ISY38.

28.6K 527 11
                                    

Isang linggo na magmula ng sagutin niya ang proposal nito. At isang linggo narin siyang naiirita dahil sobrang busy nito sa trabaho. Is he really serious about marrying her? Dahil kung hindi ay lalayasan na niya talaga ito.Ni wala nga itong binigay na singsing sa kanya. It must be really a spur of the moment decision for him.

Padabog na inayos niya ang kanyang suot na bestida at dinampot ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesita. She's bored like fvck.Bibisitahin niya nalang ito sa opisina nito.


Tinanguan niya lang ang mga nakakasalubong niyang mga empleyado at dire-diretsong naglakad patungong elevator. Napansin niyang madali na siyang mainis at mairita nitong mga nakalipas na araw kaya kalimitan ay hindi na siya lumalabas at hindi narin siya nakikisalamuha sa ibang tao. She hated this attitude of hers. And this freaking hormones should be blamed.

"Is Brian inside?" Agad na tanong niya sa sekretarya nitong halatang nabigla sa pagsulpot niya sa harapan nito.

"Good morning, Ma'am! Yes po,he's inside but he's talking to someone."

"Business or personal?" Nakataas-kilay na saad niya.

"Personal po ata,ma'am. Wala naman po kasi siyang appointment." Parang may pag-aalinlangan pang sagot nito sa kanya. Tinanguan niya lang ito at agad niya ring binuksan ang pinto. Parang sasabog na bulkan na tinitigan niya ang dalawa na matamis na matamis ang pagkakangiti sa isa't isa. Napatikhim siya para kunin ang atensyon ng dalawa. They both paled after seeing her and that made her anger intensified.

"Ito ba ang pinagkakaabalahan mo, Brian?"

Agad naman itong tumayo at akmang lalapitan siya nang senyasan niya itong huwag lumapit. Kumukulo ang dugo niya at hindi makakabuti na lumapit pa ito sa kanya o kahit sino sa kanilang dalawa ng ex niya. Bakit ba kasi ang hilig mang eksena ng mga ex? Kulang ata sila sa pansin. Nakakabuwisit ng araw!

"We're not doing anything wrong, baby."

"Siyempre, dumating na ako eh!" May pagkasarkastiko na saad niya. "Seriously? Hindi ka talaga titigil,Thalia? Kahit manika ka papatulan na talaga kita."

"I-I'm sorry. We're really not doing anything wrong, Bel. Nag-uusap lang kami."

"Said someone who was caught doing the wrong deeds." She said as she rolled her eyes in front of them. Tinaasan niya ng kilay ang kanyang boyfriend na galit na nakatingin na sa kanya.

"Bakit?Aawayin mo rin ako?! Kakampihan mo pa itong ex-fiancee mo?" Aniya sabay duro sa babae na gulat na gulat habang nakatitig sa kanya.

"Will you stop being childish, Belice?!" He shouted angrily at her. Napaatras siya habang pigil-pigil ang luhang gustong kumawala sa pisngi niya. Ang tapang-tapang niya, isang singhal lang pala galing dito ang makapagpapatahimik sa kanya.

"I'll get going, Sen. You need to talk to her alone. I'm sorry." Napangiti siya ng mapait at pinigilan ito sa paglabas.

"No need, Thalia. Hindi rin naman ako magtatagal. I'm done here."

"Fvck, baby?"

Dire-diretso lang siyang naglakad at hindi pinansin ang pagtawag nito sa kanya. Humihikbi at kipkip ang kanyang bag ay dali-daling sinara niya ang elevator. Napailing siya at nakayukong sinandal ang katawan sa loob ng elevator. She caressed her now bulging tummy. They'll be fine. Uuwi nalang muna siguro siya sa bahay nila. Namimiss narin naman niya ang mga magulang niya.

Mabilis na naglakad siya patungong exit nang marinig niya ang pagtawag ni Brian sa kanya kasabay ng pagsinghapan ng mga empleyado sa paligid nila.

"Fvck,baby?Turn around,please?"

Napilitan tuloy siyang lumingon dahil sa pagsusumamong narinig niya sa boses nito. Awang ang labi at malakas siyang napasinghap nang makita niya itong nakaluhod ng hindi kalayuan sa kanya. He has this serious expression on his face as he stared at her.

"This is not what I planned, baby. But I just can't lose you this time.I'm inlove with you. Only with you. So, will you accept me to be with you for the rest of our lives?"

Isa-isang nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi pagkarinig sa sinabi nito. Hindi alintana ang pangsinghap at ingay ng mga tao sa kanilang paligid ay dahan-dahang naglakad siya patungo dito.

"Baby?"Anito habang nakatingala sa kanya. Fear is still visible on his eyes. So, you're afraid of losing me too,baby? Dapat lang dahil hindi ako makakapayag na ako lang ang totoong nagmamahal dito.

"Yes." Aniya sa mahinang boses.

"What?"

"It's always a yes for you, baby. Nasagot na kita diba? Since you're asking again, I'm saying yes again, Brian."

"Fvck! Yes! She said yes!" Natatawang sigaw nito at mabilis na isinuot ang singsing sa daliri niya. Agad din itong tumayo at kinuyumos siya ng nagbabaga nitong mga halik. She responded with equal intensity. Sumasabay sa bugso ng damdamin nila ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa kanilang paligid.





Parang tangang pangiti-ngiti lang siya habang nakatitig sa singsing niyang nakasuot sa daliri niya. Ang ganda ng disenyo nito. Simple lang ngunit kumikinang ang gitnang bahagi niyon. It's her birth stone. Turquoise.

"Hoy! Huwag kang ngiti ng ngiti diyan,Belice!Para kang tanga!" Malakas na tawag ng kaibigan niya habang hinihele ang anak nito.

"I'm just so happy, Maggie. Ilang taon ba akong naghintay para dito? Ang tagal diba? But God really knows when to give us our happy ending."

Her bestfriend smiled as she walked towards her. Tumabi ito sa kanya at inihilig ang ulo sa balikat niya.

"I agree with you,Belice. Parang kailan lang nung hila-hila pa kita dahil malelate na tayo. You are really destined to meet him on that day, bestfriend."

"You think so, Margareth?"

"Yes.You're destined to meet but not yet destined to be together. And now is the perfect time for the both of you. God has already seen the best and worst parts of your life. You both deserved each other, Bel. And I'm so happy for you."

Naiiyak na niyakap niya ang kanyang nag-iisang kaibigan. Yes. Margareth is her bestfriend and her only friend. It's much better anyway than being surrounded by many so-called friends but are not really your true friend.

"I'm so happy for the both of us, Maggie. And I can't wait to be married to the man I really loved." She sighed dreamily as she thinks of their wedding. Wala pa silang pinag-usapan ngunit nakaplano na talaga ang pangarap niyang kasal. Gusto na talaga niyang makasal dito para makapagpokus na siya sa magiging baby nila. Excited narin siyang maging first time mommy. She felt ecstatic that she felt like dreaming.It's really surreal. At ayaw niyang may sumira pa sa kaligayahang nararamdaman niya. She had enough for the past years. Umibig siya, nasaktan at umalis. She came back. Nagmahal ulit, nasaktan na naman ngunit wala na siyang planong umalis. She has her home already. And she promised to stay where she really belongs until forever.








A/N: Tatapusin ko na po ang story na ito. Ilang chapters nalang po tayo.

Thank you so much for being part of their love story! 😊

I SEE YOUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu