ito. Humahalukipkip na tinitigan niya ito.

"Hindi pa."

"Why? It's late already, baby. You shouldn't skip your breakfast." Medyo galit ang boses na saad nito."Stay here. Magluluto ako." Napapailing na lumabas ito ng kanyang kwarto. Dahil sa sobrang tigas ng kanyang ulo. Imbes na manatili lang sa kanyang kwarto ay sumunod siya palabas dito. Dire-diretso itong naglakad patungong kusina niya at halos mapangiwi siya nang bigla itong lumingon at huling-huli siyang nakatiptoe na sumusunod dito. Dagling namula ang kanyang mukha nang pasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Napalunok ito nang mapadako ang tingin sa bandang dibdib niya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Taas-kilay na singhal niya para pagtakpan ang hiya na kumalat sa katawan niya.

"You're not wearing a bra, baby?"

"Ano?" Parang biglang nabingi na saad niya. Kunot na kunot ang noo nito ngunit namumula naman ang bandang tenga nito habang hindi inaalis ang tingin sa bandang dibdib niya. Napatingin narin tuloy siya doon at halos mapasigaw siya nang mapansin ang dalawang utong niya na bakat na bakat sa suot niyang manipis na t-shirt.

"Oh my Gosh! Oh my Gosh!" Napapaypay sa sariling dali-dali niyang tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang dibdib at masakit na tinitigan ito. "Bakit mo tiningnan? Ang manyak mo talaga!" Nakasigaw na saad niya.

"I'm sorry, baby. I can't help it. It looked delectable on my sight." Nakangising sagot naman nito bago tumalikod at nagsimula ng ayusin ang gagamitin sa pagluluto nito.

"Bwisit!" Padabog na tumalikod siya at agad na dumiretso sa kanyang kwarto at ini lock iyong mabuti. Napangiwi siya nang mapatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Ang iksi ng cotton shorts na suot niya. Bakat na bakat pa ang dalawang utong niya at hindi kaaya-aya ang mukha niya. Ibig sabihin,kahiya-hiya ang buong hitsura niya!

Walang kangiti-ngiti na umupo siya sa bakanteng upuan kaharap ni Brian na kasalukuyang nakangiti na habang nakatitig sa kanya. Puno ng pagkaaliw ang buong mukha nito at halos gusto na naman niyang bumalik at magtago sa kanyang kwarto pagkaalala sa kahiya-hiyang sinapit niya kani-kanina lang.

Ipinagsandok siya nito ng kanin at ulam na nagpalusaw sa lahat ng hiya at inis sa kanyang katawan. She was touched by his actions. And she couldn't help but felt 'kilig' also on what he has done for her .Tinitigan niya ito habang seryosong-seryoso na ito sa pagsisilbi sa kanya. A small smile appeared on her lips. Maybe, just maybe he deserve another chance.

"Kumain kana baby dahil masyadong late na ang breakfast mo. Next time, you should eat on time. Okay?"

"Okay." Nakangiting saad niya na nakapagpatigil dito. Awang ang bibig at hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya.

"You smiled." Napatango siya habang hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Damn! Am I dreaming? Did you really smiled at me, baby? Bati na ba tayo? Hindi kana galit?"

"Sa tingin mo?" A playful smirk appeared on her face as she started eating. She can almost feel his intense stare but she just give it a shrug. Gutom na siya eh.

"Shit! Fuck! Bati na tayo,diba? Diba,baby?I'm so happy." Natatawang saad nito at nagnakaw pa ng halik sa pisngi niya.

Napangiti siya. If he's happy, she's happy too. Sapat na siguro ang ilang araw na pagtikis niya dito. After all, naniniwala naman siyang hindi talaga nito intensyon na saktan siya. At alam niyang sinsero ito sa paghingi ng tawad sa kanya. Maybe, he can fake his smile but not his tears. A guy wouldn't shed a tear to someone who's not important or special to him. And she knows him too well. Hindi ito ang tipo ng lalaking umiiyak. Hindi niya pa ito nakitang umiyak maliban nalang nung humingi ito ng kapatawaran at isa pang pagkakataon sa kanya. She's in love with him and she trusted him. Naniniwala siya sa pagmamahal nito at hindi siya makakapayag na pakawalan pa ito.

Come hell or high water. Sa kanya lang dapat ang nag-iisang Brian Johanssen Dela Vega!








~~

A/N: Akala mo sayo na. Yun pala nananaginip kalang pala. 😂

**

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

I SEE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon